Chapter 7

1198 Words
Monday... Hindi tulad ng excitement ko nung friday ng gabi yung nararamdaman ko ngaun. Mag isa akong pumunta sa school napaka daming tao. Ang haba na ng pila ng mga nagproprocess ng kanilang enrollment. May grupo grupo ,may kasama pa magulang at tulad ko ay may sariling sikap magenroll mag isa.. Hinanap ko saan kukuha ng forms at anong unang step. Napakalaki ng school may malaking canteen, napakalawak na quadrangle, basketball court at Activity Center. Habang naglalakad sa hallway papunta sa Activity center may isang lalaking tumatakbo papalapit sakin ang nakabungo sakin, dahil dun nalaglag ang envelop na hawak. "Ano ba?!! " nainis akong napasigaw. "Pasensya na miss di ko sinasadya" sabay dampot ng envelop ko. Hindi nako nabigyan ng pagkakataon makapagsalita at biglang syang tumakbo ulit . Naisip ko kung nandito si Vine siguradong nakatikim na yun ng pagtataray . Lalo akong nalungkot pero wala naman akong magagawa kundi magpatuloy.. Nakapag fill up na ko ng form at ngaun ay nakapila sa library para mag xerox ng documents ko at mag papirma. Pangwalo ako sa pila para sa pag papapirma sa library kasabay ang bayad na 100 pesos para sa library card nang biglang kinuha ng isang lalaki ang papel ko. Nagulat ako at napatitig na lang sa kanya. "Tulungan na kita" sabay kindat. Wagas kung makangiti kita pati gilagid. Akala mo close kami nitong mayabang na to. "Ako ng bahala dito" Derederetso sya at pumunta sa unahan para papirmahan, tatakan at binayaran pa pati yung library card ko. Pag katapos ay bumalik sakin at inabot yung form ko. Halos lahat sa pila at tinignan ako at pinagbubulungan. Chismosa1 "Ay may palakasan" Chismosa 2 " Sana all pwedeng ganun" Chismosa 3 "Sya na may jowang matangkad at gwapo. Dahil sa hiya nag takip ako ng mukha gamit ang envelop na hawak ko. Di ko namalayan nasa likod ko papala sya. "Sinusundan mo ba ko!!" "Hindi Aahh! Dun na din way ng susunod kung step para enrollment" Sabay talikod sa kanya at lumakad ako paalis . Narinig ko na nagsalita sya "Di man lang nagpasalamat" Nilingon ko sya ulit sabay "Thank you ha , thank you din sa pagbungo kanina!!" Oo sya yung lalaking nakabungo ko sa tapat ng AC kanina. Sa isip ko unang una di ko hiniling sa kanya na mauna sa pila o gawan nya ko ng pabor... Natapos na ang pag process ko , inabot na ko ng hapon sa haba ng mga pila mula sa form ,papapirma kung saan saan at pagbabayad sa cashier. Habang nakatingin sa admission slip na hawak ko, naisip ko na deserve ko ba makapasok dito. Pakiramdam ko dahil sa pabor kaya ako nakapasok. Hindi patas at ayoko ng ganito pero nandito na ko. Wala ng atrasan. Gabi na ko nakauwi dahil sa hirap mag commute. Pakiramdam ko pagod na pagod ako at wala akong lakas.. Nasa harap ako ng gate, mula dito rinig na rinog ko mga boses ng mga kapatid kung nag aasaran. Pagpasok sa bahay deretso sa kwarto umupo ako sa study table upang bukasan ang itatlong drawer nito kinuha ang black note book at binuksan. Kumusta na kaya sya.. Nagpaenroll na din kaya sya?. Saan kaya sya magaaral, anong course nya.. Malamang magkasama sila ni Gwen.... Marco's Point of View Papasok sa campus mula sa bagong school nakita ko ang isang pamilyar na babae. "Lalaine?" Lalapitan ko sana sya nung mabangga sya nung isang lalaki kaso nilapitan na ko ng mga kaibigan ko. "Tol tara na, saan ba susunod na step" Tanong ni Ryan ang kuya ng barkada. "Sa library ata " sagot naman ni Santy yung chick boy samin. "Tara na nga" sabay akbay samin ni Rocky.. Habang Tahimik naman na nagbabasa ng form at sumasabay samin si Raven ang bunso sa amin.. Sabay sabay kaming nag enroll at iisang course lang ang kinuha. Nasa tapat kami ng library at nakapila, nakita ko ulit si Lalaine magisa lang na nakapila. Wala ba syang kaibigan na kasama? Nasaan na kaya yung chubby na lagi nyang kasama ?.. Habang nagkukulitan sina Santy at Rocky sa likod ko .May isang lalaking patakbong dumaan sa harap namin at lumapit kay Lalaine.. Teka sya yung nakabungo sa kanya kanina. Close ba sila? Mga tanong sa isip ko. Bakit kaya lapit ng lapit tong kumag na to sa kanya.. Nakita kong kinuha nito ang form ni Lalaine at pinauna sa harapan. Hmmmp ... Kumag na to pasikat! Palakasan !! Nakatingin lang ako sa kanila ng bigla akong tinapik ni Santy. "Pre, nong tinitignan mo dyan? chicks ba ? Maganda ba?" Ito talaga puro pangbabae nasa isip. Pagbalik ng tingin ko sa direksyon ni Laline wala na sya. Sinubukan kong tanawin sa tingin at hanapin sya pero di ko na sya nakita. Natapos na kami sa pag process ng enrollment namin. Palabas na kami ng gate at nakita ko ulit si Lalaine palabas na din ng gate mukhang tapos na din sya mag enroll , school mate kami ulit, napangiti ako ng di ko rin alam ang dahilan. Pero bakit parang ang lungkot nya habang tinitignan nya yung form nya. Buong araw ba syang mag isa, Yung kumag na yun magkakilala ba sila. Di ko alam pero parang gusto ko syang lapitan at samahan kaso, di naman kami ganun ka close baka tarayan nanaman ako nito. Isa lang kami ng way pauwi kaya nung sumakay sya ng jeep ,sumakay na din ako nasa unahan sya malapit sa driver habang nasa dulo naman ako ng jeep. Nakatingin lang sya sa bintana parang napaka lalim ng iniisip. Pag baba nya ng jeep bumaba na din ako. Nag lalakad sya papauwi ng dahan dahan, ramdam ko ang lungkot sa bawat paghakbang nya pauwi, habang nasa likod lang nya ako sinusundan sya. Alam kong lagpas na ko sa kanto pauwi samin pero sinundan ko pa din sya hanggang makarating sya sa tapat ng gate nila. Pero bigla na lang syang huminto. Bakas sa mukha nya na napaka lungkot nya. Papasok na sana sya ng biglang huminto sya ulit sa tapat ng gate nila at nakatitig sa kung saan. Gusto ko syang lapitan pero di ko magawa. Gusto ko ulit makita yung ngiti nya sa mga labi nya. Hanggang sa tuluyan na syang pumasok. Matapos kung makitang bumukas ang ilaw sa kanyang kwarto ay tumalikod na din ako upang mag simulang lumakad pauwi. "Mananatili" by Martlo Mortel and Janella Salvador ?? Di na gumising, Magmula ng ika'y naging laman nitong panaginip Oh biglang tumigil ang oras magbuhat nang Ika'y natala sa'king isip nandito na ngunit di maamin At hanggang sa aking Muling pag idlip Laging mananatili sa labi Mga ngiting naiwan Nang sandaling masilayan ka Sa puso'y mananatili ??? Bakit di mapigil Damdami'y tuwang tuwa Sa bawat saglit na kapiling Panong sasabihin Pagsinta'y umaapaw At 'di sapat aking tinig Nandito na ngunit hindi maamin At hanggang sa aking muling pag idlip Laging mananatili sa labi Mga ngiting naiwan Nang sandaling masilayan ka Sa puso'y mananatili Na kapiling ka Iniingat-ingatan o aking sinta Dinadalangin sa bawat gabi ay ikaw Laging mananatili sa labi Mga ngiting naiwan Nang sandaling masilayan ka Sa puso'y nandito palagi Mananatili sa labi Mga ngiting naiwan Nang sandaling masilayan ka Sa puso'y mananatili....??
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD