One week na din mula nang magsimula yung klase lagi kong kasama sina Ate Grace, Mie, Lyn at Lj.
Nalaman namin na napaka friendly naman pala ni Lj.
Tulad ko madalas lang din sya ma mis interpret ng iba.
Isang linggo ko na ding iniiwasan na magkasalubong o magka usap kami ni Kapre este Marco.
Ewan ko ba pero pag may pagkakataon napapatingin pa din ako sa kanya.
Hanggang sa makita ko na lang ang sarili ko na nakatingin na sa kanya.
Si Mie lang nakakapansin nun. Pero pilit ko pa ding itinatanggi sa kanya.
Minsan pa nga nauna yung grupo nya sa classroom tapos nung makita ko syempre iwas ang lola mo at labas ulit ng classroom.
Madalas nagtataray pa ko sa mga kaibigan nya.
Nasa bench kami ngaun, kakatapos lang ng lunch break at nag aantay ng next na subject.
Habang nag aantay, kanya kanyang grupo ang nagkukumpulan.
Nang biglang tumayo si Rocky at pumunta sa may unahan naming lahat.
"Ok mga classmate mukhang di na ata darating si Mam!"
May halong kalokan nanaman to panigurado yan ang nasa isip ko.
"Kaya naiisip namin na hwag na tayo lahat pumasok at magsaya na lang tayo, tamang tama birthday ni Aries!" dagdag pa nito.
Marami ang naghiyawan , merun din naman ang tumutol.. Sobrang ingay nila..
"Ganito na lang, Sino sang ayon na hindi na pumasok?"
Karamihan ng nag taas ng kamay mga lalaki.
"Ooh sino naman ang gusto pumasok?"
Syempre mga babae ang nagtaas ng kamay.
"Hindi naman patas!" sigaw ni ate Grace,
"Oo nga 16 lang kami na babae, samantalang kayo nasa 30 plus ata".
Sagot naman ni Annie yung medyo matangkad na kaklase naming babae.
"Teka lang" sagot naman nitong si Santy.
"Ganito na lang daanin na lang sa tos coin" dagdag pa nito.
Sabay labas naman ng piso ni Rocky pagkasabi nya nito.
"Tama tama!"
Basta kalokohan magagaling tong mga to.
"Oh baka sabihin nyo di kami gentle men mga girls kau na pumili ng gusto nyo ,TAO o IBON?"
"ATE GRACE IKAW NA PUMILI"
Sigaw ng ilan samin.
Habang naguusap sila at nagkakagulo nakatingin lang ako sa malayo at di napapansin yung nangyayari.
"Sige, IBON samin.."
sagot ni ate Grace..
"IIIIIBON daw sila ,Hahaha!! Hahahaha!!! "
Nakakalokong sagot ni Santy..mukhang may kalokohan nanaman na tumatakbo sa isip nito.
Hinagis ni Rocky yung piso at tska sinalo at tinaob sa likod ng kanyang kamay.
Lumapit si ate Grace kay Rocky at dahan dahang binuksan ni Rocky. Sinilip din ni Santy.
"YUN OHHH!, O HA O HA!!!"
Tuwang tuwa na sabi nito.
"May daya ata yan eh ! " pasigaw na bitiw ng salita ni Ate Grace..
"Kitang kita, walang halong daya!! TAO ang lumabas"
May halong pang aasar na pananalita ni Rocky.
"Sumama na lang kayo samin total birthday ko naman"..
Mahinahon na pag aaya ni Aries.
"May resthouse kami sa San Mateo, tayo lang nandun, magpapahanda ako ng makakain natin."
Pilit na pag aaya nito.
Nagkasundo naman ang lahat na pumunta na lang kali Aries at Nag si tayuan na sila at naghanda pa pumunta sa bahay nila Aries. Habang ako nanatiling naka upo.
"Uy Lalaine tara na di ka ba sasama?" si Mie pala di ko namalayan na lahat sila paalis na.
"Ha ano bang gagawin?" Saan tayo pupunta?"
Gulat na tanong ko sa kanya.
"Tara na nga " wagas makahila tong si Mie sakin..
Pagdating sa may parking lot ng school..
Oo may parking lot kami sosyal, pero joke lang yan, dahil iilan lang talaga ang studyante at proof na may sasakyan at motor..
Di ba nga dahil sa tulala mode ko heto kami ni Mie nakatayo sa harap ng parking lot at di na kami nakahabol sa sasakyan ni Aries.
Si Aries nga pala yung pinaka mayaman na classmate namin. Ang balita ko nanalo daw sila sa Lotto, dahil dun pagmamay-ari daw nila ang ilang grocery store sa San Mateo at ilang Meat shop.
Taray di ba, tapos sa rest house pa nila kami pupunta ngaun.
At heto na nga naiwanan kami ng sasakyan.
At yung iba samin nag commute papunta dun, yung mga babae naman sinakay ni Aries naliban samin na naiwanan at ang iba nakamotor na pumunta.
"Hayan tuloy naiwanan na tayo" nakasimangot nanaman si Mie dahil excited pa naman sya at kasama daw crush nya si Andrew..
"Hayaan mo na Mie.. ,ahmm dahil birthday ko na sa tuesday mag mall na lang tayo ililibre kita, hwag na tayo sumama sa kanila.."
Dahil iwas mode nanaman ako kay kapre..
" Hmmp tayo lang parang di naman masaya yun",
"Alam ko na mag commute na lang tayo tawagan ko si ate Grace pano pumunta dun.." basta gusto nya minsan talaga nakakagawa ng paraan to.
" Ah eh sige sabi mo eh.." No choice naman ata ako, kesa maging kj sa paningin nya.
At ayon na nga tinawagan na ni Mie si Ate Grace.
Habang nakalagay ang cellphone ni Mie sa kanyang tenga.
Biglang may dalawang motor na huminto sa harapan namin.
Sa gulat ko niyakap ko yung bag ko dahil isang strap lang ang nakalagay sa balikat ko.
Akmang tatakbo na ko palayo. Naisip ko kasi baka snatcher or holdaper...
"Mie takbo"
Pahila ko na sana ang kamay ni Mie ng biglang nagtanggal ng helmet ang isa sa kanila si Andrew pala..
Yes its a prank hindi sila holdaper classmate pala namin at gusto lang kami isabay.
"Pupunta din ba kayo kali Aries?"
Tanong ni Andrew
Katulad ni kapre matangkad din si Andrew.
Mukhang shy type pero malakas ang dating.
Tahimik lang sya madalas pero palangiti.
"Oo sana kaso naiwanan kami" abot hanggang tenga ang ngiti at pa cute nitong si Mie.
" Tamang tama, may extra helmet kami ni Marco Sabay na kayo"..
Did i heard it right..
Si Marco yung isa at yun na nga tinanggal nya ang helmet nya na kulay black kaya di ko napansin sya at napagkamalan ko pang holdaper.
"Hwag kayong mag alala hindi kami holdaper"
Nakatingin sakin habang nag sasalita tong si Kapre.
Mukhang nabasa nya yung nasa isip ko panu naman kasi kailangan ba kasi ganun entrance nila.
"At isa pa nasa loob tayo ng school panu makakapasok holdaper at snatcher dito"dagdag pa nito.
May point nga naman sya dun. Kasi bago makapasok sa school tinitignang mabuti ng guard yung ID..
"Eh kasi malay ko ba na marunong palang mag motor ang kapre at isa pa sinong hindi matatakot kung may motor na bigla na lang hihinto sa harap mo" pabulong na sagot ko sa kanya.
"May sasalita atang duwende" palingon lingon na sagot nitong si kapre.
"Tara na sakay na kayo"
Malumanay na pag aaya nitong si Andrew.
Akmang kukunin ko na sana ang inaabot ni Andrew na helmet nang biglang inunahan na ko ni Mie.
"Oo nga tara na!" sabay kindat ni Mie at may pahabol pa na bulong
"Pagbigyan mo na ko girl, pagkakataon ko na to".
Napatulala na pang ako dahil no choice ako , kay kapre ako aangkas..
" Ano sasakay ka ba o hindi" sa inis tumalikod ako akmang maglalakad na palayo sa kanila..
Balak kong hindi na pumunta, di bale ng di makasama kesa umangkas sa kapre na to.
Hinabol ako ni Mie..
"Uy LALAINE, hwag ka namang ganyan, sumama ka na, hwag ka namang mangiwan sa ere at isa pa nandun na silang lahat".
Hinila ako ni Mie palapit kay kapre at kinuha ang helmet nito sabay abot sakin.
"Sumakay kana para makaalis na tayo ha" sabay ngiti. Ng nakakaloko.
Wala na kung nagawa kundi kunin ang helmet at isuot ito.
Pag angkas sa motor nya akmang nakahawak ako sa jacket nya gamit ang hinlalaki at hintuturo ng dalawa kung kamay.
"hmmp! Ano ka nandidiri? , Anong klaseng hawak yan "
" Paki alam mo! " sagot ko na medyo inis sa kanya.
Nakakainis talaga tong kapre na to sabay irap ng dalawa kung mata.
"Ikaw bahala" sabay andar ng motor at medyo pinaandar nya ito ng mabilis. Dahilan para mapakapit ako sa kanyang bewang ng mahigpit.
Bwisit talaga tong kapreng to balak pa ata akong ilaglag sa motor nya.
Pagdating sa gate ng school ay huminto sila ni Andrew at hiningian kami lahat ng ID para tignan kung studyante nga talga kami at for safety purposes din.
Habang tinitignan ang mga ID namin medyo napansin kong malokong ngiti ng guard.
At nakatingin sa kamay kung mahigpit pa din ang kapit kay kapre..
" Saan ang date nyo? ,double date?"
Sasagutin ko sana si manong guard nang magsalita si Mie
"Opo, inggit ka manong!?"
Tumawa ng nakakaloko tong si kapre at aalisin ko na sana yung kamay ko sa pagkakahawak sa bewang nya ng bigla nyang pinaandar nanaman ang motor nya ng medyo paabante.
Nauna kami ng konti kali Mie, itong si Mie mukhang nageenjoy sa joy ride nya kay Andrew samantalang ako parang may pagtatangkang masama sakin tong isang to.
Medyo malayo na ang agwat namin kali Mie at narinig kong bahagyang nagsalita si Kapre.
Kasabay ng medyo pagbagal ng takbo ng motor nito.
"Iniiwasan mo ba ko?" Seryoso ang tuno ng boses nya hindi ko alam ang isasagot sa tanong nya.
"Halata ba? " mataray na sagot ko.
"Bakit? ", napaiisip ako sa tanong nya bakit nga ba kung iisipin wala namang mabigat na dahilan.
"Hindi ko rin alam bakit!"...
Sandaling katahimikan ang namagitan samin at biglang pinaandar nya yung motor ng bahagya ng mas mabilis pa.
Natatakot na ko dahil di naman talaga ako sanay sumakay ng motor.
Ilang sandali pa ay muli syang nag salita.
"Pwede kang sumigaw ilabas mo lahat ng nararamdaman mo",.
"Parang ganito.. "
"Mga F***K U KAYONG lahat!! , try mo nakakagaan ng pakiramdam" sabay tingin sya sa akin sa pamamagitan ng side mirror ng kanyang motor.
"Napansin ko kasing madami kang iniisip ng mga nakaraang araw"
Napaisip ako pinagmamasdan din ba nya ko tinitignan nya din ba mga galaw o kilos ko..
"Subukan mo lang! "dagdag pa nito.
Mabilis pa rin ang takbo namin at nasa parte kami ng daan kung saan halos bakanteng lote at mga puno lang ang nasa paligid at wala masyadong sasakyan.
Sinubukan ko nga ang sinasabi nya.
"Mga bwisit kayong lahat,!! "
"Leche kayo sa buhay ko!!"
"Lubayan nyo na ko!!
Tama nga sya nakakagaan ng pakiramdam ang pagsigaw kaya sumigaw pa ko ng sumgaw!!
"HINDI AKO ANG MAY KASALANAN,, WALA AKONG GINAGAWANG MASAMA!!!! "
gustong tumulo ng luha ko kaya sumigaw pa ko ng sumigaw
"Wahaaaaaaaaa! "
Maya maya pa ay tila bumabagal na ang takbo namin pero patuloy pa din ako sa pag sigaw kaya na bulyawan ako ng nakasabay namin jeep..
"Hoy ang inggay mo! "
Bigla akong nakaramdam ng hiya. Maya maya ay natawa ako ng malakas at ramdam ko din na natawa sya.
Di ko na malayan ang mga sasakyan at stop light.
"Malapit na tayo" sabay tingin nya sa stop light.
Malapit na pala kami at medyo may mga bahay na yung nadadaanan namin..