Lumipas na ang 2 months at pasukan na.
7:30 pa lang umalis na ko sa bahay kasi yung nanay ko mas excited pa sakin.
Kala mo daig ko pa elementary kung pagbilinan nya.
Kaya saktong 8 am nasa school na ko buti na lang din mabilis lang ang byahe papasok sa school.
Nakakapanibago kasi napaka laki ng school ko ngaun, kahit nakapunta na ko dito nung enrollment hindi ko pa din kabisado ang mga lugar.
Napaka daming studyante ngaun mula freshment hanggang senior.
Naglalakad ako papunta sa Activity Center dahil dun daw nakalagay ang schedule at ang list of students.
Habang nakikipagsiksikan sa mga studyanteng nandun para hanapin din ang mga pangalan nila at schedule di ko maiwasang mabunggo at naitulak ako ng malakas.
Patumba na sana ako nang may sumalo sa likod bumangon ako agad para tignan sino yun pero sa dami ng tao hindi ko ito nakita at biglang nawala.
Hindi nagtagal at nakarating din ako sa unahan nakita ko I-13 yun ang section ko.
Napakadami namin sa isang klase at hindi block section may mga kasama kaming ibang major.
Oo nga pala dahil sa wala akong choice napunta ako sa course na sila ang pumili educ major in TLE.
Pero sa totoo lang gusto kung mag Business Ad. Kaso yun na course ng kuya ko kaya no choice ako.
Ayaw kasi ni mama na pareparehas daw kami ng course.
Matapos makopya ko yung schedule ko sa bullitin board, biglang may nagsalita sa speaker at pinapila na kami sa quadrangle para sa welcome ceremony sa mga freshmen.
At binigyan kami ng instruction pano gagawin at pano pipila.
Sa quadrangle may kanya kanya pila sa bawat section at year level mula kaliwa ko papunta sa kanan ang bilang ng section. One, two, three, four, five, six, seven, eight, nine, ten, eleven, twelve and thirteen..
Ito na yung pila namin.
Sa pila nauuna yung isang babaeng medyo mahaba ang buhok na kulot at nakaterintas ito, sumunod yung isang mahinhin na medyo mahaba din ang buhok , tapos kasunod nung mahinhin isang babaeng matangkad ako ng konti, sa tingin ko mas ahead ang edad nya kesa samin at sa likod ko naman yung pala ngiti na medyo singkit.
Nakaka kaba pero nakakatuwa din bagong karanasan nanaman to para sakin.
Nakatingin lang kaming lahat sa nagsasalita sa stage at nakikinig sa orientation.
Bigla naman ako kinausap ng katabi ko.
"Hi!" bati nung palangiti at singkit na babae.
Nginitian ko lang ito at bigla syang nag pakilala
"Ako nga pala si Mie, ikaw?"
"Ahmm Antasya Lalaine"
"Napakalaki ng school no?"
Halatang gusto nyang makipagkaibigan sakin.
"Ah Medyo nga."
Tipid na sagot ko sa kanya, napalingon naman yung nasaharapan ko. At binati kami
"Hi ako si Grace, tawagin nyo na lang akong ate Grace" mukhang friendly din to.
Sinagot naman sya ng katabi ko at sinabi ang pangalan nya.
"Hello ate Grace, ako naman si Mie " at sabay silang tumingin sakin.
"Aahh.. Ako ahmm tawagin nyo na lang akong Lalaine."
Maya maya pa ay medyo lumapit na din samin ang katabi ni ate Grace.
"Hello classmate!" bati nito samin.
"Ako nga pala si Lyn" sabay ngiti..
Unang tingin pa lang masasabi mong maganda talaga sya .
Yung katabi naman nya sa unahan parang suplada kinalabit agad ito Mie
" Hi , anong pangalan mo?" Medyo seryosong tingin nito samin.
Mukhang suplada din
"Lj" matipid na sagot nito sabay harap sa stage.
Nagkatinginan na lang sina Mie, Ate Grace at Lyn, habang ako iniisip ko saan ko sya unang nakita at nakatingin lang ako sa mukha nya. Saan nga ba ????
Natapos ang orientation ng 10 am at pinapapunta na kami sa susunod na schedule namin.
Bawat section nag tipon tipon sa ilamin ng puno.
Napakadaming puno sa loob ng campus.
Sa bawat puno ay may upuan sa ilalim nito.
Habang naka upo kami sumigaw yung isang kaklase naming lalaki na medyo mataba.
Mukhang makulit at pasaway.
"Oh sinong gustong mag paxerox ng schedule natin, sampong piso lang."
Sa isip ko, magaling na bata nagpagod na ko magsulat dun ng mahaba tapos pwede pa lang e xerox lang. Yun pala kinuha nya ito ng patago.
Di ko sila pinansin at nag lalaro lang ako ng snake sa cellphone ko. Bigla naman akong tinabihan ni Mie.
"Hi Lalaine, pwede umupo?" Tanong nito sakin.
"Ah sige. " sabay ngiti lang sa kanya.
Maya maya pa nagsimula na ang napaka rami nyang tanong.
Naalala ko tuloy sa kanya si Vine.
Ganitong ganito din sya.
Si Vine din kasi ang unang lumapit sakin at napaka dami din nyang tanong.
Sinagot ko naman lahat ng tanong ni Mie. Isa isa ko namang sinagot ang mga ito.
"Ilan taon kana?" Unang tanong nya
"15 yrs old" matipid na sagot ko
Hindi na kasi ako dumaan sa pre school or kinder diretso na agad ako sa grade 1 kasi naman pag nagtuturo si Mama sa mga kuya ko kasama ako.
"Ang bata mo papala no?, kailan birthday mo?"
"June 28" sagot ko ulit sa kanya.
"Ay talaga 2 weeks mahigit na lang pala birthday mo na" excited na pananalita nito.
"Ako naman 18yrs old, nagstop kasi ako, October 16 birthday ko"
"Sabay tayo mag lunch mamaya ha?"
Nginitian ko lang sya.
Maya maya pa ay nagtawag na yung mga classmate namin at nandun na daw yung prof namin.
Pag pasok sa classroom magkakatabi kami nila Ate Grace, Mie, Ako, si Lyn at Lj.
Nang makaupo na kaming lahat tumayo ang proof namin at sinabing magpakilala daw kami isa isa.
Pangalan, edad at saan nagtapos o saan nangaling.
Dahil sa unahan kami nakaupo nauna si ate Grace,
"21 yrs old at galing sa Pangasinan."
Sumunod si "Mie ,18yrs old galing sa Capiz".
"Antasya Lalaine 15yrs old".
at habang nagpapakilala ako may narinig akong nag salita.
"Wow Ne!!, Naligaw ka ata! Nautusan ka lang atang bumili ng suka!"
"Hahahaha!! Hahahaha!!!
sabay mga nagtawanan silang lahat, medyo na napasimangot naman ako ng konti at biglang umupo na sumunod naman ay si Lyn
"Lyn ,17 yrs old from Antipolo" at ang huli sa amin si Lj
"Hi Im Lj, 17 yrs old ,from St. Elaine Academy."
Nanlamig ang buong katawan ko galing sya sa sa school kung saan ako nag arala bago mag transfer.
Kaya pala pamilyar ang mukha nya, kasi galing kami sa iisang school.
Nagpatuloy ang pagpapakilala ng mga iba pa naming classmate.
Hanggang sa mapunta na sa dulo kung saan puro lalaki na ang nakaupo.
At tila binuhusan nanaman ako ng malamig na tubig ng marinig ko yung sumunod na nag pakilala.
"My name is Marco Paolo Trinidad, 17 yrs old, from St. Judith Academy."
Siomai kang palaka ka, unti onti akong lumingon sa kanya, baka nagkamali lang ako ng dinig, baka naman ibang tao lang to, kapangalan, o kaya naman nag day dreaming nanaman ako.
Paglingon ko......
"Lechugas at kalabasa!!" bulong ko sasarili ko, Yung mokong na Kapre nga, walang iba!
Move on na ko eh, Tapos classmate pa kami!
Napaka swerte ko nga naman.
Sabay bagsak ng ulo sa desk
Nagulat naman sakin si Mie,
"Hala na pano ka bhe! " gulat ng makitang naiumpog ko ang ulo sa desk ng upuan namin.
"Ah wala, Akala ko kasi nanaginip pa ko, ginigising ko lang sarili ko!"
Napakunot na lang sya ng ulo at tumingin sa mga sumunod na nagpakilala.
Natapos na ang pagpapakilala at agad naman kaming dinismiss ng proof namin dahil unang araw pa lang naman daw.
Habang nag lalabasan na sila ng room nakayuko padin ako.
Di ako makapaniwala sa dami ng school sa Pilipinas bakit dito pa nya naisipang mag aral.
Tadhana ba ito o parusa.........
Marco's POV.
Pagpasok pa lang ng University napakaming studyante na.
Lahat sila nag punta ng Activity Center (AC).
Habang nasa AC nakita ko si Lalaine, nakikipagsiksikan papunta sa Bulletin board sa unahan.
Dahil sa maliit tong duwendeng to madali syang na babalya at nasasagi ng ibang studyante.
Pinilit kung makalapit sa kanya at ng malapit na ko bigla syang na bunggo ng isang studyante agad ko naman nasalo yung likod nya, kaso napapikit sya nung makatayo na sya bigla naman akong hinila ni Santy.
"Pre, tara may magandang chicks dun" habang naka akbay sakin.
Minsan iniisip ko kung pumasok ba to para mag aral o para mang babae lang.
Habang nasa labas ng AC at nagtatawag na para sa orientation, itong si Rocky naman napaka utak binaklas yung schedule namin pati yung list of student sa section namin.
Oo nga pala nag tataka ba kayo kung bakit magkakasama pa din kami.
Una iisa kami ng course Mechanical Engenering.
Pangalawa malakas ate ko dito kaya nagawan ng paraan na makapasok kami ng sabay sabay at magkaklase pa.
"Oh ayan na ha, para di na kayo magpagod magsulat"
Sabay abot samin ng papel.
"Sira ka talaga Rocky, Pano yung di pa nakakakita ng schedule at pangalan nila."
sabat naman ng pinaka mabait samin si Ryan.
"Bahala na sila", sabay agaw ng papel na kasalukuyang hawak ni Raven.
Matapos ang orientation.
Lahat ng kasama namin sa section umupo sa isang puno at doon nagtipon tipon.
Tapos biglang may naisip si Rocky..
"Oh sinong gustong mag paxerox ng schedule natin, sampong piso lang."
Pinagkakitaan pa nya.
Maya maya pa pinatawag na kami ng proof para sa unang klase.
Nakita ko si Laline umupo sa unahan.
Mukhang di nya alam na magkaklase kami.
Ano kayang magiging reaksyon ng duwende na to.