Chapter 1

1294 Words
Disclaimer: Ang lahat ng tauhan, lugar at pangyayari ay pawang kathang isip lamang. Takbo Lalaine, takbo... Tumatagaktak na ang pawis sa aking noo at tila ba mauubusan na ko ng hininga. Tumatakbo ako ng walang humpay, baba sa hagdaan at tatakbo ng mabilis sa isang corridor ng isang paaralan. Madilim ang paligid na tila ba walang ibang tao at may humahabol sakin. Isang pamilyar na boses ang sumisigaw ng pangalan ko habang tumatawa. "Antasya , asaan ka na akala mo ba matatakasan mo kami Ha! Ha! Ha ! " Mga tinig na umaalingaw ngaw sa paligid, mga tinig na parang papalapit ng papalapit sa akin ... "Hwaaaaaag !!!! Aaaaahhhhhhh!!!! " Isang bangongot. Paulit- ulit na panaginip. Napatingin ako sa relo mula sa aking side table katabi ng aking lamp shade. Alas tres na ng madaling araw. Napanaginipan ko nanaman yun, isang bangungot na pilit kong kinakalimutan. Basang basa ako ng pawis. At parang hinahabol ko ang aking hininga. Parang tutoong tumakbo ako ng napakalayo. Habang hinahabol ko ang aking hininga, nangingilid ang mga luha sa aking mga mata. Nagbabadyang tumulo mula sa aking mga mata. At maya maya pa ay napaluha na ako, hanggang sa umiyak na ko ng pahagulgol habang nakalagay ang dalawang kamay sa aking mukha. Napupuno ng kaba ang dibdib ko. Nahalos nababalot na ko ng takot. Bumabalik nanaman ang nakaraang pilit kong kinakalimutan... Habang umiiyak ako sa aking silid hindi ko alam na sa likod ng pinto ng aking kwarto ay tahimik na nakikinig si mama habang hawak ang kanyang dibdib ng dalawa nitong kamay na tila ramdam nya ang bigat ng nararamdaman ko. Panibagong umaga.. Halos di na ko nakatulog matapos kung magising ng alas tress ng madaling araw. Bumangon ako sa kama naligo, nagbihis at bumababa ng hagdaan. Pagbaba ko ng hagdan deretso sa lamesa. Sa ibabaw ng lamesa ay masobre at isang lunchbox na may sticky note. "Lalaine, anak may importanteng lakad lang ako. Nandyan na ang baon mo at kaunting pera , mamasyal kayo ng mga kaibigan mo .. - Love Mama." Ang mama ko talaga, kahit bungangera yun alam nya kung kailan ako masaya o malungkot. Gusto nyang maglibang ako para kahit papaano nakakagaan ng pakiramdam. Kinuha ko ang luch box ko pati ang sobre na may lamang 1500 at lumabas na ng bahay dahil ako ang naiwan chineck kung mabuti ang lahat ng pinto pati kusina. Sa kakaikot ko sa bahay at kupad kong gumalaw di ko namalayan na malalate na pala ako. Dahan dahan pa ang paglalakad ko na parang wala sa sarili. Nang biglang bumangga ako sa malapad na likod. "Aray!" Dahan dahan kung inangat ang ulo ko at isang pamilyar na mukha ang aking nakita, oo sya nga ang mukong na kapreng nga. Parang naulit na eksena lang. At habang inaangat ko ang ulo ko ay mataimtim naman ang tingin nya sakin. "Hilig mo ba talagang ibanga yang ulo sa likod ko?" Ano bang akala nito sinasadya kong bunguin sya. "Eh bigla ka kasing huminto eh" sige magtarayan tayo. Tignan nya ako ng para bang may pagtatanong sa kanyang mukha. "Bakit malakas ba loob mo na pumasok sa gate habang nandyan si Mr. Perez sa gate" Sabay tingin ako sa gate at sa aking relo, "Ay shocks late na pala ako?" Medyo napataas ang tono ng boses ko. Bigla naman syang nag buntong hininga na medyo nakingiwi ng konti ang kanyang labi. At sinabing "Bakit hindi mo alam na late ka na?" Gamit ang sarkastikong tono ng boses nya at sinundan pa nya ng mga salitang "Patawa ka! , Anong silbi ng relo mo?" Bigla ko syang tinitigan ng masama at inirapan, sa isip ko sinabi ko na napaka yabang naman ng kapreng to. Habang nasa labas ng gate nakatago sa isang sulok at itong si kapre naman ay nasa bandang gilid at nakasandal sa poste, nakikita namin kung pano pagalitan ni Mr. Perez at sermunan ang mga late na studyante.. Naririnig namin ang sinasabi nya sa lakas ng boses nya. "Kailan ba kayo matutoto ,lagi na lang kayong late, ano bang disiplina ang gusto nyo para magtino na kayo?" Blaaala bhalala bhalala.. Haba ng sermon nya. Dahan dahan akong lumapit kay kapre. "Uy kapre anong balak mo?, Pano tayo makakapasok ?" At ang mokong na to tinignan lang ako. Habang kinakausap ko sya napansin ko ang sigarilyo sa kanyang kaliwang kamay at tinignan nya ko na para bang sinasabing wala akong pake- alam sayo. At maya maya ay nagsalita na din sya. "Tayo? Bakit merun bang tayo? " Sabay ngiti ng nakakaloko. "Sira ulo ata tong kausap ko" Bulong ko ng mahina sa aking sarili. At habang nakatayo sa harap ng kapreng to bigla naman nya kong tinalikuran at hindi na nya ko hinayaang makapgsalita pa ako, naglakad siya papunta sa likod ng paaralan. Dahil sa ayaw kung maiwan mag isa sinundan ko ang hinayupak na kapreng to. At maya maya pa ay umakyat ito ng bakod ng paaralan. Habang tinitignan ko sya, bigla ko syang sinigawan ng Medyo mahina. " Uy!! Kapre pano ako aakyat dyan hindi ko abot yan isa pa nakapalda ako." Habang nasa taas na sya ng pader ay bahagya itong lumingon sakin at sinabing... "Hindi ko na problema yun." Gamit ang malamig at walang pakialam na tuno ng kanyang boses. Bwisit na Kapre to sabi ko sa aking sarili ko ,.Nakaka Inis .. At tuluyan na nga nakapasok ang hinayupak na Kapreng walang mudo.. Sa inis ko ay napaupo na lang ako sa pader na bakod ng aming paaralan at iniyuko ang aking ulo sa aking tuhod. Nang biglang nag ring ang cellphone ko.. Si Vine tumatawag. Pag sagot ko ng cellphone ko bigla nyang sinabi "Uy bru nasaan ka ?" At sinagot ko naman sya na may tonong parang malungkot . "Nandito ako sa likod ng school natin, di ako makapasok kasi di ko abot yung bakod" "Nandito din ako sa kabilang bakod, gumawa ka ng paraan makaayat at merung hagdan dito sa may bang puno" Tumayo agad ako sa aking pagkakaupo at parang nabuhayan ako ng dugo na makakapasok ako sa loob. At nag salita muli si Vine. "Bilisan mo habang nasa meeting pa si sir" At dali-dali akong nagpaikot-ikot ng bahagya sa paligid at naghanap ng matutong tungan at nakakita ako ng isang tindero na may upuang kahoy at hiniram ko ito, nagpaliwanag ako na kailangan ko lang makapasok. At sumang ayon naman ito. Habang kausap ko padin si Vine sa kabilang linya. "Nakahanap na ako ng upuan." At binaba ko na ang cellphone at nilagay sa bulsa ng aking bag. Pagkaakyat ng bakod ay meron ngang isang hagdan. Bumaba ako gamit ang hagdan at nakita ko si Vine na malapit sa hagdan na nag aantay sakin. Dali - dali akong bumaba ng hagdan at lumapit sa kanya. "Buti na lang may hagdan" Masayang banggit ko kanya. At Biglang sumagot si Vine. "Actually wala yan kanina, nilagay lang yan nung gwapong matangkad na yon" Sabay tingin ko sa direksyon na tinuturo nya. Ang mukong na kapreng yun, wala daw syang pake pero parang tinulungan pa din nya ko. Medyo may tuwa akong naramdaman pero hinila ko na si Vine papunta sa classroom. At sinabi kong "Mamaya labas tayo after class ililibre kita mag mall tayo." "Talaga marami ka atang pera ngaun?" "Di naman, binigyan lang ako ng extra ni mama, ayaw mo ba?" "Sinabi na ko bang ayaw ko?" Sabay ngiti at nagtawanan kami . Pero habang naglalakad ay di ko naiwasang mapating sa kapreng yun habang papasok sa classroom nya na halos katabi lang ng classroom namin at may isang kwartong pagitan lang. Hindi ko maintindihan ang ugali nya ayaw nya daw akong tulungan pero naglagay sya ng hagdan. Kakaiba ang pakiramdam ko na di mapaliwanag at agad ko itong binalewala.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD