Chapter 12

2247 Words
LALAINE Nag patuloy ang laro namin buti na lang madadali lang yung tanong. Pwedeng pwede kong palusotan... Pinagpag ko ang aking dalawang kamay at humugot ng isang block ng biglang nabuwag ito dahilan para bumaksak lahat ng blocks sa lamesa.. Napatingin ako sa lahat.. "Di ko ba nasabi na once na nagkamali kayo ng kuha sa block at bumagsak lahat automatic 3 shots ang gagawin" May halong nalalokong tingin ni Aries habang nagpapaliwanag.. "At bukod dun sasagutin mo yung tanong na nakuha mo" dagdag pa nito.. Somai na lechugas ano to double parusa ng binasa ko ang na kasulat "Make an eye contact to the person in front of you and tell him/her that you like her" Pusang gala double parusa nga. "owwwwhh.. Gagawain na yan.. Magshoshot na yan.. " hiyawan nila.. Di ko alam ano ba gagawin ko yung 3 shot o itong binasa ko.. Panandalian akong natulala.. "Teka ano ba yung nabunot mo, unahin na natin yan" sabay kuha ni Aries sa block na hawak ko.. At binasa ito ng malakas "Make an eye contact to the person in front of you and tell him/her that you like him/her" "Woow sino bang katapat nya" Sabay sabay silang lumingon sa nakayukong kapre na pinaglalaruan ang basong hawak nya. "Ah si Pogi naman pala" puna ni ate Roxy.. "Oh anu Lalaine?" "Teka bakit ganun parang lahat naman ng nakuha ko dare , tsaka di ako umiinom.. Madaya di ko alam yang rules na yan." Para akong batang tumututol sa pinapagawa nila.. "Ano ka ba Lalaine, Katuwaan lang naman eh" Naka ngiting pananalita ni ate Grace.. "Ang daya naman kasi!" Madaya naman talaga unang una wala akong lusot kasi dare na so di ako pwede sumagot ng kasinungalingan pag di ko naman ginawa 4 na shot agad di ako umiinom malamang sa malamang lasing ako nito.. "Sige na bawal kill joy" "Oo nga parang bata naman to" " Laro lang naman" Sunod sunod na pangangantaw nila napatingin ako sa lalaking kaharap ko ngaun at kasalukuyang nakatingin din sakin.. "Ok fine, Shot na lang lahat" Bahala na kung malasing ako .. Basta ayokong makipag titigan sa kanya at sabihin sa kanya yun.. Kinuha ko ang bote ng imperador at sinalinan ang shot glass tsaka tinunga ito.. Napangiwi ako dahil sa pait na gumuguhit sa aking lalamunan. Di ko alam bakit gustong gusto nila ang alak eh ang pait pait naman nito.. Sinalinan ko ulit at ininom ang ikalawa ganun din ang ginawa ko sa ikatlo.. Rinig na rinig ko ang hiyawan nila. "Yun oh ah tapang ah tao" pang aasar ni Santy.. "Uy gurl, ok ka lang?" dinig ko na pag aalala ni Mie pero dito ko ito pinansin.. Nang sinasalin ko na ang ikapaat na shot nararamdaman ko na medyo nahihilo na ko pero tinuloy ko pa din ang pag salin nang biglang may umagaw sakin ng baso at ininom ang laman nito.. "Wow knight and shinning armor " sigaw ni Rocky.. Nakatulala akong napatingin kay Marco.. Oo kinuha nya yung ika apat na shot ng alak sakin at ininom ito ng walang pag aalin langan. "Tama na baka mapalo ka pa ng nanay mo pag nakita kang lasing umuwi, mukha ka pa namang nautusan lang bumili ng suka sa kanto" wika nito gamit baritonong boses nito. "Hala ang Kj naman nito. " pananalita ni Raven.. Dahil sa di ko maintindihan pakiramdam na namumuo sa aking dibdib, dali dali kong kinuha ang backbag ko at nag paalam. "Uuwi na ko" sabay tayo , medyo nahihilo na ko. Pero di ko pinapahalata at sabay tayo at dirediretsong naglakad palabas ng bahay nila Aries. Rinig ko ang mga boses nila na tinatawag ako ngunit di ko sila pinansin. "Uy Lalaine " pahabol na tawag ni Mie pero di ko pa din pinansin bagkos dirediretso akong lumabas ng bahay at naglakad sa daan na di ko naman alam kung saan ang daan.. Ah bahala na.. Yun na lang nasabi ko sa sarili habang tinatahak ang landas na di ko alam saan patungo.. Medyo madilim na din ang kalsada at di ko alam pano uuwi ng biglang may motor na huminto sa harap ko. "Bakiiiit mo ko S..Ssinu----sun----dan Kkapre ka" medyo pautal utal na pananalita ko dahil sa tama ng alak na nainom ko.. Itong kapreng to.. "Sakay na ihahatid kita pauwi!" "Ayoko nga baka saan mo pa ko dalhin" lasing lang ako pero di pa ko sira para basta basta sumama sayo noh! "Hoy duwende wala akong balak na masama sayo at lalong di kita pagkaka interesan " Tila nauubusan ng pasensyang sigaw niya pabalik sakin. "Aba bwisit na to, bwisit na kapre ka!! Sya pa may ganang manigaw. "Ano ba sasakay ka o hindi" pasinghal niyang turan sakin. "Hindi" Pagmamatigas ko sa kanya "Sige ikaw din, madami pa namang adik dito, bahala ka pag napagtripan ka at mabalitaan ka na lang namin bukas" Akmang papatakbuhin na nya ang motor nya.. Napaisip ako sa sinabi nya.. Hindi nga ako pamilyar sa lugar na ito.. At di ko din talaga alam pano umuwi.. Dahil sa takot ay nag lakas loob na ko at bahala na talaga. "Teka " pasigaw na pag pigil ko dito. "Sandali"...... "Sasabay na ko" gamit ang mahinang boses at nakayukong ulo.. Agad naman nyang iniaabot sa akin ang isang helmet at isinuot ko to. Nang makasakay ay humawak ako sa damit nya gamit ang hintuturo at hinalalaki ng dalawa kong kamay na para bang humahawak sa nakakadiring bagay.. Nang mapansin nya ito pinaandar at bigla nitong inihinto. Dahilan para masubsob ang aking mukha sa kanyang likuran at mapayakap sa kanyang bewang tsaka nya ito pinaandar ulit.. "Ano ba? " Dahan dahan... Wala na kong magawa kundi ang kumapit ng mabuti sa kanyang bewang upang hindi malaglag.. Maya maya pa ay.. Ihinto nya ang motor sa isang convenience store. " Baba" may awtoridad na pananalita nito.. Ano bang problema nito.. "B--bakit kah.. huminto??? " napakunot ang noo ko habang nakatingin sa kanya habang ang mukha naman nya ay medyo nakatagilid habang nagsasalita.. "Sa tingin mo anong iisipin ng magulang mo kung uuwi kang ganyan"... Bumababa ako ng motor at humarap sa repleksyon ko mula sa salamin ng isang kotseng nakaparada sa gilid kung saan nya pinarada ang motor. Tama nga sya.. Mukha akong lasing na nakipagsabunutan.. Dahil siguro sa lakas ng hangin at nakalugay ang buhok ko tapos amoy alak pa ko at medyo nahihilo hilo pa din ako. Nanatili akong nakatayo sa harap ng isang kotse sa gater ng parking lot na malapit sa convenience store habang inaayos ko ang ang itsura ko. Ilang sandali ay lumapit sya sa akin na may dalang instant coffe sa kanang kamay at ice cream sa kaliwa... Di ko namalayan na nakapasok na pala sa loob dahil abala ako sa pag hawi at pag suklay ng aking buhok gamit at sarili kong mga daliri upang gawing suklay. Tinignan ko muna sya bago ko kunin ang kape mula sa kanyang kamay. Ano kayang naisip nito.. Ano bang merun ? Nag aalala ba sya sakin.. At tama ba ang nakikita ko medyo namumula at nahihiya sya sa pag abot sakin ng kapeng hawak nya.. "Inumin mo ito.. Para mahimasmasan ka... " nakatayo sya sa harapan ko habang nakatagilid na inaabot sakin ang isang disposable cup. "sssalamat"... Pagkatapos kung kunin ang kape tska ito umupo sa garter ng convenience store. Wala na kung nagawa kundi tumabi sa kanya.. Medyo mainit ang kape pero bigla ko pa din itong inimon kaya napaso ang dila ko. "ouch.. Ouch ang init" nailabas ko ang dila ko habang pinapaypayan ng isang kamay at hawak padin ang baso na may lamang kape sa kabilang kamay. "saan? Saaan? """ at bigla nyang hinipan ang aking dila.. Ilang sigundo napatitig ako sa kanya habang hinihipan nya ang aking dila.. Ang napaka amo nyang mukha.. Ang medyo kulot nyang buhok.. At ang napaka bango nyang hininga na sa palagay ko ay punag halong amoy ng alak at mentol or mint... Nang magtama ang aming paningin tsaka lang namin napagtanto ang aming sitwasyon at agad naman akong na paharap sa kabilang gilid upang magiwas ang aming paningin.. Naku Lalaine ano bang pinaggagawa mo.. Nakakahiya ka... Mariing sermon ko sa aking sarili.. Naramdaman ko din ang hiya nya dahil sa kanyang ginawa. Dala siguro ng alak tama lasing lang ako.. Ilang minuto kaming nanahimik... Walang sino man sa amin gustong bumasag ng aming katahimikan. Isip Lalaine..... Ano bang dapat iarte o sabihin sa ganitong sitwasyon.. Napaka awkward.. Sinimsim ko ang aking kape na bahagya ng lumamig.. Ramdam ko din na medyo nawawala na ang aking pagka hilo. Dahil na din siguro sa tapang ng black coffe na iniinom ko.. Unti onti ay nilingon ko sya.. At nakita kong dahan dahan nyang inuubos ang ice cream na kinakain nya.. Naalala ko tuloy nung nasa park kami.. Nung mga panahong kumakain din kami ng ice cream.. FLASHBACK.... "Oh,,, Para sayo" mula sa pagkakayuko ay tinignan ko ito. Ice cream na napakadaming scoop at nasa cone. Kinuha ko ito at tinitigan. Tsaka sya nag salita. "Kapag pakiramdam ko malungkot ako o naiiyak ako kumakain ako ng madaming ice cream hanggang sa ubuhin at sipunin ako, para pag tinanong ako kung umiyak ba ko, sasabihin ko lang na may sipon ako dahil sa dami ng nakain kong ice cream". Medyo natawa ako sa sinabi nya, nakakatawang isipin na may ganung side sya. Wala naman akong nagawa kundi kunin at kinain ng kinain yung ice cream. Habang kinakain ko yung ice cream napatingin ako sa kanya. Di ko maiwasan na mapatitig sa mukha nya na kung tutuusin ay masasabi mong gwapo talaga sya. END FLASHBACK ~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~•••• "May dumi ba ko sa mukha" nagbalik ako sa realidad na nakatunganga na pala ako sa kanya. "Ah wala.. " napayuko ako at inubos ang kape mula sa baso.. Sandaling katahimikan ang namutawi sa amin. "Mahilig ka sa Ice cream noh. ? " Sa halip na sumagot at tinitigan nya lang ako.. "Ah eh napansin ko kasi madalas kang kumain ng Ice cream" Sabay ngiti sa kanya na halos mapikit na aking mga mata.. "Di ko din alam, basta nakakagaan ng loob pag kumakain ako." Napaisip ako, may dinaramdam ba to.. O di kaya may problema para masabi nya yun.. "Tapos kana? ,Tara na medyo gabi na din." sabay tingin ko sa relo mula sa aking kamay.. "Ay somai... Mag ninine pm na pala.." -MARCO- Habang nagpapatuloy ang laro.. Natapat na kay Lalaine.. Nung una parang excited pa ito ng higitin yung block nang biglang tumba ang lahat ng blocks mula sa pagkakahigit sa isang block.. Napahinto sya saglit at sinabi ni Aries ang consequences nito. Automatic 3 shot at lalong nag iba ang itsura nya ng basahin nya yung naka sukat. Mukhang nabigla sya sa nakasulat at natulala kaya agad na kinuha at binasa si Aries ang nakasulat. "Make an eye contact to the person in front of you and tell him/her that you like him/her" Nabigla ako dahil ako yung katapat nya nakaramdam ako ng mabilis na pagtibok ng puso ko, pero hindi ko ito pinahalata sa kanila. Pinagmasdan ko lang sya. Para syang batang tumututol sa nabunot nya. At lalong kinabigla ko ay ang pag sabi nya na shot lahat. Hindi lang yun isa kundi apat nakatingin lang ako sa kanya habang sinasalinan nya yung baso nya ng alak hindi lang kaunti ang inilalagay nya kundi pinupuno nya yung shot glass ano ba sya nagpapakalasing. Kaya walang pag aalinlangan na kinuha ko yung huling shot wala akong paki alam sa sinasabi nila Rocky, Santi at Raven. Basta kinuha ko ito at ininom sa palagay ko baka pag nagpatuloy OA sya sa pag inom malasing na lang sya ng sobra. "Tama na baka mapalo ka pa ng nanay mo pag nakita kang lasing umuwi, mukha ka pa namang nautusan lang bumili ng suka sa kanto" wala akong ibang maisip na sabihin para itigil nila ang pang aasar nila kay Lalaine. Tinignan ko sya at dahil sa hiya bigla nyang kinuha ang kanyang bag at lumabas. Nag alala ako dahil alam ko namang di nya alam ang daan o sasakyan pauwi kaya napagpasyahan kung tumayo at mag paalam na din.. "Uwi na din ako susunduin ko pa si Ate" palusot ko sana lang di nila mahalata. "Ang KKJ nyo naman!" sigaw ni Santy. Na di ko naman pinansin at kumaway na lang ako bilang paalam sa kanila. Paglabas sa gate nakita ko na sinubukan syang pigilan ni Mie na umuwi ng mag isa pero mukhang di nag pa awat tong duwende na to at tuluyan ng lumabas hahabulin pa sana sya ni Mie per pinigilan ko. "Ako ng bahala sa kanya total ako naman nag sabay sa kanya papunta" banaag sa kanya ang gulat sa sinabi ko. "Marco", "Ah sige salamat" Nahihiyang usal ni Mie. Dali dali kung kinuha ang motor at inilabas sa gate nila Aries para sundan ang dinaanan nya hanggang sa maabutan ko sya at mukhang lasing na nga. Noong una ayaw nya pa pero dahil sa pananakot ko sumakay din sya. Napansin kung may tama pa din sya ng alak mukhang unang beses pa lang nyang mag inom kaya napagpasyahan kung dalhin sya sa isang convenience store at painumin ng black coffe para mahimasmasan. Pag dating s bahay nila nakita ko ang kuya nya alam kung baka mapagalitan sya kaya nagdahilan ako ng school project. Sa tingin ko di naniwala ang kuya nya base sa mga tingin nito pero mukhang hinayaan na lang din nya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD