✿✿♡ KIM ♡✿✿ KAUUWI lamang namin ng mga bata sa bahay galing sa school. Pinakain ko agad sila ng tanghalian, sinabayan ko na rin. Nang matapos kami, dahil wala naman silang homework, pinapunta ko na lang sila sa living room para simulan silang i-tutor. Matapos ang dalawang oras naming pag-aaral, saka ko pa lamang binigay kay Jayden ang cell phone niya na para sa kanila ni Jade. May bukod na phone kasi silang ginagamit pero salitan sila. Hindi pa sila hinahayaan ni Julian na magkaroon ng tig-isa dahil bata pa. Ayaw raw ni Julian na ma-expose sa social media ang kambal. Nito ko lamang din nalaman na kaya pala may phone sila ay dahil part 'yon ng divorce agreement nila ni Kylie para makausap daw nito ang mga bata anytime. Pero simula nang dumating ako rito, ngayon ko lamang nakitang nag-us

