Chapter 4

1512 Words
Agad akong tumayo mula sa pag kakaupo ko sa kanyang tyan at ganun din sya. Ramdam namin ang pagkahiya sa bawat isa. Dahil sa pangyayari ay medyo na ilang kaming dalawa sa isat-isa. Napansin kong medyo namula ang kanyang mukha at pakiramdam ko na ganun din ako. Nag isip agad ako upang maiba ang sitwasyon namin .. "Saan tayo pupunta?" biglang tanong ko sa kanya na may halong excitement sa aking tuno. "Ah , saan nga ba?" Bakas sa mukha nya ang biglaang pag iisip at bigla syang nagsalita. "Gusto mong pumunta sa park sa ilog, May tianggian dun at perya ngaun". Gamit ang marahan at seryosong tono nya. Dahil sa narinig ko ay parang lalo akong natuwa, sa unang pagkakataon ngaun ko lang gagawin ang tumakas sa klase at mamasyal. Sa di ko malamang kadahilanan ay sumusunod ako sa gusto ng puso na magsaya. Nang makarating na kami sa park ay labis ang saya na nadama ko. Napakadaming kong nakikitang mga tao at sari -saring mga paninda, mga naglalaro ng perya at higit sa lahat maraming ibat ibang klaseng pag kain tulad ng quek-quek, footlong, sweet corn, shawarma, bbq, ihaw ihaw, buko shake at marami pang iba. Sa dami ng nakikita ng aking mata ay di ko na malaman kung anong gusto kung unahin. Unang umagaw sa aking attensyon ay ang baril barilan ng mga laruan tao-tao (sa totoo lang di ko alam ang tawag basta yun na yun hahaha.) Tumakbo ako papalapit sa booth na iyon at agad naman syang at agad naman nya akong sinundan. Tinanong ko sa mamang nagbabantay kung magkano at sabi nya "30 pesos limang bala ng pellet gun, kapag nakatama ka ng lima may dalawang keychain ka na pwedeng lagyan ng pangalan." Natuwa ako at gusto kung subukan. Agad kung kinapa yung bulsa ko at nalungkot dahil wala akong perang dala. Tumakas nga lang pala kami sa paaralan hindi ko na dala yung wallet ko. Patalikod na sana ako mula sa booth ng biglang naglapag ng 100 pesos si kapre at sinabing. "Dalawa kaming susubok". Napatingin ako sa kanya at napangiti at sinabi kong, "Utang to ha, ibabalik ko agad sayo kapag nag kita tayo ulit". Tinignan nya lang ako na parang walang emosyon sa mga mata at sinimulan ng ikasa yung pellet gun. "Ikaw ang mauna", sabay abot sa akin ng unang pellet gun na kenasa nya. Kinuha ko naman agad ito at umastang parang napaka galing kung bumaril. Sinipat sipat ko na may pa pikit pikit pa ng isang mata at nakatingin sa dulo ng baril naitinatapat ko sa target kung tirahin. Sa unang putok ko walang tinamaan, bahagya syang napangiti. Sinipat sipat ko ulit at pumormang kunwari ay magaling habang hawak ng dalawang kamay ko ang baril, ngunit sa pangalawang pagkakataon ay wala pa ding tinamaan. Narinig ko ang kanyang mahinang tawa at agad ko syang tinignan. Nakita ko ang kanan nyang kamay na nakatapat sa kanyang bibig habang ang hintuturong daliri ay nakatapong sa kanyang mga labi na para bang pinipigilan ang pagtawa. Sa inis ay bigla kong pinutok ang pangatlong tira, sa wakas nakatama na kong sabay tingin ng may pamamayabang sa kanya. Ngunit sa kasamaang palad ang pang apat at pang lima tira ko ay walang tinamaan. Nainis ako at sumimangot. Matapos ay sya naman ang naghanda pa maglaro, animoy insekto ako na kanyang pinatabi gamit ang pag kumpas ng mga kamay na itinataboy ako papunta sa gilid. Naghanda na syang iputok ang pellet gun na hawak nya. Sa unang putok tinaman nya ang isa, "Tsamba" Ngunit sa ikalawa, ikatlo, ika apat hanggang ika lima ay tinamaan pa din nya. Nang matapos sya ay tumingin sa akin at tinas baba pa ang kanyang balikat na parang sinasabing wala syang ka effort effort na tinamaan nya lahat. " Ikaw na ang magaling" sabay simangot at nguso sa kanya habang mag kapatong ang dalawa kong kamay ko nanakatapat sa aking dibbid. Napangiti lang sya at kinuha ang dalawang keychain na iniaabot ng mamáng taga bantay kasabay ng kanyang sukli. May hugis puso itong palawit at itim na parihabang matigas na bagay, kung saan maaaring ipasulat ang pangalan. Agad nya itong ibinigay sa akin at inabutan din ako ng taga bantay ng isang maliit na papel at ballpen. "Dyan nyo isulat ang pangalan na ipapalagay nyo". Saad ng mamang taga bantay. Kinuha ko ito at isinulat ko ang "PAUL" sa unang keychain at "LALAINE" sa ikalawa. Nang makita nya ito ay tinignan nya ako ng may pagtataka. "Boyfriend mo?" Tanong nya sakin, at sinabi ko... "Hindi", sabay iling "Pangalan mo yan". Bakas ang pagtatanong sa mukha nya.. "Mahilig kasi ako magtagalog at mag english ng pangalan ng mga tao, halimbawa ang "JUAN" ay "JOHN", ang "MIGUEL" ay "MICHAEL" at ang "JOSEPH" ay "JOSE" kaya ang "PAOLO" o "PABLO" ay "PAUL" parang sa bible may tagalog at english name, kaso yung pangalan ko kasi medyo unique kaya walang tagalog". At bahagya akong tumingin sa kanya. Halatang napaisip sya sa sinabi ko at bigla na lang nag tanong. "Alam mo yung pangalan ko?" bakas ang pagtataka sa kanyang mukha. "Ah,, eh,,, nabangit lang nung bestfriend ko", sabay kamot sa ulo at sabi sa sarili .. Ano ka ba LALAINE, malamang magtataka tong kapreng to, magmumukha ka pang starker nito.. Hindi naman na sya nag tanong at inabot ko sa mamá maliit na papel kasama ang mga keychain at maya maya pa ay ibinalik nya saamin na may pangalan na. Matapos ay naglibot na kami sa tiangian tumingin ng kung anu-ano, hanggang sa mapunta kami sa isang horror booth na may nakalagay "BAHAY NG LAGIM" napahinto ako at tinignan ito. Bata pa ko ng huling nakapasok ako sa ganito. Pakiramdam ko kasi pag nasa loob ako naghihirapan akong huminga masikip. Hindi naman ako ganito noon, mahilig pa nga ako manood ng horror movie at makipagtakutan sa mga pinsan ko pero nagbago ang lahat. Habang nakatingin ay nilapitan ako ni kapre at tumayo sa tabi ko, medyo malayo kasi ako ng kaunti sa kanya. "Gusto mong subukan?" pagtatanong nya kasabay ang pagtingin sa aking mukha. Huminga ako ng malalim. "Tara" at lumakad sya papunta sa pila. Wala akong nagawa kundi ang sundan sya. Habang papasok ay tahimik lang ako nag lalakad nauuna ako sa kanya ng dalwang hakbang. Napaka dilim sa loob medyo maingay sa dami ng nagtitilian at may kung anu ano pang lumalabas at nalalaglag sa paligid, noong una ay parang wala lang sakin dahil nga sanay ako manood ng horror movie pero habang papasok kami ay kumikitid ang daan lumalakas ang t***k ng dibdib ko hindi ko maigalaw ang aking mga paa, pakiramdam ko ay nasa sitwasyon ako na ayoko ng balikan. May matinis na tunog akong naririnig sa aking utak at nagsimula na akong hawakan ng dalawa kong kamay aking mga tenga. Nang biglang may dalawang babaeng tumakbo mula sa aking likod na bumonggo sakin, sa sobrang lakas ay halos maitulak ako sa gilid ng pader at biglang may mga kamay na humawak sa ang balikat at kinabig ako papunta sa kanya. Nang aking tignan si kapre pala ang humila sakin palapit sa kanya. Pagkatapos naming malakabas doon ay umupo ako sa may damuhan malapit sa gilid ng ilog at iniyuko ko ang aking ulo sa aking mga tuhod. Ramdam ko pa rin na sa loob ng aking pagkatao may takot na bumabalot, mga bagay na gusto ko ng kalimutan. Halos gustong bumuhos ng luha ko mula sa aking mga mata ng maramdaman kong may umupo sa aking tabi at sinabing. "Oh,,, Para sayo" Mula sa pagkakayuko ay tinignan ko ito. Ice cream na napakadaming scoop at nasa cone. Kinuha ko ito at tinitigan. Tsaka sya nag salita. "Kapag pakiramdam ko malungkot ako o naiiyak ako kumakain ako ng madaming ice cream hanggang sa ubuhin at sipunin ako, para pag tinanong ako kung umiyak ba ko, sasabihin ko lang na may sipon ako dahil sa dami ng nakain kong ice cream". Medyo natawa ako sa sinabi nya, nakakatawang isipin na may ganung side sya. Wala naman akong nagawa kundi kunin at kinain ng kinain yung ice cream. Habang kinakain ko yung ice cream napatingin ako sa kanya. Di ko maiwasan na mapatitig sa mukha nya na kung tutuusin ay masasabi mong gwapo talaga sya. Pakiramdam ko napakabilis ng araw at gabi ngaung araw nato. Habang kumakain sabay kaming napatingin sa langit na napakadaming bituwin. Bigla kong naisip ok lang maging mahina kasi di ka lalakas kung di mo naranasang maghirap dahil mahina ka. Maya maya ay naisip kung magtanong sa kanya para may pag usapan kami. "Bakit ka nga pala nagwawalis kanina?" "Ah yun ba, nahuli akong naninigarilyo sa loob ng campus". Kaya pala amoy na amoy ko sa kanya yun kanina. Agad nyang binalik yung tanong sakin. "Ikaw ?, bakit nagbabasurera ka kanina?" "Eh kasi di ako nakagawa ng assignment" May halong hiya sa bawat salitang binitawan ko. Napaka simple ng pag uusap namin pero nakakagaan ng pakiramdam. Hindi ko alam kung bakit pero masarap sa pakiramdam ang may makausap kang ibang tao. At pinag patuloy namin ang pagtingin sa langit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD