Aawang ang bibig ni Zeke. Pangungunahan siya ng kanyang malikot na pag-iisip. At kung ano-ano ang papasok sa kanyang utak na maaaring mangyari sa kanya kapag nahuli siya ng mga Night Terror, kahit wala pang nasasabi ang Council na detalye na tungkol sa propesiya. Tatatak nang sobrang dikit sa kanyang utak ang isa sa mga isipin na ito. Maari na kaya hinahabol siya ng mga Night Terror ay upang kunin ang kanyang buhay, kitilin siya bago pa tuluyang mangyari ang nasa propesiya na hindi pa niya kung ano ang mayroon dito. Pero malaki ang paniniwala niya na papatayin siya ng mga ito. Ito ang pinakamalaking dahilan na papasok sa kanyang isipan at sa palagay niya na pinakarason ng lahat ng pag-atake sa kanya. Hindi mapipigilan ni Zeke ang makapag-isip ng kung ano-ano habang naging tahimik ang buon

