📒Chapter #11-Xyra vs. Yuhan

1196 Words
â™Ī3rd Person's POVXyra's POV< Teka mukang maganda yung idea ni Stiven ah. "Sige ba, tatawagan ko sila pero iuwi ko muna tong pinamili ko." nakangiti kong sabi. "Ok Kita nalang tayo doon mamaya" sabi ni Divon. "Ok" sabi ko at umalis na sila. Wow, masaya yun at may chance na si Cloe na makasama nia si Stiven. Kahit nag-away kami ng Unggoy na yun kanina pero sumaya narin ako ngayon. Atsaka hindi sia kasama sa pamamasyal namin kaya masaya to. Umuwi na ako sa bahay para iuwi yung mga pinamili ko, wala ng tao dito nasa Canteen sila siguro. Nagbihis muna ako, saka bumaba na at pumara ng taxi papunta sa Condo nila Cloe. Nasa tapat na ako ng Condo nila, at dahil Condo ko rin ito, alam ko ang Password. Pagpasok ko walang tao sa sala kaya umakyat ako, dumeretso na ako sa room namin nakabukas yung pinto eh. "Hellow mga Bessy!" Bulyaw ko. "Uyy bessy!" sinalubong ako ni Tina ng Yakap sumunod naman yung dalawa. "Buti naman dumalaw ka dito bessy"- tina. "Actually nandito ako dahil may nagyaya saatin mamasyal!" sabi ko at kumunot ang mga kilay nila. "Ha, sinu naman yun?" tanung ni Cleire. Tumingin ako kay Cloe. "Eh si Stiven at Divon"- ako. "What?!" sabay na react ni Tina at Cloe. Tinanguan ko sila. "Bessy, tayo na dina ako makapaghintay na makasama si Stiven!" kinikilig na sabi ni Cloe. "Cleire si Divon nandun sia" nang-aasar na sabi ni Tina kay Cleire. "Ikaw Tina, tigilan mo ako jan kay Divon ha, baka ikaw ang may crush sakanya!" nakasimangot na sabi ni Cleire. "Wehh, bat mo pa dinidinay, bagay naman kayo eh." sabi ni Tina. "Ewan ko sayo, tandaan mo tong sasabihin ko, ikaw rin ang magkakagusto sakanya"- Cleire. "Tama na nga yan, tayo na!" Napatingin kaming tatlo kay Cloe tapos na kasi magbihis. "Anu yan! Excited?" sabay pa naming sabi, nagpout lang si Cloe. Biglang nagvibrate ang phone ko. 1 message received ✉ From: Unknown Number Xyra, si Divon ito nandito na kami sa Perya, saan na kayo? Biglang tumili si Tina sa likod ko "Cleire, hinahanap kana ni Divon!" kilig niang sabi. "Tanga! Tayo hinahanap nia" sabat ni Cleire sakanya. To: Divon Ok, papunta na kami jan. Sent✔ Nisave kona kasi agad # nia, pero teka saan kaya nia nakuha?. "Guys, hindi natuloy yung pagbanding natin noon, pero ito na yun at mas masaya kasi kasama sila Stiven" sabi ni Cloe. Oo nga kasi naospital ako noon kaya dina natuloy. Pagdating namin dito sa Perya sinalubong na kami nila Divon. Kilig na kilig si Tina kay Cleire na nakasimangot at si Cloe naman di malaman ang gagawin dahil nasa tabi nia si Stiven. Natutuwa ako sa mga bessy ko pero bigla akong nainis dahil may kasamang unggoy sila Divon. Oo, nandito nga si Yuhan.. Tangina panira sia ng araw, kala ko ba di sia kasama. "Hoy anung ginagawa mo dito?!" sigaw ko sakanya. "At bakit, sayo ba tong Perya!?" tinaasan pa nia ako ng kilay. "Akala ko ba hindi ka sasama, pero bat nandito ka?"-ako. "Pupunta ako kung saan ko gusto kaya wala kang paki, isa pa kaibigan ko ang sinamahan ko hindi ikaw!"- sya. "Dapat sa bahay kana lang natulog!" Pang-aasar ko. "Tumigil ka ha!" Susugurin na sana nia ako pero naawat ni Divon. "Xyra, akala ko ba mamamasyal tayo, eh bakit nag-aaway kayo?" napalingon ako kay Tina sa sinabi nia. Teka, bat nga pala ako nakikipag-away? Atsaka hindi pala alam ng mga bessy ko na nagkakainitan kami ng unggoy na to. "Oo nga naman *tingin kay Yuhan* isa ka pa, akala ko ba nag-usap na tayo" sabi ni Divon. Natapos na ang war namin dito dahil hinatak na ako ni Tina palayo kay unggoy at ganun din si Divon sakanya. Nag-eenjoy na ang mga bessy ko lalo na si Cloe, may game kasi dito na barilan, yung pag natamaan mo yung isang bagay na target tapos makakakuha ng stuff toy. At ayun natamaan ni Stiven yun kaya nakakuha ng stuff toy na Pokemon at binigay nia kay Cloe kaya kilig na kilig yung bessy ko. Sa kabilang dako naman sila Cleire,Tina at Divon, pinagtutulakan ni Tina si Cleire kay Divon pero wala naman nararamdaman si Cleire dito at mukang ganun din si Divon. At ako, nandito lang nakaupo sa tabi ng Horror Hause na pinapanood ang mga bessy ko at sinong kasama ko? Itong unggoy na kumakain ng saging este ice cream. Hindi na kami nag-away maski imik wala, pinagsabihan kasi ako ni Tina at mukang ganun din si Divon sakanya. Tumayo ako, gusto kong makijoin sa kasiyahan ng mga Bessy ko, iniwan ko yung unggoy doon. Pero biglang nawala sa paningin ko yung mga bessy ko. At eto para akong nawawala, palinga linga pa ako. "Miss Mag-isa ka lang?" Napalingon ako sa lalaking nagsalita. "Hindi, may mga kasama ako" sagot ko. "Pero wala naman sila dito, kaya tara sumama kana sakin" sabi nia at hinawakan ang braso ko pero iwinaksi ko yung kamay nia at sinampal sia, bastos kasi eh. Pero natakot ako kasi sasampalin din nia ako, Adik to ah. Ngunit bago pa man nia ako masampal ay may biglang sumalo sa kamay nia. "Subukan mong ituloy yang kadiri mong kamay!" sabi nung sumalo sa kamay nia. . . . . To be Continue.... . . . .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD