Chapter 10

1533 Words
Nakarating na kami sa rest house nila Aries. Halos sabay lang kami dumating nila Mie at Andrew. Pagbaba ng motor naghiyawan ang mga classmates namin. . "Wow ang sweet naman" hiyaw nila "Uy Love team" Naramdaman ko ang bahagyang mainit ng aking mga pisngi at dali daling bumababa sa motor. Ngunit di pa ko nakakahakbang palayo sa kanya ay naramdaman ang pagkabig nito sa aking braso. At parang naging mabagal ang oras nang patingin ako sa kanya at nag tama ang aming mga mata. "Yung helmet" oo nga pala suot ko pa yung helmet nya... Tinanggal ko at padabog na inabot ito sa kanya. Tska ako tuluyang nag lakad palayo ng nakayuko palayo sa kanya. Paglapit sa gate kung saan nakatayo yung mga klassmate kong mapang-asar nakita ko si Lj na nakatayo at nakatingin samin. Agad naman nitong binaling sa ibang direksyon ang kanyang tingin ng mapansing nakatingin ako sa kanya. Tila ba may kakaiba sa bawat sulyap at tinggin nya sakin. Ngunit kahit ganun ay binigyan ko sya ng isang ngiti. Maya maya pa ay nakapasok na ko sa loob ganun din sila Mie, Andrew at Kapre.. Este Marco.... Sa May garahe napansin kung may billiard table kung saan naglalaro yung ang ilang sa mga kaklase kong lalaki.. Sa loob naman ng sala ay puro kaklase kong mga babae na kanya kanya ang pinagkaka abalahan. May nag cecellphone, nag aayusan ng buhok , nagkwekwentuhan at nag aayos ng pagkain sa lamesa. Habang naka tayo sa sa may pintuan. Agad ko namang naramdaman ang pagkapit ni Mie sa braso ko at bakas pa din ang sobrang pagka kilig dahil sa pag angkas sa kanya ni Andrew. "Hala sya na pano ka?, di lang maka move on" Patuloy pa din ang pag ngiti niya habang nakakapit sakin na akala mo ay kinikilig na sinisilihan at papikit pikit pa. "Lalaine, pakiramdam ko na paka swerte ko ngaung araw na to" Kung ikaw napaka swerte ako ata hindi sabay ang pagbuntong hinga. Pero kung tutuusin naman maayos na sana kami kaso madaming mapang asar na mga kumag dito. Di ko alam kung ano ba iaasal ko sa harap ng mukong na yun lalo na pag kasama ko sya. Minsan kasi masungit. Minsan akala mo concern at napapansin nya pa pati mga galaw ko. Sabagay parang parehas lang naman kami ganun din naman ako sa kanya. "Haisst " Medyo malakas na buntong hininga ko sa dami ng tumatakbo sa isipan ko. "Uy na pano ka Lalaine" Puna ni ate Grace na sinabayan pa ng pagtingin ni Lyn sakin na may halong pagtataka... "Ah , may na alala lang ako" "Ano naman yun? " Pauusisa ni Mie sabay ang pagtingin nilang tatlo sa akin na para bang nag aantay nang isasagot. "Ah eh, yung pusa ko na alala ko naihian nya yung kama ko kaninang umaga, eh di ko na palitan baka malaman ni Mama"... Di ko malaman kung kakagatin ba nila yung palusot ko o hindi. Ayoko na kasing magpaliwanag pag nalaman nilang si Marco yung iniisip ko at dahilan ng pag buntong hininga tiyak madaming tanong. Hay naku Lalaine ano ba na mang palusot yun.. Sabay kamot sa ulo ko gamit ang kanang kamay. "Ok guys pasok muna kayo dito at simulan na nating kumain" Pag kakayag ni Aries sa aming lahat para kumain na. "Pasensya na kayo medyo natagalan ng konti, mamayang gabi pa sana talaga yung handaan kaso since nakasundo naman tayong lahat sa klase kaya ngaun ko na ginanap yung salo salo natin.. " mahabang pahayag nito. "Sya nga pala may billiard sa labas at may pool sa likod, feel free may enjoy kayo hwag kayong mahihiya.." Dagdag pa nito.. Matapos mag salita ni Aries, Isa isa na silang nagatayuan para kumuha ng pag kain sa hapag kainan. Sa totoo lang nagugutom na din naman ako lalo na at na aamoy ko ang sari saring pagkain na nakahain sa lamesa may Carbonara, cordon bleu, salad, salmon, californian maki, fried chicken, vegetables salad, cake at may lechong baboy sa gitna.. Talaga namang nakakatakam ang pagkain.. Maya maya ay nagsitayuan na din sina Ate Grace, Lyn at Mie.. Nang akmang tatayo na ko, naramdaman ko ang pagdampi ng isang kamay sa aking braso.. Si Lj nanakahawak sa braso ko at nang magtama ang aming mga mata at ngumiti ito.. Napansin ko ang kakaibang kulay ng kanyang mata.. "May contact lens ka? " "Ah oo kasi mataas na grado ng mata ko nahihirapan na din ako sa salamin ko" Medyo mahinhin din si Lj, at bumagay naman sa kanya yung kulay na hazel nut brown ng contact lens nya.. Maya maya pa nag sipasukan na lahat para kumain.. Kaya napaka dami na namin dito sa loob. Matapos kong kumuha ng pagkain ay umupo ako sa may pool area parang mas feel ko kasi yung simoy ng hangin dito sa labas kesa sa loob. Maya maya ay may biglang tumabi sakin na isang matangkad na imahe mg isang lalaki. Napalingunin ako habang nginunguya ang carbonara, nagbigla ako at nasamid agad naman ako nitong binigyan ng juice na hawak nya.. "Ok ka lang? " may pag aalala sa mata nya habang inaalo ang aking likod.. Sino ba naman kasing hindi mabibigla. Kung sa kasarapan ng pagkain mo at ninanamnam ang simoy ng hangin na mala probinsya dahil sa dami ng puno sa pool area at may isang kapreng tatabi sayo. Sabagay saan ba nakatira ang kapre sa mga puno. Gulat na gulat ako ng biglang tumabi sakin si Kapre este si Marco. Oo walang iba kundi si Marco sa dami ng pwedeng upuan sa loob eh dito pa napili nitong kumain.. Unti onti nakabawi na ko sa pagkakasamid at ng medyo iniangat ko ang aking mukha nakita ko pa din ang mga mata nyang nakatingin sakin. "Ok ka lang" buong pag aalala nyang tanong sakin. "Ah, oo salamat, ikukuha na lang kita ng juice mo ulit, " "Hindi na, ok na to" Sa di mapaliwanag na dahilan lumakas ang kabog ng dibdib ko ng makita kong iniinom nya ang juice na ininuman ko at sa mismong side ng baso kung saan ako uminom. Parang may nagkakarerahan sa loob ko sa lakas ng kabog ng dibdib ko. Wait wait,, indirect kiss yun ah... No No... It can be.. Im may thinking so much... Matapos nyang inumin yung juice sa baso at napansin nyang nakatingin pa din ako sa kanya.. "May dumi ba ko sa mukha? " Sa pag kabigla di ko alam ang isasagot sa kanya at binaling ang tingin sa platong kinakainan ko. Masyado na ata akong nag iisip ng kung anu ano... Pinagpatuloy ko ang aking pagkain ramdam ko at kita ko sa sulok ng ating mata na nakatingin pa din sya saakin at mabahagyang ngiti sa kanyang labi. Sa di ko mapaliwanag na kabog ng aking dibdib pinilit kung mag focus sa kinakain ko.. Maya maya naramdaman ko na may kinuha sya sa kanyang bulsa isang panyo at dahan dahan lumalapit sakin ang panyong hawak nya. Dahan dahang lumalapit ang mukha nya sakin at palakas ng palakas lalo ang kabog ng dibdib ko.. Teaka ano bang ginagawa nya. "Kung sakin walang dumi sa mukhang sayo merun, " Sabay punas nito sa gilid ng labi ko na may natirang sauce pala ng carbonara.. Napaawang ang aking labi habang napako ang aking mga mata sa mukha nya na napaka lapit sakin.. Napakalapit na ng aming mukha sa isat isa.. Pakiramdam ko may bigla na lang sasabog mula sa dibdib ko... Ano bang ginagawa ng mokong na to.. Bakit nagagawa nyang pakabugin ng husto ang puso.. Nang mapansin nya ang sitwasyon namin bigla nyang inalis ang kamay nya na may hawak na panyo mula sa aking mukha.. Bakas sa kanya ang pagkabigla mula sa ginawa nya. Marahil sya din ay nabigla sa kanyang ginawa.. Dahil sa hiya bigla akong napatayo.. "Ahmm kuha lang ako ng juice ko" aligagang tayo at pumasok sa loob ng bahay.. Ano ba Lalaine kalma lang... Walang ibigsahin yun.. Relax ka lang.. Pagkokombinsi ko sa aking sarili... Dali dali ay ibinaba ko ang aking plato at pumasok sa banyo.. "Kalma lang Lalaine" ... Sinabi ko sa sarili ko habang nakaharap sa salamin. Di ko na namalayan ilang minuto ako nakaharap sa Salamin habang punapakalma ang sarili ko sa lakas ng kabog ng dibdib ko mula pa kanina. "Ok ka lang Laline" Isang tinig ang narinig ko mula sa aking likuran. "Ah oo naman Mie" Medyo malakinang banyo nila Aries at may laking salamin ito , di ko pala nasara nag pinto pag pasok kaya tuloy tuloy ang pag pasok ni Mie. "Saan ka pala kumain, hinahanap ka namin nila ate Grace" " Sa may pool malapit, medyo masarap kasi ang simoy ng hangin dun at madming puno." "Ganun ba, Sino kasama mo dun..? " Pag uusisa nitohabang naghuhugas ng kamay at nakatingin ang pares ng mga mata nito sa akin mula sa salamin sa aming harapan.. "Ah eh,, mga klassmate din natin, Anong oras paka tayo uuwi ?" Hapon na kasi at medyo malayo ang lugar na ito. Isa pa di ko din alam papano uuwi.. "Hwag ka ngang kj,kakatapos lang nating kumain tsaka maglalaro pa daw tayo" "Laro?" May pagtatakang tanong ko sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD