Chapter 14

2236 Words
MARCO'S POV Natakot ako sa posibleng mangyari o nangyari sa kanya. Kilala ko si Jackson, kababata ko sya. Nabibilang sya sa mga myembro ng frat na walang sinisino at kinatatakutan mapa babae, bata o matanda ni ang mga may kapansanan hindi niya pinapatawad. Kaya naman ng madaanan ko syang kausap si Lalaine kinabahan ako at lalo pa ng tumakbo si Lalaine palayo sa kanya. Gusto ko syang tanungin kung anong nangyari pero mas pinili ko na lang yakapin siya dahil sa sobrang iyak niya. Sa bawat paghikbi at pag patak ng luha sa kanyang mga mata, parang may kunng anong pumipiga sa puso ko ng paulit ulit. Nang mapansin yang magkayakap kami agad syang kumalas. Sa una nag kailangan kami hanggang sa di kami nag kibuan. Pero patuloy pa din ang pagpatak ng luha sa kanyang mga mata. Tahan na, hindi kita pababayaan. gusto kung sabihin pero di ko magawa Tumahan sya sa pag iyak at nag punas ng luha. "Pasensya kana, nakakahiya nakita mo pa kung umiyak ng ganito." Para sakin hindi nakakahiya ang pag iyak lalo na at ito lang paraan na nakikita kong para maibsan yung bigat ng nararamdaman nya. Kung pwede ko lang akuin ang bigat nito, ginawa ko na. Di ko alam bakit ganito ang nararamdaman ko. Gusto kong pagaanin ang loob nya.. "Hmm" , tinignan ko sya habang nakayuko at nilalaro ang daliri sa upuan na inuupuan namin. "Ang pangit mo pa lang umiyak" Napaangat ang mukha nya ng nakataas ang isang kilay. Habang ang mga mata ay mugto at namunula pa rin. Halatang galing sa matinding pag iyak. "Ngaun lang ako nakakita ng duwendeng umiiyak" Napaka ganda nya tignan habang salubong ang kilay at nakanguso ang bibig na para bang batang inaasar. Inirapan nya ako at tumingin sa malayo. Ilang minuto din kaming tahimik na pinag mamasdan ng mga taong naroon. Hindi naman karamihan ang tao dun marahil dahil hamak na araw. Madalas kasi puno ang parke kapag sabado o di kaya linggo kung kailan araw ng pamilya o magkasintahang nag dadate. Mula sa pag tanaw sa mga tao sa paligid napalingon sya sa relo nya. "Late na tayo sa klase natin, masungit pa naman si Ma'am" Napabaling sa kanya ang tingin ko at napangiti ako sa mukha nyang napaka inosenteng tignan. "So, sinasabi mo bang hwag na tayong pumasok? " Lalong nag kunot ang noo nya kasabay ng pag irap sakin. "Hindi kita pinilit samahan ako OK!" Natawa ako sa reaction nya. I admit, she's kindah cute on her expression. Tumayo ako at pinagpag ang pantalon ko kasabay ng pagharap sa kanya ang paglahad ng aking kamay para abutin ang kanyang kamay. "Total di na rin tayo makakapasok at di ka rin makakauwi ng mugto ang mga mata, sasamahan na lang kita ngaung araw" "Ha?" Nagulat sya sa sinabi ko at nakatitig lang sakin ng ilang sigundo mukhang nag isip sya hindi nagtagal inabot nya rin ang aking kamay. 