Walang tunog na maririnig mula sa pagputok ng baril matapos pihitin ni Xenon ang gatilyo nito. Tanging ang pagtama na ng bala ng naturang baril sa katawan ng chimera ang mapapansin kapag hindi nakatingin kay Xenon. Kasabay ng pagtama at pagpasok ng bala sa katawan ng chimera ay ang pagsabog nito at ang pagkawatak-watak ng katawan ng chimera. Kakalat sa bubong ang dugo nito’t pira-pirasong parte ng katawan nito. Ang ibang parte pa ay mahuhulog sa lapag. Ito ang kukuha ng pansin ng iba pang mga chimera na nasa paligid. Magiging alerto ang mga ito. At sa isang iglap lamang ay mapapansin ng mga ito ang presensya ng tatlong Dream Walkers at ni Zeke. Halos sabay-sabay ang pagkilos ng mga chimera sa pagsugod papunta sa kinaroroonan nina Zeke. Bibilis ang pagtibok ng puso ni Zeke. Tila matutuod d

