Kabanata 61 Isinubsob ang mukha sa unan nang makarating sa condo ni Alexia. Naabutan kong walang tao at tahimik ang loob, mukhang nasa labas pa siya at kasama si Vren. I burst out and cried silently even though no one can hear me... Hindi ko alam kung ano ang uunahin pagtapos ng nangyari. Hindi ako sigurado kung maghahabol ba ang ama ko. Baka nga wala siyang pakialam sa nangyari at magpapatuloy na parang wala lang... gaya ng ginawa niya dati kay Mama. I’m not sure if he’s trying to figure out how to tell or explain this to Zairo’s mother. Hindi pwedeng hindi niya malaman iyon dahil nasabi ko na rin kay Zairo. I know he wanted to tell those to his Mom. Hindi na ako nagpahatid sa kaniya rito. Kinuha ko lang ang gamit ko sa sasakyan niya at agad na nagpaalam dahil baka hindi ko kayani