'Hayaan mong palitan ko ng ngiti ang lungkot sa iyong mga labi, kalimutan ang lahat ng sakit at pangit na alaala at maging tagapagtangol mo.' LALAINE POV Nakasakay kami sa motor nya. Hindi ko alam kung saan kami pupunta basta ang alam ko gusto kung makalimot pansamantala. Sa ikalawang pagkakataon lumiban ako sa klase kasama sya. Nakahawak lang ako sa laylayan ng kang jacket habang patuloy ang kanyang pagmamaneho. Pakiramdam ko safe ako at nakahanap ako ng kakampi na di ako huhusgahan o lalayuan. Ganito pa din kaya sa pag nalaman nya ang nakaraan ko. Winaksi ko ang mga agam agam sa isipan ko. Bahala na bukas ang mahalaga ay ang ngaun. Nagpatuloy ako sa pag tanaw sa lahat ng dinadaanan namin. Hindi ko rin alam saan kami papunta at hinahayaan ko lang sya kung saan niya ko dadalhin. Basta ang alam ko gusto ko munang lumayo sa lahat ng nagpapaalala sakin sa nangyari sakin. Maya maya pa ay huminto kami sa parking lot ng isang mall. "Anong gagawin natin dito? " Nagtanggal sya ng helmet at ganun din sa akin. " Gusto mong maglibang, makalimot tara mag Arcade tayo" Ibang iba ang nababasa ko mula sa kanyang mga mata. Iba sa nakilala kong Marco na masungit at suplado. Ang Marco na kaharap ko ngaun parang puno ng pag aalala na gusto akong pasayahin. Habang naglalakad papasok sa mall nauuna sya sakin ng bahagya habang nakalagay ang dalawang kamay nya sa bulsa ng kanyang pantalon. Habang ako naman ay nakayuko at sumusunod sa mga yapak nya. Buo ang atensyon ko sa aking mga paa kaya't di ko nanamalayan ang dalawang batang mga nasa limang taong gulang nagtatakbuhan papalapit sa akin, huli na nang mapansin ko at nabangga nila ako. Nawalan ako ng balanse at akmang matutumba sa sahig nang biglang may mga braso na yumapos sa aking bewang palapit sa dibdib nya. Napapikit na lang ako. Ang mainit nyang braso at naakalas ng kabog ng kanyang dibdib. Nakakabinggi ang katahimikan dahil tanging kabog ng dibdib lang ang naririnig ko. Hindi ko alam kung sa kanya ba o sakin. Maari ding sa aming dalawa. Parang bumabagal nanaman ang pag galaw ng oras at ng paligid. Dinilat ko ng dahan dahan ang aking mata hanggang sa magtama ang aming paningin ilang sigundo ang lumipas at bigla akong napatayo at naitulak sya ng mahina. Ramdam ko ang pagkailang naming dalawa. Agad naman siyang tumalikod at naglakad, kaya naman sinundan ko lang sya hanggang sa makarating kami sa arcade. Nagulat ako nang hinubad nya ang jacket ganun din ang polo nya at puting t shirt na panloob na lang natira. Naka kunot noo naman ako dahil sa pag abot nya sakin ng kanyang jacket. "Anong gagawin ko dyan?" "Suotin mo, para matakpan ang blouse mo" Blouse na color light blue kasi ang uniform namin at slacks na navy blue habang sa lalaki ay polo na kulay puti at black na slacks. "Ha? Bakit ko naman gagawin yun? " Buong pagtatakang pagtatanong ko sa kanya. "Ikaw din gusto mo bang mahalata nilang nag cut tayo ng klase? " Sabay taas ng ulo nya ganun din ang kilay nya. Oo nga pala nasa mall kami. At nakakahiyang makita nilang naka uniform kami at baka maireport pa kami sa school. Naka puting t-shirt na lang sya at yung polo nya ay nakapatong sa kanyang balikat. Dali dali kung inabot ang jacket nya at agad ko namang namoy ang pabangong kumapit sa kanyang jacket. Agad naman syang tumalikod, nakapasok sa arcade at ang dalawang kamay sa bulsa ng kanyang pantalon. Nag punta sa counter na bilihan ng token. Hinabol ko ng mabilis ang malalaki nyang hakbang hanggang sa magkapantay na kami. Huminto sya sa tapat ng counter, kinuha ang wallet sa kanyang bulsa nang biglang hinarang ko ang kanyang kamay. "Ako na!," sabay ngiti.. Kita nanaman ang pagkunot ng noo nito. "Last time na namasyal tayo ikaw nag bayad, kaya ako naman ngaun." sabay ngiti sa kanya. Naglabas ako ng two hundred pesos katumbas ng thirty three pecies ng token na may libreng apat na token at may sukli pa akong dalawang piso na agad ko namang hinulog sa lata ng bantay bata na nasa tapat ng counter. Hinati ko yung token saming dalawa pero may natirang isang token. "Hmm akin na lang tong isang sobra ha remembrance." balak ko itong idikit sa diary ko. Umikot ang aking paningin sa buong Arcade. Kakaunti lang ang tao naglalaro marahil dahil hamak na araw. Naramdam ako ng excitement sa mga nakikita ko. Una kong nilapitan ay yung claw machine dahil nakita ko si bugs bunny at gusto ko itong makuha. Dalawang token sa bawat laro. Naghulog ako ng token at pigil hinga kung inaatay na makuha ng claw ang staff toys nagusto ko. Nang makuha natuwa ako halos mapatalon at ng bilang nabitawan ito bago pa tumapat sa butas.. "Kainis"nagkandahaba nanaman ang nguso ko dahil sa di ko iti nakuha. "Tss" ,,"sarap mo sabitan ng kaldero" Di ko namalayan na nakasandal na pala ito sa katabing machine at pinapanood ako. "Ha ano? " nagsasalita nanaman tong kapre ng mag isa. "wala! " Nakasimangot pa din ako nagtungo ako kung saan sya. Maya maya pa ay nagpunta kami sa car racing machine, shooting machine at bump car. Napuno kami ng tawanan at kulitan pati asaran. Di ko alam kung sadyang moody lang sya tatawa tapos biglang magiging masungit. Pero pakiramdam ko ganun din ako sa kanya. Ah ewan basta naging masaya ang buong oras naming magkasama. Matapos mag pahinga umalis sya saglit pagbalik ay may dalang ice cream. Mukhang paborito niya talaga ang ice cream. "May token kapa?" napatingin ako sa kanya habang nasa unahan pa rin ang tingin nya. "Hmmm merun pa dalawa" Napangiti sya ng kakaiba. Habang nakangiti siya natagpuaan ko na lang na nakatingin na pala ako sa pisngi nya at napatitig sa dimples na lumabas dito. Bakit para bang bumabagal nanaman ang oras habang pinagmamasdan ko sya sa bawat pag dampi ng labi nya sa ice cream na hawak nya. Pakiramdam ko bawat galaw nya para syang isang gwapo at napakabait na nilalang pinagmamasdan ko dahil sa amo ng mukha. Nabalik ang aking kamalayan ng makita kung humarap sya at tinignan ako ng salubong niyang kilay. "Ahmm may ice cream ka sa pisngi" Dahilan ko para di sya magtaka na nakatitig ako sa kanya. Haisst Lalaine ano ba. Kakaiba pakiramdam ko ngaun di ko alam kung mahihiya ako s harap nya o susungitan siya. Pakiramdam ko nag dadate kami 'DATE' hay naku baliw na talaga ako. Natapos kumain ng ice cream nag paalam ako na pupunta muna ng restroom. Pag balik nakatayo sya sa gilid ng habang nakasabit sa balikat nya ang bag at polo nya. Bakit parang di ko napansin ang bag nya kanina. Parang ang dami naman niyang dala. Binalewala ko na lang ito. "San na pala tayo?" "May dalawang token na lang din ako dun tayo sa basketball" Naalala ko basketball player nga pala sya nung senior high kami. Teka dalawang token eh dapat apat pa token nya dahil parehas kami ng nilalaro kanina maliban dun sa claw machine.. Baka naglaro ng iba habang nasa rest room ako. "Ahmm sige, kaso di naman ako magaling sa ganun" "Tsk, ok lang laro lang naman"medyo seryoso nanaman ang boses nya. Naglakad kami at patungo sa shooting ring. Natakatayo ako sa tapat nito habang ang dalawang kamay ko ay nakahawak sa strap ng bag ng back pack ko. Suot ko pa din ang kulay itim nyang jacket na napaka bango talaga. "Pano ba yan" Tinignan nya ko at tinuro yung instruction na nakasulat malapit na lagayn ng token kung saan ito iinsert. Binasa ko at tinignan ang ring. "Madali lang pala" buong pagmamayabang kung sinabi. "Talaga ba?tignan natin! " may halong pang aasar sa bawat salita nito. "O-oo ipapasok lang sa ring yung bola tapos lalagpasan mo yung bawat score sa bawat level. Tatlong level diba. Two minutes each level. Level 1 kailangan 30 points sa level 2 naman 50 points at sa last level 100 points or lalagpasan yung last record na pinaka mataas para may free ka pang isa, tska 2 pts at 3pts per shoot naman depende kung sa gitna o gilid tatama ang bola diba." Sa haba ng paliwanag ko nabakas ko nanaman sa mukha nya yung nakakalukong tingin nya. "Madali pala eh, pustahan na lang tayo" "Ha pustahan, ayoko nga masisira budget ko sa allowance ko, tska baka dayain mo pa ko" ano ako bali alam kung magaling sya dyan. "Takot ka pala eh" "Hindi ah!!, magkano ba?" Ah ang yabang basta bahala na kala nya aatrasan ko sya. "Hwag kang mag alala di pera ang pustahan." Lumabas nanaman ang nakakaloko nyang ngiti. Ano nanaman kaya nasa isip nito. "Eh ano?" Mukhang di maganda na pinatulan ko pang aasar nya mukhang mapapasubo ako nito. "Simple lang tatlong kahilingan" "Ha? Tatlong kahilingan ano to gennie in the bottle?, Ayoko nga mamaya kung ano pa pagawa mo sakin." "Tsaka bakit tatlo pwede namang isa lang ah" "Wala ka pala puro ka lang salita" Naku inaasar talaga ako ng kapreng to. "Hindi ah!, sige yun lang pala eh" Bahala ka na po mahabaging bathala sabay cross finger. "Good pinaka mataas na score panalo" "Fine, go! " Lalaine sige patulan mo pa bahala na. Pinasok ko na ang dalawang token na natitira ganun din ang ginawa nya,magkatabi lang ang machine na ginamit namin at nag simula na kami. Nung una nauuna pa ko sa kanya habang sya kampanti lang at mukhang relax na relax pero sa huling level bigla nyang binilisan nya nataranta ako dahil sa count down kaya nag mimintis na ko, sinabayan pa nang palaking agwat ng score namin. Hanggang sa tumunog ang timer. "Ang daya!" padabog kung hinagis ang huling bolang hawak ko. "At panu naman ako nandaya?" Sabay harap nya sakin at pinasok ang dalawang kamay sa kanyang bulsa. "Dinistruct mo ko! " Sabay yuko nya. Medyo malapit na ang kanyang mukha sakin. "Pano kita dinistruct" Taas ng kilay niya akong tinitigan. Sa di ko malaman kadahilanan kumabog ng malakas ang aking dib dib dahil sa lapit ng aming mukha. Napaatras ako ng bahagya. "Hmmp, sige ano yung tatlong ipapagawa mo? " kahit kinakabahan nagawa ko pa din syang tarayan. Natawa naman sya sa reaction ko, pero mas nagulat ako sa ginawa nyang pahawak sa ulo ko at pag gulo ng buhok ko. "Sa susunod ko na sasabihin" Sabay lakad palabas ng Arcade. Wala akong magawa kundi sumunod sa kanya .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD