Natapos na ang klase namin.
Nagmamadali kami ni Vine na magligpit ng gamit para makalabas na.
"Vine tara na dali" sabay hila kay Vine
"Oo na saglit " sagot nya habang hila hila ko ang kanyang kamay.
Habang naglalakad kami sa campus pa labas ng school di mawaglit ang kamay at tingin ni Vine sa cellphone nya at bigla ko itong hinila .
"Ano ba tong tinitignan mo?" sabay bawi naman nya sa cellphone nya at sagot na.
"Teka lang may binabasa lang ako"
At tinignan ko ang cellphone nya ng may pagtataka sa binabasa nito.
Nang makita ko kung anong binabasa nya ay medyo nanlaki ang aking mata.
"Teka profile yan ni Kapre ah" mula sa f*******: account ng varsity sa school.
Oo binabasa nya ang profile ni Kapre.
Biglang nag salita si Vine at binasa ang profile nito sa akin ng malakas.
"Ang pangalan nya pala ay
"Marco Paolo Trinidad"
"Pinanganak ng October 10"
"6'2" ang taas"
"Isang Basket Ball Player ng school"
"Transferee din sya at galing din sa dati mong school"
Nang marinig ko yun bigla akong napahinto sa aking paglalakad. Habang patuloy pa rin si Vine sa pag babasa ng profile ni kapre.
At bigla ding huminto si Vine sa paglalakad at nag salita ito.
"Oh bakit na pahinto ka?"
"Ah wala! Wala lang, may naalala lang ako"
Hindi na ko ulit nakapag salita at nagpatuloy kami sa paglalakad.
Madaming katanungan ang bumabagabag sa aking isipan habang naglalakad. Tulad na lang ng anong alam sakin ni Kapre, alam ba ng mokong na yun kung bakit ako lumipat ng school ?
Alam ba nya ang nangyari sakin?
Parehas kaming 4th year ngaun at malamang ay narinig nya ang balita.
Akala ko ay malalagpasan ko na ang pangyayaring yun.
Akala makakapamuhay na ko ng tahimik.
Akala ko lang pala, dahil ang totoo ay hinahabol pa din ako ng pangyayaring yun.
Dahil sa lalim ng aking iniisip di ko namalayan nasa tapat na pala kami ng mall at hindi ko na naintindihan ang pinagsasabi ni Vine.
"Uy , bru ano na ? "
Oo nga pala "bru" ang tawagan namin ni Vine short for bruha, wala lang trip lang namin tawagin isat isa ng ganun.
At bigla ay nagulat ako sa pagsasalita ni Vine.
"Ha ano?"
At nakatitig na humarap sakin si Vine
"Uy Antsya Lalaine Reyes, Kanina pa ko nag sasalita, Sabi ko Saan tayo unang pupunta?."
"Ah oo , ahmm kumain muna tayo medyo nagugutom na ko"
At sumagot sya.
"Hmmm. . Mabuti pa nga mukhang gutom ka nga at di mo sinasagot mga tanong ko"
Kumain kami ni Vine ng Pizza, at habang kumakain ay nag simula nanaman magtanong si Vine ng kung anu ano..
"Uy Lalaine, sagutin mo na nga tanong ko kanina"
"Ha? ano ba yung tanong mo? " Pagtatakang tanong ko sa kanya.
" Pansin ko kanina ka pa wala sa sarili, may problema ka ba?"
"Ahmm wala naman, puyat lang siguro ako"
May mga bagay na kahit sa nag iisang Kaibigan ko ay hindi ko rin kayang sabihin. Siguro nga mas maganda na hindi na nya alam.
"Ok sabi mo eh, Nga pala bru, Matagal mo na bang kilala si Marco?"
"Hmm hindi!"
May pag tatakang sagot ko sa kanya.
"Hindi ko nga alam na Marco pangalan nya"
Sagot ko sa kanya habang kakakagat ko ang pizza na hawak ko at nginunguya ito.
"Akla ko kasi magkakilala kayo dahil ,Una parehas kayo ng school na pinang galingan pangalawa hinananapan ka pa nya ng hagdan"
Bigla naman akong sumagot sa kanya.
" Naku hindi ah., Nakonsensya lang yun nung iniwanan nya ako."
Sinagot naman nya ako ng
"Bru, parang di naman, nakita ko yung saktong pagbaba nya ng bakod at imbes na pumasok na sya ng classroom pumunta sya sa maintenance room at nag tanong sa janitor ng hagdaan"
Ilang hakbang lang kasi ang maintenance room kung saan kami dumaan ni kapre papasok.
"Hmmmp! Talaga ba ? Wala sa itsura nya ang mabait"
Sagot ko agad kay Vine, una sa lahat yung itsura nya suplado pero masasabi ko ding gwapo, pangalawa mukha syang membro ng gangster sa kanto pero mukha naman may konsensya dahil kahit papaano at kinuhaan pa din nya ko ng hagdan ahh.. Ewan! Di ko na alam iisipin ko.
Matapos namin kumain at nag kwentuhan ni Vine ay pumunta naman kami sa Arcade at naglaro ng basket ball, racing car, dance stop at ang huli syempre namili kami ng kung anu-anong pang kikay namin hanggang sa mapagod kami at nang mag gagabi ay umuwi na kami.
Habang nag lalakad ako pauwi hawak ang mga paper bag ng pinamili namin ni Vine ay may nakita akong isang matangkad na lalaki malapit sa kanto kung saan ako dadaan, nakatayo ito na may hawak na nakasinding sigarilyo.
Isang Pamilyar na mukha walang iba kundi yung kapreng mayabang. Na akala mo isang kapre talaga dahil sa may hawak itong sigarilyo at hinihit hit buga.
"Isa ka talagang kapre" mahinang sabi ko sa aking sarili.
May mga kasama syang apat ding lalaking kausap nito. Ang isa ay medyo may katabaan,yung ikalawa ay di gaanong katangkaran at medyo kulot ang buhok, yung ikatlo naman na nakaharap sa kanya ay medyo maskulado na may dimple sa mukha at yung huli ay mukang manyak na bilugan ang mata.
Mukhang galing sila sa isang laro ng basketball dahil may hawak na bola ng basket ball yung lalaking mataba at halatang nagpapahinga sila dahil bakas pa sa mukha nila ang mga pawis.
Medyo padilim na at dire diretso lang ako sa aking pag lalakad ng bilang nag salita yung bilugan ang mata na mukhang manyak.
"Hi Miss.."
Bati nya habang hawak ang bote ng mineral water na halos na ngangalahati na.
Hindi ko ito pinansin at derederetso pa din ako sa aking paglalakad. Nagsalita naman ang isa sa kanila na may hawak na bola.
"Ang suplada naman nito"
At sabay harap sa kanila ng may panlilisik ang mga mata, medyo nakalagpas na ko sa mula sa kanilang kinatatayuan at sinabing.
"Paki alam nyo mga kapreng bakulaw na walang magawa buhay!!!"
Sabay sabay silang nagtawanan maliban sa kapreng mokong na yun, na di man lang ako tinignan at naka yuko lang.
At biglang nagsalita ito.
"Tara na, hwag kayong nakikipag usap sa duwende baka manuno kayo".
Sabay sabay silang nagtawanan.
Napaka yabang talaga ng kapreng to.
Sabagay ano pa ba aasahan mo.
Sabi nga nila "Birds with the same feather flocks together".
Sa inis ay tumakbo ako pauwi sa bahay.
Pag dating sa bahay ay agad akong umakyat ng hagdan patungo sa aking kwarto. Nilagay ko lahat ng aking dala sa gilid ng kwarto kasama ng bag ko. Humiga ako kama at tumingin sa kesame na kung saan ay pinuno ko ito ng mga glow in the dark na star. May maliliit na star, malalaking star at sa gitna nito ay nakalagay ang pinaka malaking half moon.
Tinititigan ko ang mga ito sa aking madilim na kwarto at ito ang nagsisilbing liwanag dito.
Naalala ko nanaman yung pangyayari bago ako umuwi.
"Nakakainis talaga, sa dami ng makikita ko ngayong gabi yung pang mga kapre at mukhang bakulaw nyang mga kaibigan".
Maya maya pa ay tinawag na ako ni mama para kumain.
Dahil sa dami ng nakain ko kanina ramdam ko pa rin na busog pa ako.
"Ma busog pa ako, matutulog na po ako".
Mula sa taas ay naririnig ko yung mga kapatid ko na nag uusap at nag aasaran habang kumakain.
Hindi mawaglit sa isip ko na maaring alam ni kapre ang nangyari sakin sa dati kong school..
Unti-onti ay napapikit na aking mga mata at nakaramdaman ko ang pagka antok at tuluyan na kong nakatulog.