Chapter 6

1693 Words
One week na lang graduation na. Naka upo kami no Vine sa isang bench habang kumakain. Excited na ako kasi makakaalis na ko sa school na to. Minsan kasi naisip ko na parusa yung pag pasok ko dito. Lahat kasi ng mga kapatid ko sa dating school ko nag aaral at nakapag tapos. Ako lang ata na iba sa kanila. Sa totoo lang maganda naman yung school ko dati masaya ako dun maraming kaibigan at may manliligaw din ako dun ... (Natatawa ako pag na aalala ko panu sinabi nung nanligaw sakin na crush nya ko at gusto nya kung ligawan) FLASHBACK... "Lalaine" sigaw ni Parr "Bakit" mataray na sagot ko. "Para sayo galing sa ate ko galing Japan" "So? Aanhin ko yan?", Gwapo si Parr pero wala akong interest sa ganitong bagay ang gusto ko lang mag aral. "Ang sungit talaga nga mahal ko kaya lalo kitang minamahal" Sinamaan ko sya ng tingin at hinagis pabalik sa kanya ang paper bag na pilit niyang inaabot.. Habang nakikipag usap sa kanya sa di kalayuan nakita ko nanaman ang isang babae masama ang tingin at nakaismid. Alam kung galit ang mga mata nya. Nakatitig sya sakin bago lumakad paalis. At nabalik lang ang attention ko kay Parr ng bigla itong magsalita. "Wala namang masama kung tatanggapin mo ito para naman talaga sayo yan" "Ayoko nga sabi, baka may gayuma pa yan" Sabay sabay nagtawanan ang mga kaibigan namin. Napuno ng tawanan ang paligid namin habang nakaupo sa benches na lamesa gawa sa semento. END FLASHBACK... Pero sa isang iglap nagbago, kaya pag nagaasaran sa bahay lagi akong na bubully ng mga kapatid ko. "May susuotin ka na ba sa recollection natin" napabalingbang tingin ko sa kanya. "Hindi ko pa alam si Mama na bahala" sa totoo lang wala namn ako paki alam ano man suotin ko bahala na si Mama. Bumalik sa ang paningin ko sa mga taong nasa quadrangle ngaun. Kanya kanyang eksena makikita mo ngaun sa campus may nagpapapirma ng slumbook, tumutugtog ng guitara at mga nagkukulitan na studyante sa totoo lang wala na kaming matinong klase kasi lahat naghahanda na sa graduation day. Habang nag prapractice ng graduation march yung mga kaklase kung kulokoy may kanya kanyang paandar at pang aasar sa mga teacher namin kaya yung practice parang nagiging variety show. Nakakatuwa din pero di tulad nila di ganun kagaganda memory ko sa highschool life. Samantalang sila apat na taon magkakasama at madaming masasayang memory. Itong school na to di sya tulad ng school ko dati na napaka taas ng standards sa lahat ng bagay. Dito simple lang pero madaming loko-loko pero mukhang masaya sila. Nag simula ng tawagin isa isa ang pangalan namin, dahil game din yung mga teacher namin sa mga kalokohan bawat tawag ng pangalan ng bawat isa samin ay may mga bansag o pang asar na sasabihin. Halimbawa na lamang "Gregorio Santos" nagtapos ng hindi marunong mag saing, " Antonia Cruz" nag tapos na make up lang ang baon sa school at "Jose Lopez" nagtapos ng laging nagpapalibre sa kaklase. Kaya halos puro kami tawanan pero syempre pag oras na ng seryoso lahat kami seryoso na. Natapos ang mga linggo ko na walang masyadong nangyari. GRADUATION DAY.... Dumating na ang araw na pinakahihintay ng lahat maliban sakin, bakit hindi ko hinihintay kasi wala namang special sa araw na to. Parang normal lang na araw si mama nga lang ang umatted. Yung mga kapatid ko pati ang papa ko wala silang paki alam. Minsan masakit isipin pero kasalanan ko din naman... Pinatugtog na ang graduation song lahat ng gragraduate ay nakapila na nagsisimula ng lumakad isa isa, halos sabay ang lalaki at babae na mag lalakad maya maya ay nakita ko sya, napaka gwapo nya sa puting togang suot-suot nya napangiti ako ngunit tinignan nya lang ako. Sinabi ko sa sarili ko ok lang ito naman na ang huling beses na makikita ko sya at makakalimutan ko na sya. Tinawag na ang mga pangalan namin isa-isa, kasabay nito ang pag akyat namin sa stage. Sinisimulan na nila ang nakasulat sa program ng graduation ceremony. Hanggang malapit ng magdilim at patapos na ang programa. Wala akong maramdaman iba sa mga nangyayari. Basta sumusunod lang ako sa agos. Hindi tulad ng ibang mga kaklase ko na nagtapos din. Halos lahat sila nag iiyakan. Aaminin ko magkahalong saya at lungkot din naman akong nararamdaman. Masya kasi makakaalis na ko dito. Malungkot kasi hindi ko na sya makikita at pati na rin si Vine dahil uuwi na sya ng probinsya nila dun sya mag cocollege. Mag isa na lang ako ulit.. Naalala ko pa nung una kaming magkakilala. Nakayuko lang ako at nasa likod ako ng school. Nagmumokmok dahil sa sobrang inis ko sa sitwasyon ko nun. "Alam mo mukha kang bruha dyan" Iniaagat ko ang ulo ko at nakita ko ang malapad nyang ngiti. Mula noon di na nya ako nilubayan at linukulit ako parati hanggang sa nakasanayan ko nang lagi ko siyang kasama sa sobrang kulit pero sakin lang naman syang ganun. Linapitan ako ni Vine ng umiiyak. "Bru,.huhuhuhuhu" mamimiss kita" Naka ngiti ko naman syang sinagot. "Ako hindi", Pero sa totoo lang mamimiss ko sya ng sobra lalo na sa panahon na lagi nya kong tinutulungan. Sya lang nag lakas loob na kaibiganin ako. Niyakap ko sya ng mahigpit at sinabi kong.. "Congrats ,diba nakapasa ka sa school dun at scholar kapa", Bahagya akong huminto sa pagsasalita at pilit kung pinipigilang umiyak. Habang patuloy pa din ang pagtugtog ng graduation song namin.  "Magpapayat kana ha, para makahanap ka ng boyfriend tsaka maghanap ka dun ng kaibigan hindi puro libro ok".. Ramdam kung tutulo na yung luha sa mata ko. "Sira ulo ka talaga bru", huminto sya saglit . "Bawasan mo pagiging anti social mo, tska pagiging suplada mo, baka ma mis interpret ka nanaman ng ibang tao. Hwag mo ding kakalimutan mag message sakin sa sss ha". Tumawa ako ng bahagya, "Ano ka ba di ko nga alam kung nakapasa ako sa school na pinag examan ko, tska susundan na lang kita dun pag di ako pumasa, titira ako sa inyo, pakainin mo ko dun ha?" Sabay kaming nagtawanan at bumitiw sa pagkakayakap. "Tuparin mong maging nurse tapos doctor ha" yan kasi ang pangarap nya. "Ikaw naman simulan mo ng magisip ng gusto mong gawin sa buhay" Di ko kasi talaga alam kung anong pangarap ko. Ano nga ba balak ko sa buhay ko. Alam ko sa punto ng buhay ko ngaun ito yung katapusan ng isang yugto sa buhay ko at bukas ay simula na ng panibagong kabanata. Lumipas ang ilang araw. Nakaalis na si Vine, ako naman nag aantay sa result ng exam.. Habang walang magawa naisipan kong gumawa ng isang black book. Inilagay ko yung pic ni kapre nakinunan ko sa classroom nila at pati mga info na alam ko tungkol sa kanya, tska sinulat ko lahat ng mga nangyari samin. At ang huli yung keychain na aagad namang napgangiti sakin at inilagay ko yung keychain sa zipper ng bag ko. Matapos ay tinabi sa pinaka ilalim na kabinet ng study table ko. Bumababa ako ng hagdan at pumunta sa sala. Nandun si Mama at ang bunso kung kapatid si Anne. Nanonood sila ng T.V. habang kumakain ng prutas. Nang makita ako ni Mama agad nya akong tinanong. "Lumabas na ba result ng exam mo?" Umupo ako sa tabi nya. "Wala pa Ma!" sabay dampot ng prutas sa lamesita. Bigla naman sumabat tong si Anne, "Baka hindi sya nakapasa" sabay bato ko sa kanya ng unan na nasa likod ko "Bwisit ka no!" Ikaw na matalino! "Tumigil nga kayo" bahagyang sigaw ni Mama. Habang nag aasaran at nag mamake face si Anne ????? ay biglang may nag doorbell sa may gate. Akmang tatayo na si Mama pero inunahan ko na syang tumayo. "Ako na Ma" sabay tayu Isang kartero ang dumating at may sulat na binigay. Tamang tama sakin nakapangalan. Sumigaw si Mama ,"Sino yan Nak?" "Kartero Ma, sulat daw para sakin" Habang naglalakad binubuksan ko ang sulat galing sa university na pinag examan ko. Dahan dahan ko itong bunubuksan ( --- 0 O ) ------> ( o - o ) napakali ang mata ko nakapasa ako, di ako makapagsalita "Ano yan Nak?" habang nakatingin sila sakin at nakatayo sa harap nila. At yung paki elamera kung kapatid inagaaw yung sulat. "Patingin nga, talaga ba? Nakapasaka??" "Ahhhhh MHAAAAA! , NAKAPASA AKO!!! Nagtatalon ako sa tuwa.. "Congrats Anak" Naka ngiti lang si Mama, parang may mali, pero di ko na masyadong pinansin basta masaya ako na nakapasa ako. Kinagabihan matapos kumain, dali dali akong umakyat sa kwarto para ayusin lahat ng gagamitin ko para sa enrollment sa monday. Alam kong friday pa lang pero excited na talaga ako. Hanggang sa natulog na ko. Sa kasarapan ng tulog ko nagising ako at nauhaw, pababa na sana ako ng hagdan ng marinig ko sa kabilang kwarto sila Mama at Papa nag uusap. "Sa tingin mo tamang ginawa natin?" Unang nagsalita si Mama.. "Mas mabuti na to, alam kong napakahirap humingi ng favor sa Papa dahil sya yung dating dean ng school. Pero kung di natin tutulungan si Lalaine walang ibang gagawa para sa kanya. Isa pa ngaun pa lang sya nakakabawi sa buhay nya. Alam nating napaka hirap ng ipanagdaanan nya" Naririnig ko ang mga buntong hinga nilang paguusap. "Pero parang hindi tama, kasi di man lang natin hinayaan sya sa sariling kakayanan nito" Bakas ang pag aalala at lungkot sa boses ni Mama. "Alam mo Honey naisip ko din yan, pero panu kung di natin ito ginawa at di pala sya pumasa. Ayoko ng makita si Lalaine na sobrang nahihirapan." Nang marinig ko ang huling sinabi ni Papa, tsaka ko naiisip kaya pala, kaya pala ganun na lang ang reaction ni Mama kanina. Napasandal ako sa pader at napatingin sa kesame. Pakiramdam ko napakahina at pabigat ako .. Pero parang hindi patas hindi man lang inantay kung nakapasa ako dahil sa sarili kung kakayanan.. Masakit, mabigat sa dibdib at pakiramdam ko di ako makahinga sa bigat ng nasa loob ko.. 'Lalaine kailangan ka ba babangon, kaya mo yan' yan na lang naiusal ko sa sarili ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD