Chper 09 Phobia

1541 Words
Phobia ISANG lingo ang lumipas mula nang huli nila mag usap ni Saifan, Nag alala siya sa sinabi nito na ililibing niya ng buhay ang boyfriend niya. Alam niyang hindi yon nag-bibiro kasi Lucifer nga ang ugali eh. Bukas na ang pasok niya sa school. Dito na rin siya nag-aral sa manila, alam na din nang manga niya na lumipat siya dito sa maynila pero gaya pa 'rin nang dati lagi sa labas nakatira. Napatayo siya nang mag ring ang cellphone niya. Ang Papa niya ang tumatawag, Agad naman niya yon sinagot. "Hello, Pa?" Aniya na pilit niyang pinasigla ang boses, ayaw niya mag isip ng masama ang Papa niya. " Leigh! How are you Nak?" Aniya ng Papa niya. " I'm fine pa! Napatawag po kayo!" Wika niya, miss na miss na niya ito. Pero kailangan parin niya suyoin ang antipatikong Lucifer na yon ' aniya ng isip niya. " Where are you now sa dating Condo mo parin ba Nak? I will visit you because I miss you so much, Nak " Ani ng Daddy niya na bigla naman nakaramdam siyang kirot sa puso niya, Kahit siya gustong gusto niya ito makita. " No, Pa. Ako na lang po ang. Pupunta d'yan sa bahay. Kumusta po si Mama Papa. " " Mabuti na siya ngayon kaya lang hinahanap kaniya. Isang beses ka lang daw nag pakita sa kaniya." wika ng Papa niya. Napatakip siya nang bibig. Dahil gusto na niyang bumulanghati ng iyak. Dahil namimiss na nga din niya ang mga magulang. Nang matapos ang kanilang pag uusap ay bumaba na siya. Nauuhaw kasi siya. Dumiretso na siya nang kusina. May nakita siyang babae na maputi ito at maganda rin kahit pinag lipasan na ito nang panahon. Nalingon ang ginang nang maramdaman niya ang prensesya niya. Bahagya itong napatigil sa ginagawa niya. " H-hello po," Aniya sa Ginang. "Hello, sino ka?" " A-ako po si Autumn Leigh Rodriguez" utal at mahina niyang sagot sa ginang "Rodriguez?" nanlaki ang mata nito nang marinig ang pangalan ang pangalan na Rodriguez. Tumango naman siya. " Bakit ka nand'to?" Muling tanong ng ginang. " She's my Wife Nanay Norma" Sabay silang napa lingo sa nag salita. Nakita na naman niya ang seryoso nitong mukha. Napakagwapo nga ito pero mukhang anak ni Satanas. " Ano? Talaga? kailan pa?" aniya ni Nanay Norma na mukhang nagulat pa. " One month na po." pag kasabi ay humalik ito sa pisngin ni Nanay Norma Napatingin naman siya. Dahil bakit ito hinalikan ni Saifan. " This is Nanay Norma my second Mother No.. , my Mother pala ." pag pa paliwanag nito sa kaniya. " Hello po Nanay Norma." Nakita niya ang pag kabalisa sa mukha ni Nanay Norma. " Ikinagagalak kitang makilala. Leigh," Aniya ni Nanay Norma sa kaniya. Kinagabihan nagising siya may naririnig na naman siyang ingay sa baba. Dinikit muna niya ang tenga sa pinto ng kaniyang kwarto. Nang wala na siya marinig na ingay dahan dahan niya binuksan ang pinto medyo madilim ang buong bahay marahil ay tulog na ang mga tao. Pero may ilaw ang library ni Saifan. Ayaw niya sumilip do'n baka may makita na naman siyang pinapatay niyo sa library niya. Pero wala naman ingay habang nag lalakad siya papunta sana nang kusina bigla kasi siya na uhaw. Napatigil siya nang may makitang isang bulto ng lalaki na nakatyo sa kusina medyo madilim din kaso naaninag din naman loob ng kusina. Naka full of black ito na may mask ang mukha. Para itong renger sa outfit niya. Agad niya nakilala ang lalaki dahil sa dalawang beses nilang pag kikita kaya alam niya kung sino ito. " Hoy, ... Mr Zorro anong ginagawa mo dito? Gusto mo ba patayin si Mr Brantley? Umalis kana baka ikaw pa ang mamatay, dahil demoniyong yon na kakatakot," pabulong niyang sabi kay Mr Zorro "Ha? " Tanging sagot nito sa kaniya. Na bigla ito sa sinabi niya. Pero sa huli napangisi naman ito dahil hindi siya nito na mukahan. " Ah,.. I mean oo kasi badboy siya diba? Pero hindi kaba natatakot sa kaniya?" Ani nito sa kanya. " Natatakot, kaya lang asawa ko siya. Isa pa gusto ko muna makasiguradong hindi niya sasaktan sila Papa't Mama" Aniya niya. Totoo yon gusto niya talaga makasiguradong na hindi ito papatayin ni Lucifer ang mga magulang niya. " Mukhang mabait naman yon ah. Subukan mo lang." Aniya ni Mr. Zorro sa kaniya. Inirapan niya itong tinignan. Nakatingin ito sa kaniya. Pero nang mag tama ang kanilang mga mata ay agad din nito binawi. " Mabait? Araw araw yata may pinapatay yon. Walang awa sa mga tao. Basta umalis kana dito Mr. Zorro baka kung maabotan ka pa dito siguradong hindi kana sisikatan ng araw.. " sagot niya . Bago ni lagok ang botle nang sparkle water. Hihilain na sana niya ang kamay ni Mr Zorro nang may narinig silang kalos kus. Naalarma siya kaya naman agad niya ito hinila sa kamay upang mag kuble sa may likod ng pinto ng kitchen. " Ssh.. Wag kang maingay baka si Lucifer na yan patay tayong dalawa sa asawa ko." bulong niyang sabi at ang isang kamay ay sa bibig ni Mr. Zorro. " Ang tagal naman si Boss sabi niya iinom lang ng tubig hanggang ngayon Wala pa." Narinig nilang boses yon ni Bunny papalapit sa kusina. " Nasa labas na sila Drake at Tyrone baka mahuli tayo ng dating niyan.. " dining pa nila na sabi ni Antoy, pag ka alis ng dalawa saka pa siya nakahingan ng maluwag. " Umalis kana baka mahuli Ka pa nila. Dito ka dumaan sa likod.." tinuro pa niya ang maliit na pintoan. " Wag kana babalik dito ha, mamatay ako sa nervous ng dahil sayo eh kahit kailan mahilig ka talaga sa gulo.." Dagdag pa niya mag sasalita pa sana si Mr. Zorro nang Itulak na niya ito palabas at agad na isinara ang pinto. Pa takbo siyang bumalik sa kwarto niya Ilan saglit pa nakarinig siya ng putok. Napa hawak siya ng dibdib Iniisip niya baka si Mr. Zorro yong pinag babaril. Lalabas na sana siya ng makita si Antoy sa gilid ng pintoan niya . " Saan ka pupunta Ms. Leigh? Bumalik na po kayo sa loob ng kwarto niyo, nag wawala si Boss. Baka kayo pa ang mapag balingan ng galit." Aniya ni Antoy sa kaniya. Labag man sa loob niya dahil baka si Mr. Zorro yong binaril nila pero nanaig sa kaniya ang takot. After three hours gising parin siya ng marinig niya na may nag kaka gulo sa labas ng kwarto niya. Sumilip siya sa pinto nakita niyang bukas lahat ng ilaw sa kabahayan. Lahat sila naka tayo sa labas ng pinto ng kwarto ni Saifan nag tataka man siya kung anong nang yayari kung bakit sila nag kaka gulo nakita rin niya ang dalawa lalaki na nakasout na kagaya ng sout ni Mr. Zorro kanina. Pero Wala silang sout na mask. " Take off the bullet is poisoned," narinig niyang sigaw ng isang lalaking may edad. Nang mapansin siya ni Bunny ay hinila siya nito sa braso pero hindi naman yon malakas. " Anong ginagawa mo dito bakit gising kapa. Bumalik kana sa kwarto mo.." mainahon sabi ni Bunny sa kaniya. " A-anong nangyayari sa kaniya.?" may pag alala sa boses niya kahit papaano asawa parin naman niya ito. " Na ambush kami ng pauwi na kami kanina. Natraidor kami ng kaibigan niya" malungkot na sabi ni Bunny. Inuuperahan na ito ng lalaking may edad nabangit din sa kaniya ni Bunny na private doctor nito ang lalaki. Nang matapos na ay nag pa iwan siya sa loob ng kwarto ni Saifan. Pero pinag balaan siya ni Antoy na wag siya lalapit kay Saifan dahil hindi ito sanay na may katabi baka raw mapahamak siya. Naalimpongat siya ng tulog ng marinig niyang nag sasalita si Saifan. "Wag po Mommy... Please Mommy I didn't do that.." Sambit ni Saifan habang nakapikit ito pawis na pawis ang buong katawan... "Mommy.... No!!.... I'm sorry Mommyyy!!" Dagdag pa na sabi nito habang nanginginig ang buo niyang katawan. Nataran naman si Leigh sa nakikitang nangyayari sa binata Iniisip nitong binabango-ngot ito. Lumapit siya dito at hinawakan ang balikat upang gisingin sana kaso iba ang nangyari nang biglang dumilat nang mata ang binata at hinila siya nito at kinubabawan siya nito na kitang kita niya ang mukha ng binata na nanlilinsik ang mga Mata. " I told you I didn't do it....." Aniya ng binata she was having struggled with breathing. " Aaahhh....." Ana's ng dalaga Ilan sandali pa bumukas ang Pinto ng binata at nag madaling lumapit si Antoy na may dalang pang eject sa binata. Itinurok nito sa leeg ng binata at dahan dahan itong nawalan ng malay. Napaupo naman siya sahig at pilit na hinahabol ang hininga. " I'm sorry Leigh, Sabi ko sayo na wag kang lumapit sa kaniya." Napatingin siya kay Antoy sa isip niya ' so ako pa ang may kasalanan?' " Pero binapango-ngot siya." Paos niyang sabi habang taas baba ang hininga niya. "" Alam ko dahil madalas na yan nangyayari sa kaniya.. " sagot ni Antoy sa kaniya. Napatingin siya sa mukha ni Saifan, na kahit natutulog ito ay halatang nahihirapan parin ito. Mysteryosong lalaki....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD