Sabay kaming naglakad pauwi, pero pag dating sa kanto ay naghiwalay na kami. Malapit lang pala ang bahay nila sa bahay namin na mga tatlong kanto lamang ang pagitan.
Hindi naman kasi ako gala kaya wala akong masyadong kilala dito samin, kaya rin siguro wala akong masyadong kaibigan.
Nang malapit na sa bahay ay nakita ko si Vine sa may puno malapit sa bahay dala dala ang yung bag ko...
Tska ko naisip
"Oo nga pala tumakas lang kami sa klase".
Dali dali akong tumakbo palapit kay Vine at tinawag sya.
"Vine"..
Tumingin sya sa akin at medyo naka kunot ang noo..
"Bruha ka talaga no!bakit ka tumakas?" bungad na pananalita nito sakin.
"Ha? Eh basta"
Sabay ngiti sa kanya .. Halatang kanina pa sya nag aantay sakin.
"Saan ka nag punta ?, anong ginawa mo, hinanap kita sa buong school !Nag cutting class ka pa talaga".
Sa daming tanong at sunod sunod na pagsasalita ni Vine na daig pa ang nanay ko manermon at imbestigador ng crime scene ay bigla ko na lang siyang hinila at kinuha ang bag ko sabay sabing.
"SALAMAT PO SA PAG UWI NG BAG KO !!??? "
Sabay flying kiss ng madami.
Hindi ko na nakuhang ikwento kay Vine ang lahat dahil na rin siguro sa pagod ko.
Pero masasabi kong napaka saya ng araw ko.
At di ko pinag sisihan na nag cut ako ng klase nakakabawas din kasi ng stress pero alam ko na mali pa din yung ginawa ko..
KINABUKASAN..
Ang saya ng pakiramdam ko, di ko din alam kung bakit,.
Maaga akong nakapasok ngaun at nagkasabay kami ni Vine sa gate papasok.
Habang mag lalakad papunta sa classroom namin napadaan kami sa classroom nila Kapre, di ko alam pero parang hinahanap sya ng mga mata ko.
Alam ko na di ko naman talaga ginagawa ang ganito sa kahit sino.
Kaya naman ng nakita ko nga sya at may tuwa akong naramdaman.
Nakaupo lamang sya classroom nila at nakayuko habang pinapalibutan sya ng mga kaibigan nya.
Tila may binubuksan syang libro at binabasa, agad ko namang kinuha yung cellphone ko at pasimpleng kinuhaan sya ng picture.
Bigla naman napalingon sa akin si Vine na medyo na uuna ng kaunti sakin sa paglalakad.
"Ano yan?"
biglaang lapit nya sakin at pilit tinitignan ang hawak kung cellphone.
"Wala to, ano kaba ?, naghahanap lang ako ng signal tatawag ako kay mama , may itatanong lang ako,"
Ngunit pilit pa rin nyang sinisilip yung cellphone ko na pilit ko namang nilalayo sa kanya.
Dahil sa kakulitan nya ay medyo naging maingay kami na agad naman silang napatingin sa amin lalo na si kapre at nang mapansin ko ay bigla akong tumakbo papasok sa classroom namin.
Umupo ako sa desk ko at bigla naman ako tinabihan ni Vine.
"hoy bru!"
Tinignan ko lang sya at biglang ko ding binawi ang tingin ko sa kanya at humarap sa bintana.
"Parang ang dami mo ng sekreto sakin ngaun ah?" pangungulit nito.
Hindi pa rin ako sumasagot, sa totoo lang si Vine lang naman talaga nagtyatyaga sakin dahil medyo may paka looner akong tao, mas gusto kong nagiisa may paka moody din ako pero kahit ganun di nya ko nilalayuan.
"Hoy!! Lalaine may kausap ba ko?"...
Habang nakatingin pa rin sa bintana, at nagsalita ako ng
"Ang kulit mo, nag punta lang ako sa park yun lang".
"Sinong kasama mo?" dagdag na tanong nito.
"Ha? Kasama?", humarap ako sa kanya, alam kong pag sinabi kong kasama ko si kapre di nanaman nya ako titigilan sa kakatanong.
"Wala, ako lang!"
"Nag cut ka ng klase dahil sa namasyal ka lang, pasalamat ka nakapagdahilan ako kahapon sa mga teacher natin."
Oo nga pala, kaya pala hindi ako napagalitan o tinanong ng mga teacher..
"Hmmmm,, Bru , i love youuu ??? salamat!!" , sabay yakap sa braso nya..
"Ano palang sinabi mo sa mga teacher natin?"
"Sabi ko nag ka emergency kayo sa bahay kaya umuwi ka"
"Ang galing talaga ng best friend ko " sabay kurot sa pisngi nyang matambok..
Nang biglang nag ring ang bell hudyat na ng pagsisimula ng mga klase.
Natapos na ang ilang subject namin.
Breaktime na.
Na unang bumalik si Vine sa classroom dahil may gagawin pa daw sya.
Habang naglalakad sa may bandang likod ng school ay may nakarinig akong mga boses na parang pamilyar sakin.
Agad ko naman sinundan kung saan nang gagaling yung nag uusap at nakita ko sila naroon sa isang puno na may bench sa ilalim nito.
Isang imahe ng matangkad na lalaki at isang babaeng mahaba at may katangkaran din kumpara sa akin. Walang iba kundi si...
Si Kapre at si Gwen???. Bahagya akong nagulat sa aking nakita.
Sino si Gwen sya yung campus crush.
Lahat na ata nasa kanya: maganda, matangkad, morena, mahaba ang buhok, laging kasali sa mga beauty contest at higit sa lahat matalino. Actually classmate ko sya. Star section kung tawagin kami pero pakiramdam ko nilipat lang ako don dahil transferee student ako at sa lolo kong dating principal ng school.
Nakatayo si Kapre habang nakaupo naman si Gwen.
Dahil sa may taglay akong pagka chismosa ay nakinig ako sa usapan ng may usapan.
"Sorry, sorry kung di ko kayang maging legal tayo" Mahina ngunit napaka linaw na pagkakasabi ni Gwen habang nakayuko ito.
"Alam ko nahihirapan ka sa sitwasyon natin, pero di ibig sabihin nun dapat mo na kung iwasan" dahan dahan nyang inaangat ang ulo nya paharap kay kapre . Habang si Kapre naman ay nakalagay nakatayo ito ng nakatagilid ng bahagya sa harap ni Gwen.
Nakalagay ang dalawa nitong kamay nito sa bulsa ng kanyang pantalon..
Hindi ito sumasagot, ni ang tumingin kay Gwen habang nag sasalita.
Tumayo si Gwen at biglang niyakap nito si Kapre.
"Marco".. Habang lalong humihigpit ang yakap nito.
Nagulat ako sa pangyayari at bigla akong tumalikod. Hindi ko na ninais marinig o makita ang mga susunod na pangyayari .
Naglalakad na ko pabalik sa classroom. Pakiramdam ko may kung ano sa dibdib ko ang di ko mapaliwanag na pakiramdam. Di mawala sa isip ko yung nakita ko.
Parang may lungkot ako nanararamdaman pero di ko mapaliwanag.
Sabagay bagay naman sila "PERFECT MATCH". Isang maganda, sexy at matalino tapos isang gwapo, matangkad at varsity player.
Hmm.. Ok lang wala naman akong dapat maramdam eh... Saglit ko pa lang naman sya nakilala... Tska wala naman akong nararamdaman para sa kanya.. ahhh... Wala nga ba? ...Erase ... Earase....Ayoko ng mag isip...
Lumipas ang ilang araw halos lahat naghahanda na para sa finals malapit na kasi graduation namin, dalawang buwan na lang kasi gragraduate na kami.
Araw araw nakaugalian ko ng tumingin sa bintana at tinitignan lahat ng taong dadaan at umuupo sa mga benches na natatanaw mo mula sa kinauupuan ko. Nasa ground floor kasi ang room namin na malapit sa quadrangle at benches.
Nakita ko nanaman sya. Kung saan lagi syang umuupo kasama ang mga kaibigan nya.
Habang tumatagal parang lagi ko syang gustong nakikita at pinagmamasdan.
Ang medyo kulot nyang buhok, katawan nyang medyo payat at mapupungay nyang mata na nangugusap. Hindi ko na mamalayan ay napapangiti na lang ako. Hindi na ko magtataka kung bakit gusto sya ni Gwen o ng ibang babae lalo na yung parang badboy image nya pero inosenteng mukha..
Pero alam kung hanggang tingin na lang ako sa kanya. Dahil kahit kailan hindi nya ko mapapansin.
Minsan nakukuntento na kong nanood sa kanya habang naglalaro sya ng basket ball, nakikita syang nakikipag kwentuhan sa mga kaibigan at minsan pa nga ay sinusundan ko sya palabas ng school hanggang makarating sa kanto papunta sa kanila. Sabi ko parte siguro to ng pagiging high school to. Mawawala din to. Matatapos din to lalo pa at magkakahiwalay hiwalay din kami pagdating ng college.
Sa ngaun masaya na kong nakatingin sa kanya ng malayo ng walang nakakaalam. Ngaun ko lang naisip na siguro nga crush ko nga sya. Di ko rin alam pero hinahangaan ko lang sya ganun.
Pero kahit anong isip ko alam kong si Gwen ang nababagay sa kanya dahil "Perfect Match" sila...