Maaga ako nakapasok sa school ngaun.
Isang malaking himala bakit?
Dumating si Lola kapag siya ang nang gising sakin hindi pwedeng di ka mapapabangon sasakit.
May kasamang kasing kurot sa tagiliran at hanggang ngaun ramdam ko pa din.
Nag simula na ang klase namin ang nakakabaliw na Physics.
Fundamental Concepts.
Mechanics.
Kinematics: Objects in Motion.
Fluid Mechanics.
Thermodynamics.
Electricity and Magnetism.
Oscillations and Waves.
Atomic, Nuclear, and Particle Physics.
Sumakit talaga yung bangs ko sa subject na to.
Natapos ang first, second at third subject, nag break kami for 30mins then dumating na ang forth subject namin ang Social Studies.
Pumasok na sa room si Ms. L..
"Ok class bring out your assignments"
Teka assignment ? Lagot na!, wala ako nun. Dahil nakalimutan kung gawin, sa pagod ko sa pamamasyal namin ni Vine kahapon natulog na ako kaagad pag uwi..
Lagot ka nanaman Lalaine sabay hawak ng dalawang kamay sa ulo.
Halos lahat ng kaklase ko ay nagpasa na ng notebook nila at pakiramdam ko ako lang ang walang assignment.
Tinignan ni Ms. L ang lahat ng notebook isa-isa at nakita nya kung sino ang hindi nagpasa..
Sa pagkakakilala namin sa kanya. Alam ko na may parusang nag aantay nanaman sakin.
Medyo may edad sa si Ms L mga nasa late 30's or middle 40's na sya. Istrikto at disiplinarian sya. Dala na siguro ng
Kawalan ng lovelife.
At tsaka sya nag salita.
"Hindi ko na sasabihin ang mga pangalan ng hindi nagpasa, siguro alam nyo na ang parusa nyo at simulan nyo na".
Dalawa sa kaklase ko na wala ring assignment ang tumayo at lumabas na. Alam namin na pag walang assignment ay kailangan naming lumabas ng classroom kumuha ng trash bag at punuin ito ng basura na nakakalat sa school o mga tuyong dahon.
Paglabas ng dalawa, unti onting tumingin sakin si Ms. L at parang sinasabi na bakit nandito pa ko sa loob ng classroom.
Yung mga mata nya na nakasulyap sa ibabaw ng mga salamin na suot nya, na para bang nanlilisik.
Nanlamig ang buong katawan ko at lahat sila at tumingin sa direksyon kung saan sya nakatingin. At yun ay kung saan ako nakaupo.
Bigla naman na patingin sa akin si Vine na may tatlo upaan ang pagitan sakin mula sa ikalimang row 5 kung nasaan ako nakaupo.
At pabulong na sinabi nito sakin.
"Uy bruha ka talaga bakit di mo sinabi sakin?"
At sinagot ko naman sya na.
"Nakalimutan ko na wala pala akong assignment"
"Ilang subject na natin nakalipas at nakapag break ka pa tapos wala ka palang assignment"
"Eh sa nakalimutan ko nga eh"
"Baliw ka talaga"
Di namin namalayan na habang nagbubolungan kami ay papalapit na pala si Ms.L.
Bigla itong nagsalita.
"Hanggang kailan kami nag aantay na matapos kayo sa pinaguusapan nyo?"
At bigla akong nagulat, yumuko at tumayo, dahan dahan na akong lumabas ng classroom.
Nakakahiya napaka laki ng school tapos mukha akong basurerang nag hahanap ng basura sa paligid.
Habang nakayuko't naghahanap ng mga ilalagay ko sa trash bag na bitbit ko ay nakakita ako ng isang bugkos ng mga dahon na winalis sa may likod ng campus,tuwang tuwa ako dahil mapupuno ko na yung lalagyan na dala ko patakbo akong lumapit at akmang dadaputin ko na yung mga dahon ng biglang may humapas sa aking mga kamay na isang walis tingting na may hawakang gawa sa kahoy at medyo mahaba ito mga dalawang yarda at kalahati.
"Aray"
Bahagayang sigaw ko at biglang tayo ko na rin. Nang biglang tumama naman ang ulo ko sa baba ng taong humampas sa kamay ko gamit ang walis.
Sabay kaming napasigaw dahil sa sakit.
"Aray!!!" "Ang sakit"
"Nakakadalawa kana!!"
Sigaw ko sa kanya habang hawak ko ang ang ulo ko na tumama sa baba nya at bigla ko namang nabitawan ang lalagyan ng basura na dala ko.
"Ahh" , "sakit !"
Sabay tingin sa akin habang hawak nya ang baba nya.
"Ano bang problema mo!" sigaw ko sa kanya.
"Ikaw , ano bang gusto mo!"
"Hahhhh!, ugali mo na ba talaga ang manakit?"sagot nya sakin.
"Ako?!! ,ako pa talaga?" matapang na sakot ko sa kanya na kahit alam kong halos hanggang balikan nya lang ako.
"huhhh!, sino bang mahilig bumonggo,at manakit".. Malamig na tono at may halong inis na sagot nya.
Habang nagsasalita sya ay umiikot na ang paningin ko para mag hanap ng bagay na ihahataw ko sa bwisit na kapre na to. Nakakita ako ng isang patpat at agad ko itong kinuha.
Akmang ihahampas ko sana sa kanya ang nakuha kong pat-pat ng mabilis nyang naisalag ang walis ting-ting na kanyang hawak. Tila ba nag estapadahan kami gamit ang mga hawak naming walis at patpat.
Pero sa totoo lang puro ilag ang ginagawa nya ako lang tong hataw ng hataw sa kapreng to. At napagod na ko kakahabol habang hinahataw sya at sya naman napagod na kakatakbo at kakasalag sa mga hataw ko.
Hanggang sa na paupo na lang kami sa damuhan ng magkaharap, malapit sa winalis nyang mga dahon. Kahit hinihingal ay nakuha ko pa ding dumampot ng mga dahon at ibato sa mukha nya na sinalag naman ng kanyang mga kamay pataas sa ere.
At Lumipad sa ere ang mga tuyong dahon na napunta sa buhok nya at gumanti naman ito. Kumuha sya ng mga dahong inihagis papunta sa dereksyon kung nasaan ako.
"Tama na!" Hinihingal na sabi ko sa kanya na nalilisik pa ang mga mata.
Tinitigan nya lang ako habang hinahabol ang kanyang hininga dahil sa pagod.
Hindi naglaon ay nakabawi na kami mula sa pagod ng pagtakbo.
Medyo malakas ang ihip ng hangin papunta sa derekayon kung saan ako naka upo at dahil dun ay na aamoy ko ang kanyang pabango. Ang amoy ng summer scent na humahalo sa amoy ng sigarilyo. Alam kong may hika ako kaya ayaw ko sa amoy ng matatapang na pabango o amoy ng sigarilyo.
Pero kahit ganun parang naiibigan ko ang amoy nya. Amoy ng isang lalaking lalaking pabango.
Yumuko ako at tinignan ang relo sa kaliwang kamay. Halos 45 minutes na ang nakalipas mula ng palabasin ako ni Ms L .
Dalawang subject na lang at maguuwian na.
"Parang ayoko ng pumasok" biglang lumabas sa bibig ko.
Naramdaman kung napatingin sya sa akin at tumawa ng bahagya.
"Bakit ka natawa?" sambit ko sa kanya habang nakayuko pa rin ang aking ulo sa mga tuhod ko.
"Gusto mong mag cutting classes, tara!"
Napaangat ang aking ulo at napatingin sa kanya. Sya naman at akmang tatayo at biglang inabot ang kanyang kamay. Napatitig ako sa mukha niyang napaka seryoso. Nakakasilaw ang liwanag pero tanaw na tanaw ko nang malinaw ang kanyang mukha. Sa di ko malamang kadahilanan ay kinuha ko naman ang kanyang kamay at tumayo.
Nang makatayo ay dahan dahan syang lumapit sa akin, kinabahan ako bumilis ang t***k ng puso ko. Maya maya pa ay malapit na sya sa akin, napapikit ako di ko alam pano bumibilis ang t***k ng puso ko sasaktan ba nya ko o ano ngunit pinakiramdaman ko lang muna ang gagawin nya habang nakapikit. Naramdaman ko ang pagdampi ng kanyang kamay sa aking ulo na parang may kung anong hinawakan mula sa aking ulo. Unti onti minulat ko ang aking mga mata.
Nakita ko ang pagtataka bakas sa kanyang mukha.
Napansin ko rin ang dahon na hawak nya, marahil yun yung tinanggal nya sa buhok ko. Naramdamanan ko ang paginit ng aking mga pisngi. At nang mapatingin ako sa kanya. Lalaine nababaliw kana naman.
Habang nakatingin at medyo nakayoko pa ito mula sa pagtangal ng dahon sa buhok ko. Nakita kong may dahon din sya sa buhok nya bahagya akong tumingkayad at inabot ito, nagulat sya dahil sa halos magkalapit na ang aming mukha. Bahagya ay napahinto at nagkatitigan kami.
Matapos ay tumalikod na ako. Ramdam ko ang mas lalong paginit ng aking pisngi.
Para mabaling sa iba ang aming atensyon agad akong nag isip ng sasabihin.
"Ahmm Ta--ra na!"
Lumakad kami patungo sa hagdan kung saan kami dumaan noong isang araw. Nandoon pa din ang hagdan sa lugar kung saan niya ito nilagay para makaakyat ako.
Habang nakatingin sa hagdan ay bigla siyang nag salita.
"Mauna akong lumabas para saluhin ka sa kabila ng bakod."
Seryosong pananalita nya na may halong pagkasupladong tinig.
Wala akong ibang naisagot sa kanya kundi.
"Ah sige"
Sa totoo lang hindi ko alam kung bakit ko ginagawa ito. Ang alam ko lang ay may halong kaba at pagka excite ang nararamdaman ko. Parang bagong pakiramdam na di ko mapaliwanag.
Nakatawid na si kapre sa kabilang bakod at sinimulan ko naman na umakyat sa hagdan papunta sa kabilang bakod ng nasa ibabaw na ko ng bakod na gawa sa semento ay bigla akong na pahinto. Naalala ko na nakapalda ako, kahit merun akong cycling short sa loob. Naisip ko pa din na napaiksi nito.
Napahawak ako sa aking palda at tinupi ko ang magkabilang dulo ng laylayan nito papunta sa gitna upang hindi ako masilipan. Nag alinlangan man ako sa pag baba ngunit bila syang nag salita.
"Bababa ka ba o hindi?"
Nabigla ako sa pakakasabi nya nito at nadulas ang aking mga paa ng mabilis pababa. Sa di inaasahang pagkakataon ay bumagsak ako ng nakaupo sakto kanyang tyan.
Napasigaw naman sya ng
"Ahhhh!"....... Araaaay!