✿✿♡ KIM ♡✿✿ PAG-AKYAT namin sa taas, binitawan ni Julian ang kamay ko. “Mauna ka sa kwarto ko. Kukumustahin ko lang saglit mga bata.” Noong nakita kong pumasok na siya sa kwartong kinaroroonan ng kambal, imbes na sundin siya, nanatili lamang ako sa kinatatayuan ko. Hindi ko na talaga kayang ituloy namin ‘to. Sa tuwing magiging malapit kami sa isa’t-isa at sa tuwing dadapo sa balat ko o saan mang parte ng katawan ko ang kamay niya, sobra akong nakukunsensya kahit pa sabihing wala naman siyang ginagawang masama dahil unang-una ay divorce naman na siya. Wala kaming batas na nilalabag. Pero lahat ng ginagawa namin ay nagmumukhang labag kapag naiisip ko na ang mga anak niya. Idagdag pa na uuwi rito sa bansa ang mommy nila at siguradong dito 'yon tutuloy sa bahay nila para makasama ang k

