Chapter 11

2096 Words
"Laro? ,,Ano to childrens party?" Ang pagalaman ko 20 yrs old na pala si Kuya Aries dahil naka ilang course na ito at papalit palit din ng school. Kaya natatawa ako na may laro sa birthday nya sa ganitong edad. "Guys, Pasok muna kayo.." Sigaw ni Aries mula sa sala.. "Tara na" Pag aaya ni Mie at sabay kaming lumabas ng banyo.. Pagalabas ay tumungo kami sa sala kung saan nakatabi na lahat ng upuan at isang maliit na mesa na lang ang nasa gitna nito. Madami ding mga chichirya at mga inumin na nakalagay. Sa gitna ng mesa ay may isang parihabang kahon na nakatayo na may kung ano sa loob nito.. Luminga linga ako sa paligid at nakita ko na wala na ang iba naming mga kaklase nasa 15 na lang kami.. "Nasaan na sila?" "Ah umuwi na medyo malayo din kasi to, baka gabihin daw sila" "Ganun ba, uuwi na din ako" Akmang kukunin ko na ang bag ko para maghanda sa pag uwi ng pigilan ako ni Mie. Bigla naman hinawakan ni Mie ang kamay ko at pinigilan ako.. "Mamaya kana umuwi, sabay na tayo, isa pa sila Ate Grace,Lj nga at Lyn dito pa eh.. " "Kasi.. " "Sige na tska isa pa alam mo ba pauwi? " Oo nga pala ngaun pa lang ako napunta dito kaya di ko rin alam kung paano pauwi dahil sa sinabay lang pala ako dito ng mokong na yun. Speaking of mokong ito na sya naglalakad mula sa pinto sa harap kung nasaaan yung billiard. "Eh ikaw Mie, alam mo ba kung papano umuwi? " "Hindi" Pero may way na ko pano makakauwi Sabay tingin kung nasaan si Andrew. Sa di malaman kadahilanan parang may di magandang plano to si Mie.. "Tara guys, maaga pa naman laro muna tayo ng Jenga" , " Tsaka birthday ko naman pag bigyan nyo na ko" dagdag pa nito. Pag aaya ni Aries at inangat ang kahon mula sa maliit na lamesa at inilabas ang mga parihabang maliliit na kahoy na tila may mga nakasulat dito.. Mula sa paghawak ng aking kamay ni Mie ay di na nya binitawan ito, hinila pa nya ako papalapit kung nasaan sila. Wala naman akong nagawa kundi umupo sa tapat ng lamesita kasama ng iba.. Habang inaayos ni Aries ang Jenga sa lamesita isa isa na din nag si upo Unang umupo si Mie katabi ako sunond ko si Lj at sumunod naman ay si Raffy, Ate Grace, Lyn, Santi, Rocky sa tapat naman nila Kuya Ryan, Raven, Aries, Andrew, Anne, ate Roxy at si Marco. Si Marco na saktong tumapat sakin ngaun. Nakapalibot kaming lahat habang naka indian sit sa harap ng lamesita sa paligid ay may shot glass at ibat ibang pangkain. Teka tama ba ang pakakatingin ko shot glass na may alak sa paligid at ng binasa ko Imperador??? Hinila ko ang laylayan ng damit ni Mie,, "Hoy babae ka bakit may alak,, ano to inuman?? " "Hindi , sabi ni Aries, kanina may choice ka naman,, truth or dare ..may mga tanong sa bawat blocks isa - isa tayong kukuha ng tanong nasayo kung gusto mong sagutin o gagawa ka ng dare pag di mo naman kinaya yung dare na papagawa sayo tska ka palang mag shoshot.." Mahabang paliwanag nito.. Ah bahala na pwede naman mag sinungaling para makaligtas, yun na lang nasa isip ko. Ilang sandali pa at nag simula na sila. Ipinatong ko ang maliit na unan na nakita ko sa gilid ng mesa sa aking hita. Agad ko ding dinampot ang malaking piatos na nasa harapan ko at binuksan ito. Bahala kayong maglasingan dyan basta ako kakain na lang ako.. Sinimulan na ni Aries ang pag kuha ng blocks dahil sya ang pasimuno at may birthday, sya din ang naunang kumuha.. Tinignan naman ni ate Grace kung anong nakasulat at binasa ng malakas "Truth or Dare?..... ,What is the most embarassing momment of your life as on now? " Kung ganyan mga tanong sakin napakadali lang... Madaling magsunangaling.. "Bawal magsinungaling Aries ha,, bulyaw ni ate Grace" Ay shemay nababasa ba nila nasa isip ko... Napalunok ako ng di oras. Basta bahala kung ano mang tanong yan. "Ah... Ayokong sagutin nakakahiya eh" " Ok dare o shot? " kasunod na tanong ni ate Grace "Syempre shot.. " walang pag aalin langan na sagot nito. Sumunod si Andrew dahil clock wise ang ikot nito.. Hay naku may kinikilig nanaman sa tabi ko.. Kumuha ito at binasa naman ni kuya Aries.. "Truth or dare? " "Are you in a relationship right now? " "None" mabilis na sagot naman nito.. Wow confident at may haliparot nanaman na tuwang tuwa sa narinig nya sabay kurot sa tagiliran ko. "ARAY! " Sa sakit ng kurot nitong katabi ko ,, Napatingin lahat sila sakin.. "Eh may langgam ata nangangagat ang sakit, mukhang malaki ata tong langgam na to" sabay tingin sa katabi ko... Oo malaking laggam dahil sa sobrang kilig nya naninipit ng tagiliran.. Sumunod naman si Anne.. "Oh Anne ikaw na " sabay pagpag ng kamay matapos kumuha ng pagkain na nasa harap.. At kumuha na ito ng block sabay na binasa nya. "Where did you have your first kiss? " "Wala, wala pa nga akong first boyfriend".. Sabay tawa ng lahat.. Knowing Anne, simple lang sya makulit pero conservative at masayahin... Sumonod naman si ate Roxy.. Kumuha sya sabay basa "Who is the best kisser for you? " "Syempre yung jowa ko si James" "Halangan naman may iba pa? " Si ate Roxy talaga straight forward pagdating sa mga ganitong tanungan. Habang inuubos ko yung piatos na kinakain ko di ko na malayan na si Kapre na pala ang kasunod. Kumuha ito ng blocks at binasa ng tahimik ..Hindi ko alam kung guni guni ko ba o sadyang napangiti at napatingin sya sa akin matapos nyang basahin ang nakasulat.. "Tagal naman nito " Sawata ni Santy sabay basa ng nakasulat. "Where is your unforgettable place with someone? " "PARK" buong beses nitong isinagot. "Hala tol anong ginawa nyo dun? " paguusisa ni Santy.. Sinabayan naman ni Rocky.. "Ang tanong sinong kasama? " May halong nakakalokong tingin at tawa nito. "Mali naman kayo, itanong nyo saan banda sa park naging memorable" malakas na tanong naman ni Aries. nagtawanan silang lahat ng malakas. (Marco's POV) Nagkasundo ang lahat na hwag ng pumasok.. Kaya nakaisip nanaman ng kalokuhan tong mga to. "Pre nakakainip, hwag na tayong pumasok" Bungad ni Santy habang nag aantay kasi sa susunod naming prof na walang sariling classroom kaya dito kami sa labas ng AC nag aantay. "Kaya nga eh teka may naisip ako", sabay tayo mula sa bench na kinayupuan namin. "Ok mga classmate mukhang di na ata darating si Mam!" "Kaya naiisip namin na hwag na tayo lahat pumasok at magsaya na lang tayo, tamang tama birthday ni Aries!" Loko loko talaga tong mga to, lahat pa dinamay. Lahat naghiyawan syempre lahat ng lalaki tuwang tuwa.. "Ganito na lang, Sino sang ayon na hindi na pumasok?" karamihan ng nag taas ng kamay mga lalaki. Narinig ko namang tumutol ang iba dahil kung titignan lamang ang bilang ng lalaki sa babae. Kaya nagpasyahan na lang na gumamit ng barya. Napaka utak talaga nitong si Rocky syempre tantsa na nya ang paikot ng coin para maging tao ang kakalabasan.. Syempre para makapag happy happy dahil alam nya din na nag aaya si Aries ng inuman mamayang gabi.. Lahat ay pumunta na sa parking lot. At nakasakay na sa sasakyan ni Aries karamihan sa mga babae maliban kay Mie at Lalaine. "Teka wala pa si Lalaine at Mie" Sigaw ni ate Grace.. "Di narin tayo kasya dito" sagot naman ni Aries na nakaupo sa drivers sit. Nasa loob din ng Van sina Santy, Rocky habang naka motor din sina Raven at Ryan na nauna umalis dahil alam na daw nila papunta.. Dala ko pala yung motor na regalo ni Papa sakin nung graduation syempre pwede na ko mag drive dahil this year 18 na ko.. Sa tabi ng motor ko si Andrew.. "Pre" pagtawag ni Aries. "Marco at Andrew " Sabay kaming na patingin.. Tawag samin ni ate Grace "Antayin nyo na sila Mie at Lalaine" Paki usap nito. "Oo nga mukhang may extra helmet naman kayo. " Lagi kasi akong may dalang extra helmet dahil minsan nagpapasundo ang ate ko sakin o di kaya naman sumasabay sakin si Santy. "Sakin ok lang" Sagot ni Andrew.. "Sige isabay na lang namin sila"sagot ko naman. "Alam nyo ba way papunta?" Biglang tanong naman ni Aries.. "Hindi eh" unang una di naman ako ganun ka gala talaga.. Pangalawa ngaun pa lang akp pupunta sa kanila.. "Sige txt ko sa inyo amin na number nyo" Sabay naming iniabot ni Andrew yung cellphone namin para ibinigay ang number namin at tuluyan na nga silang umalis. Maya maya nakita na namin sila na papalapit sa parking lot kaya sumakay na ako sa motor at pina andar ito. Ganun din si Andrew.. Nang una parang ayaw sumakay nitong duwendeng to at pinagkamalan pa kaming snatcher. Seryoso snatcher sa loob ng campus. Di ko talaga alam kung nagpapatawa ba to o ano.. Matapos nilang sumakay ay halos sabay lang kami ni Andrew ng patakbo sa motor huminto sa gate. Itong si manong guard naman chismoso din eh.. Habang nagmamaneho napansin ko na parang malungkot sya kaya sinubukan kong mabawasan yung bigat ng aura nya. Kaso nasobrahan ata sya at natuwa kakasigaw. Pagdating kali Aries.. Madami talagang malesyosong tao.. Naramdaman ko yung hiya nya at pumasok agad muntik pa nyang makalimutang suot nya pa yung helmet. Kaya naman hinawakan ko sya sa braso at pakiramdam ko huminto ang oras namin habang nagtagpo ang mga mata namin. Pag abot ng helmet naamoy ko yung bakas ng shampoo o pabango nya sa helmet na sinuot nya. Di ko namalayan na napangiti ako. Habang naghahanda sila sa loob nag laro muna kami ng billiard. Di rin nag tagal nag simula na yung kainan. Napaka dami na nila sa loob kaya naisipan kung lumabas sa may pool side. Nang makita ko si Lalaine.. Sa gulat nya na tumabi ako sa kanya habang kumakain ng carbonara ay bila syang nasamid. Dahil mukhang wala naman syang dalang inumin binigay ko sa kanya ang inumin ko para inumin nya. Nag alala ako sa kanya habang inuubo. Sobrang pamumula nya di ko alam kung dahil ba nakita nya ko o dahil nasamid sya.. Pwede rin namang parehas.. Ano ba Marco pinagiisip mo. Bumalik ako sa sarili ko ng bigla syang nag salita na ikukuha na lang daw nya ko ng maiinom.. Pinigilan ko sya bagkos ininom ko pa din yung juice at dun sa side kung saan sya uminom. Nababaliw na ata ako. Bakit ko ba gibawa yun, bakas sa mukha nya ang pagkabigla o pagkailang. Nagpatuloy kami sa pagkain napasulyap din ako sa kanya ng mapansin ko na may sauce ng carbonara sa gilid ng labi nya kaya agad ko namang kinuha ang aking panyo para punasan ito. Hindi ko namamalayan na nakatingin pa din ako sa kanya. Yung mahaba nyang buhok na amoy na amoy ko yung bango habang humahangin.. Yung mga mata nyang mahahaba ang pilik mata, at ang ilong nyan di naman ganun katangos pero do rin pango. Yung pisngi nya na may dimple at yung pagkunot nya ng kilay.. Ano ba Marco pinag gagawa mo, ako mismo sa sarili ko ay natawa at napangiti. Maya maya pa ay pumasok na ito.. May na gawa ba kung mali? Matapos ubusin ang pagkain ay pumasok ako sa loob at tinawag naman ako nila Santy para mag billiard. Habang nag bibilliard nakita ko ang iba pa pauwi na dahil baka daw sila gabihin lalo na at medyo malayo din ito.. Naisip ko sanang umuwi na kaso naalala ko yung duwende baka di alam pauwi.. Pero nandito pa din naman lahat ng kaibigan nya.. Nagsimulang mag tawag si Aries.. syempre inuman pero dahil may mga kasama kaming babae nakaisip tong si Aries ng laro.. Pagpasok sa sala lahat nag si upo at nag simula ang laro. Sunod sunod sila hanggang sa ako na ang susunod.. Ng binasa ko ng tahimik na pa isip ako ano nga ba sagot sa tanong.. Nakuha ko kasing tanong.. "Where is your unforgettable place with someone? " Nag isip ako ng mamasayang bagay pero wala akong maisip hanggang sa na alala ko panu kami nag cut ng klase nitong duwendeng to. Nakakatawa pero nag enjoy ako naman ako ng mga sandaling yun. Kaya sinagot ko.. "PARK" sabay tingin sa kanya ewan ko lang ko yun din ba nasa isip nya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD