Hindi malaman ni Zeke kung ano pa ba ang mga sekreto na hindi niya alam. Mayroon pa ba siyang hindi nalalaman tungkol sa kanilang pamilya? Sa kanyang mga magulang? Gaano pa karami ang sekreto na itinago ng kanyang mga magulang sa kanya? Akala ni Zeke na matatapos na ang lahat ng kaguluhan sa loob ng kanyang isipan nang iminungkahi na sa kanila ni Xenon ang lahat-lahat na tungkol sa propesiya. Ngunit nagkakamali siya nang ungkatin ni Council Emilio ang tungkol sa kanyang mga magulang, kung ano ang mga pangalan ng mga ito. Panaka-naka ang tingin ni Zeke sa mga miyembro ng konseho. Maging kay Xenon ay mapapatingin siya. May alam din ba si Xenon tungkol sa kanyang mga magulang pero hindi lang ito nagsasalita? “A-Ano po ang ibig n’yong sabihin, Council Emilio? Kilala n’yo po ba ang mga magul

