Chapter 13

1521 Words
Gumising ako ng napakasakit ang ulo... Ahh.. Ganito pala pakiramdam ng malasing.. At parang ang dami kong pantal... allergy bato... Ah... Panu nga ba ako nakauwi.. Iniisip ko kung anong nangyari kagabi.. Pilit kong inalala.. Matapos naming magtungo sa convenience store ay hinatid nya ko pauwi.. Tama.. Nagtataka nga ako pano nya nalaman yung iksaktong bahay namin... At pag uwi nakita ako ni kuya na bumaba sa motor.. Patay kang bata ka... Ano nga ulit nangyari.. Lumapit si kuya tinanong si Marco... Tapos..... Tapos... Sinagot ni Marco... "Ah hinatid ko lang sya may group project kasi kami" Tama.. Ang galing magpalusot nitong si kapre.. At huling natatandaan ko diretso ako sa bahay nag cr ,nag hilamos at nag palit ng damit tsaka natulog na.. Ah... Ang sakit ng ulo ko.... "LALAINE!!! Bumababa ka na at baka malate ka nanaman" "Ikaw talagang bata ka, lagi ka na laging late.... " Pag sigaw ni Mama mula sa kusina na abot hanggang dito sa kwarto... "Opo Ma, ito na po maliligo na! " Kahit anong gawin ko di pa rin mawala yung pantal ko sa buong katawan. Buti na lang wala sa mukha... Haissst... Antasya Lalaine ano ba kasing pinag gagawa mo.. Pano ba to pag nakita ni mama ay kakainis..... Isip isip Ano bang pwede kung gawin.. Pumunta ako sa drawer ko at binuksan ito.. Naghanap ng pwedeng gamitin para maitago yung mga pantal ko sa katawan.. Tama, nakakita ako sa sweater .. Kinuha ko at isinuot.. Pwede na to.. Kaso napaka init sa labas tapos ganito suot ko.. Di kaya mag taka si Mama.. Ay bahala na.. Dahan dahan akong bumaba sa hagdaan at nag tungo sa kusina para mag almusal.. Sa totoo lang gusto ko ata ng mainit na sabaw dahil sa hangover... Pero kailangan hindi ako mahalata ni Mama.. Mahabaging bathala kayo na po bahala.. Pag dating sa kusina agad akong umupo sa lamesa at kumain habang nakatalikod si Mama at may inaayos na kung ano sa lababo.. Maya maya pa ay humarap sya sa akin at tumingin na para bang may hindi tama.. "May sakit kaba? "Po? " buong pagtataka kung itinanong sa kanya.. "Bakit na ka sweater ka,.. At parang medyo namumula din ang leeg mo?" "Ah" sabay hawak sa leeg ko.. Agad namng lumapit sakin si Mama at hinawakan ang ulo ko kung mainit ba ako? "Di ka naman mainit, May nakain ka bang di maganda? anong nararamdaman? " Buong pag aalala nyang tanong sakin.. Sa kadahilanang ayaw kong malaman nyang nag inom kami kaya naisip kung idahilan yung allegy ko.. "Ah kasi Ma, may handaan kaming napuntahan kahapon, eh nakakain ako ng kare kare na may alamang" Sana lang kagatin ni Mama yung palusot ko cross finger.... "Naku Antasya Lalaine di ka nag iingat pano kung nakakain ka ng madami.. ,Inuman mo agad ng gamot yan ha" "Teka may gamot ka pa ba dyan? " "Ahmmm opo Ma, " Ngaun ko lang naisip na baka pwede tong gamot ko na laging nasa bag ko para maibsan yung nararamdaman ko. Napansin kong wala aking mga kapatid marahil nakapasok na din sila si Papa naman na assign nanaman sa Laguna kaya si Mama lang ang naiiwan sa bahay. Haisst Lalaine sa susunod na iinom ka siguraduhin mong wala kang allegry naghahanap ka ng ikakapahamak mo.. Napabuntong hininga na lang ako at nagpatuloy sa pagkain. Matapos mag almusal ay lumabas na ko ng bahay at nag lakad papunta sa sakayan ng jeep papasok sa school. Habang nag aabang may humintong motor sa harapan ko. Sa simula hindi ko ito pinansin lumakad ako pasulong upang lagpasan dahil nag aabang ako ng jeep. Kasabay ng pag daan ng jeep na sasakyan ko sana ay ang pag abante din ng motor kaya nalagpasan ako ng jeep.. "Ay kainis, malalate ako lalo nito" Padabog kung sinabi at umatras pabalik sa pwesto ko kanina upang mag abang ng panibagong jeep. Biglang nag tanggal ng helmet yung lalaking naka motor na naka jacket pa ng itim. Sa init ng panahon nakuha nya pang mag jacket. Teka.. Kilala ko to ah.. Si.... Si..... Jackson.. "Kumusta na Lalaine, naaalala mo pa ba ko? " Para akong nabuhusan ng malamig na tubig at makainom ng sang basong suka sa sobrang putla, ang mga kamay ko ay nasimula na ding manginig. Sa dami ng pwede makita bakit kapatid pa ng taong pilit kung iniiwasan. Sa takot kumakbo ako sa kabilang durekson kung saan nakaparada ang motor nya ng biglang may humarang na isang motor sa harap ko. Sa takot ay napaatras ako pero laking gulat ko na lamang ng itinaas nya bahagya ang helmet si Kapre at inabot sakin ang isa pang helmet. "Sakay na " Dali dali akong sumakay at agad naman nya itong pinaandar. Hindi ko malaman kung paano ko ipapaliwanag ang nararamdaman ko. Takot at galit ang nangingibabaw sakin ngaun.. Matagal ko na ding iniiwasan na mag kasalubong ang mga landas namin. Akala ko di ko na sila makikita pa pero bakit parang isang bangungot na bigoang sumulpot ngaun, kung kailan akala ko ay okay na. Tatlong taon na ang nakakalipas sa tagal na panahon ganun pa din ang epekto sakib kapag nakikita o nakakausap ang kahit sino sa kanila. FLASHBACK......... "So ikaw pala si Lalaine?" panimula ng binatang nakatayo sa harap ko sa hinuha ko kanina pa nya ko inaabangan dito sa corridor. Tinitigan ko lang sya.. "Sino ka ba at anong kailangan mo? " Nakataas ang aking kilay habang nakatingin sa kanya. "Di mo ko kilala? Hhaa?" "Malamang tatanungin ba kita kung sino ka kung kilala kita?" Pagtataray ko sa kanya. Sino ba naman matinong tao mag tatanong kung kilala naman pala. "Alam ko ginawa mo sa kapatid ko, kaya binabalaan kita, pag di ka tumigil sa pag diin sa kanya may kakalagyan ka! " at tuluyan na itong umalis.. END FLASHBACK...... "Paano mo na kilala si Jackson?" "Ha? Kilala mo din sya?" "Tinatanong kita,kaya hwag mo kung batuhin ng isa pang tanong" May bahid ng inis sa kanyang pag tatanong.. "Kapatid nya si Hyelena" "Oo!! alam ko, ang tanong ko paano mo sya nakilala?!!!! " Ramdan ko ang inis sa pagtatanong nya. "DAHIL KAY HYELENA!!!" Sabay ng pag sigaw ko ang pag iyak at pag tulo ng luha ko kaya naman inihinto ni Marco ang kanyang motor sa gilid malapit sa park. Bumababa ako doon at naglakad ng mabilis di ko namalayan na kasunod ko na pala sya at hinawakan ang aking kamay upang pigilang maglakad. Unti onti na kong nanghihina.. Matagal ko ng silang iniiwasan. Sobra ang naging hirap at truma ko dahil sa kanila. Lahat ginawa ng mga magulang ko para mailayo ako sa kanila dahil sa awa nila sakin. Walang gabing di ko nanapaginipan ang bangungot ng mga araw na yun. Napaupo ako sa bench at umiyak ng umiyak habang nanginginig ako sa takot. "Lalaine! Tama na " pang aalo nya sakin. Naramdaman ko ang pagyakap nya sa akin habang umiiyak. "Wala akong kasalanan, hindi ko naman sinsadya pero bakit sobra ang parusang ginagawa nila." "Shhsss tama na," Ilang minuto kaming ganun wala na kong pakialam sa mga taong dumadaan ko nakakakita samin. Tuloy tuloy lang akong umiiyak at kasabay ng panginginig ng aking katawan. Hanggang sa mapakalma ako ng mga yakap at pag tapik nya sa aking lirukan na parang batang pinapatahan umiyak. Sandali akong nakaramdam na may kakampi ako. Na may karamay ako . Matapos pa ang ilang minuto at tuluyan na kung tumigil sa pag iyak at hikbi na lang ang natira. Unti onti na din akong nailang at lumayo mula sa pagkakayakap sa kanya. "Tss".. tangging narinig ko sa kanya. na sanhi din ng pagbabasag niya sa katahimikan namin. "Para ka palang bata" usal niya sabay tingin sakin. "Hmmp! Natsasing ka na nga gaganyanin mo pa ko!" Naramdaman ko din ang ilang nya kaya bigla akong napatingin sa kabilang direksyon. Sandali din kaming natahimik at bigla syang nagsalita. "Kababata ko si Jackson, kaya kilala ko sya " Napakunot ako ng noo habang nag sasalita sya. Nakatingin sya sa malayo habang nagsasalita. "Kasama ka din ba nila ha?" May kung anong kumukurot sa puso ko at pakiramdam ko ilang sandali pa ay maiiyak nanaman ako. "Ka frat ka din ba nila ha!!! " Ramdam ang galit sa bawat salitang binibitawan ko. Mula sa tingin sa malayo ay tinignan nya ko. Ang paraan ng pagtingin nya ay parang may awa at galit na napapaloob dito. "Hindi ako kasali sa frat nila, para sakin pag kasali ka sa frat lapitin ka ng gulo, at ayoko ng ganun" Tinitigan ko lang sya habang nagsasalita. Sa totoo lang ayoko ng maalala ang mga panahong yun. Ayoko ng balikan ang araw na nakilala ko ang magkapatid na Hernandez. Masakit sakin ang nakaraang yun. Kaya ng marinig ko nakababata nya si Jackson may di ako mapaliwanag na galit nanararamdaman na baka isa sya sa mga ito. Sila ang dahilan kung bakit ako nag karoon ng trauma, sila din ang dahilan na minsan sa buhay ko ayoko ng gumising at bumangon dahil sa hirap at sakit na dinanas ko. Tama na ang mga pasakit na naranasan ko sa kanila. Ayoko ng maulit ayoko na.....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD