Terror 20

2222 Words

Kakabog nang malakas at makakaramdam ng ibayong takot si Zeke habang papalabas sila ni Xenon ng Council Hall. Oo nga’t tila katulad lang ng pag-alarm ang nangyari ngayon kapag ihahambing sa nasaksihan niya rin mismo nitong maagang umaga lamang. Pero mapapansin niya ang kaibahan ng tunog ng alarm sa kasalukuyan. Mas malakas ito at pakiramdam niya basi sa tunog nito ay mas malaki ang sitwasyon ngayon kumpara kaninang maagang umaga. Kahit ano pa man ang sabihin ni Xenon sa kanya na normal laamng ang ganoon dito sa headquarters, lalo na sa Council Hall at sa quarters ng field agents na Dream Walker na kagaya nina Xenon, hindi pa rin mapakali si Zeke. May nagsasabi sa isang dulo ng kanyang isipan na hindi ito normal. Kayang ikumpara ng kanyang pandinig ang pinagkaiba ng frequencies ng mga tunog

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD