Hindi makakapaniwala ang karamihan sa mga kasama ni Xenon sa tinuran nito. Sino nga ba ang mag-aakala na hindi lang pala bastang ordinaryo at normal na tao si Zeke? Alam lahat ng mga Dream Walker ang tungkol kay Ezekiel. Sino ba naman ang hindi nakakakilala rito lalo na kapag isang Dream Walker ang tatanungin? Si Ezekiel ang tila naging pinakatanyag sa lahat ng Dream Walker sa kasaysayan. Kasama rin ito sa itinuturo habang nasa ilalaim pa ng pagsasanay ang isang tao o nilalang para maging ganap na Dream Walker. Isa ang tungkol kay Ezekiel sa pinakaimportante na tinuturo sa mga ito. “Kung itatanong ninyo kung tama ang inyong mga narinig,” isasambit ni Xenon nang mapapansin nito ang mga mukha ng kasama na tila may gustong itanong. “Tama ang inyong narinig. Hindi kayo nagkakamali. Magiging D

