Sisingit si Council Emilio sa pag-uusap nina Zeke at Xenon. “Wala man ako sa posisyon na sumagot sa iyong katanungan, Zeke. Ngunit palagay ko ay makakatulong itong sasabihin ko para mabigyan ng linaw ang iyong isipan.” Lilipat ang pansin ni Zeke mula kay Xenon papunta kay Council Emilio. “Saksi ang Council sa lahat ng tungkol sa iyong mga magulang, Zeke, kay Orphius at Aurelia simula nang dinala sila rito sa Genesis upang sanaying at maging ganap na Dream Walker hanggang sa naging huli nilang misyon. Mahigit dalawang dekada na rin ang nakalipas simula nang magdesisyon sila na bumalik at mamuhay sa mundo ng mga tao. Alam namin na may pagtingin na sila nang nandito sila sa Genesis. At hindi naman nakokompromiso ang mga misyon nila, magkasama man o hindi. Bagkus ay nagagawa nila nang maayos

