♤Yuhan's POV
?
"Yuhan!!! Gising na magtatanghali na oh!!" sigaw ni Ate, pano sia nakapasok dito sa kwarto ko? Kainis naman.
"Anu ba Noona! Gusto ko pang matulog eh! Please leave me alone!" sabi ko habang nakakumot parin.
Narinig kong sumara ang pinta, lumabas na siguro sia, makatulog na nga ulit.
Nagising ako sa ingay ng Cellphone ko. Bumangon ako may tumatawag kasi sakin.
Dude Divon calling..?
Sinagot ko yun.
[Hey Dude!] bulyaw nia kaya nailayo ko bigla ang phone ko sa tainga ko.
"Kailangan bang sumigaw?!"- ako
[Dude labas tayo ngayon?]- Divon.
"Sige ba, saan tayo?"- ako.
[Sa Mall, mauna kana dun hinihintay ko pa si Stiven, nagpagupit pa eh]
"Kayo ang nagyaya tapos pauunahin nio ako? Tsk"
[Edi punta kana lang dito!]
"Sige na, kita nalang tayo sa Mall"
Iniend ko na ang call at tumayo na, tinignan ko ang oras, 9:25am na pala,,, namiss ko kasi matulog dito sa kwarto ko.
Pagkatapos ko maligo, bumaba na ako pero hindi ko makita si Ate.
"Yaya, si Noona po?" tanong ko kay Yaya.
"Nasa Mall, magsashopping daw" sagot nito.
Sumakay na ako sa Kotse ko at pumunta ng Mall.
Pagdating ko dito.
Trrrrrrrrr!!!!
Napahawak ako sa sikmura ko, nagugutom na ako, hindi pa kasi ako nag-almusal eh.
Habang papunta ako sa mga foods bigla akong napahinto sa mga shoes parang nakikita ko kasi si Miss Ipis.
By the way mula nung malaman kong takot si Xyra sa mga ipis, Miss Ipis na tawag ko sakanya pero diko ko pa nagagamit ng naririnig nia.
Lumapit ako sa mga Sheos.
"Xyra?!" tawag ko, at napaangat yung tingin nia,, ayun nakasimangot nung makita ako.
"Anung ginagawa mo dito?" tanung nia. Kung makatanong kala mo sakanya tong Mall.
"Bakit sayo ba tong Mall?" tanung ko pabalik.
"Nagtatanung lang, masama ba?" nakangisi pa niang tanung.
Kinumusta ko narin pala yung Hika nia, mejo natatawa ako dahil sa mga ipis na naging dahilan ng pagkakulaps nia.
Pero nagtaka ako sa sinabi nia, Really di nia sinabi sa mga friend nia na kinulong ko sia sa stockroom?
May gusto na kaya sia sakin kaya nia nilihim yun? Pero imposible.
"Xyra saan dito ang maganda?" sabay kaming napatingin kay...si Ate?
"Noona/Yuhan?" sabay naming sabi ni Ate.
Teka bat magkasama ang dalawang to?.
Si Ate talaga ang dali niang magtiwala sa iba. Pinahiya pa nia ako dito kay cockroach, sinabi pa niang tamad ako ayan tuloy inaasar ako ng ipis na to.
Sinundan ko nalang sila sa loob ng grocery baka nakawan pa sia ng ipis na yun.
"Yuhan, Ito Oh!" sabi ni ipis habang inaabot sakin ang isang bagay.
"Anu yan?!" nakasimangot kong tanung.
"Sleeping pils, diba gusto mong matulog?" sabi nia na kinindatan ako.
Aba! Inaasar ba nia ako? Humanda sakin ang ipis na to eh.
Nilagpasan ko sia, lumapit ako kay Ate.
"Noona, ako nalang magsama sayo, pauwiin mo na ang babaeng yan!" sabi ko habang tinuturo ko si Ipis.
"Bakit naman, pwedi naman kayong dalawa na.... Xyra halika tignan mo to!" tawag pa nia kay Ipis.
"Pano ba yan, mukang like ako ng Ate mo, ble!" bulong ni Ipis nung mapadaan sia sakin at binilatan pa ako habang nakalabas dila nia.
Nakakaasar na talaga sia,,,Biglang nagvibrate Phone ko.
1 message received ✉
Dude Divon:
Dude, Asan ka, dito kami sa Bar.
To: Dude Divon
Sa grocery ako, kasama ko ate ko. Punta nalang kayo dito.
Sent✔
Binulsa kona yung phone ko pero pagtingin ko wala na yung dalawa.
Tangina baka kinidnap na ng ipis na yun ang ate ko.
Hinanap ko sila, at ayun nasa counter na pala sila lumapit nalang ako, naguguto na ako.
"Noona hindi pa ako nag-almusal, pwedi kumain muna tayo?" bulong ko kay Ate, di pwedi marinig ni Ipis eh baka asarin pa ako.
"Ha? Yan kasi nagpuyat ka nalipasan ka tuloy ng gutom!"
Wala rin palang silbi ng pagbulong ko dahil hindi lang yung ipis ang nakarinig kundi pati yung mga tao dito na magbabayad.
Nakakahiya naman, si Ate talaga, napasulyap ako kay ipis pero naasar na naman ako sa tingin nia, nakatakip kasi ang bibig nia gamit ang kamay nia at mukang pinagtatawanan nia ako.
Tatapakan kona ang ipis na to eh.
Lumabas na kami dito sa grocery nung makabayad kami.
"Nako Yuhan, di kita masasamahan kumain may pupuntahan pa ako eh"- Ate.
"Ha?! Saan naman? Sabado kaya ngayon!"- Ako.
"Dibale *tingin kay ipis* Xyra, pwedi bang samahan mo siang kumain?"
"No! Wag nalang!" sabi ko pero-
"Ayus lang po Ate Yanna, ako na ang bahala sa kapatid mo" sabi ni ipis.
Aba! May pa Ate Ate pa sia, at teka sia daw bahala sakin?
"Ok salamat Xyra, alis na ako baka malate pa ako eh" sabi nia at umalis na.
"Hey Noona wait!" sigaw ko pero wala na.
Bumaling ako kay ipis na nakacross arm.
"Hoy, anung pinagsasabi mo sa Ate ko ha, at bakit mo sia tinawag na ate? Feelingera ka talaga!"- sabi ko.
"Gutom kana diba? Halikana"- sya.
"Tsk, asa ka pang magpasama ako sayo!" sabi ko at umalis na pero sumunod parin sia.
"Hoy wag ka ngang sumunod sakin?!"
"Ibinilin ka ng Ate mo sakin kaya sa ayaw at sa gusto mo, sasamahan kita.. Tara na!"
Matapos niang sabihin to hinila na nia ako papunta ng mga foods.
Hindi ko maintindihan ang sarili ko, kanina naiinis ako sa ipis nato pero bat ako sumama sakanya at ngayon magkasabay na kaming kumakain.
Pinagmasdan ko sia habang kumakain ng chocolate cake,, ngayon ko lang napansin na Cute din pala ang Ipis nato.
"Oh bakit? Ayaw mo nian, akin nalang" sabi nia nung makita niang nakatingin ako sakanya.
"Che! Ang takaw mo!" Sabi ko saka kinain kona yung chocolate cake, fav. ko to eh.
"Hey Dude, bat dimo sinabing may kadate ka pala!" muntik ko ng maibuga yung kinakain ko sa sinabi ni Divon. Bigla kasi silang dumating and What? Kadate? Eww.
"Hey, nahalughog na namin ang buong grocery pero wala ka, nandito ka lang pala" sabi naman ni Stiven.
Nakalimutan ko tuloy sila dahil sa Ipis na to eh.
"Sorry mga Dude, Kain tayo" yaya ko sakanila.
"No thanks, wait kala ko ba Ate mo ang kasama mo, asan sia?"
"Biglang umalis eh" sagot ko.
"Hi Xyra, ikaw pala yan, kailan pa kayo nagsimila?"- Divon.
"Nagsimulang Ano?"- Ipis.
"Magdate ni Yuhan"- Divon.
Napatingin ako bigla sakanya.
"Hoy tumigil ka nga jan Divon! Anung Date na sinasabi mo?, *tingin kay Ipis* eh sumama lang naman sakin ang babaeng to eh!"
"Hoy! Assuming kang unggoy ka! Asa ka pang sasamahan kita pero binilin ka lang sakin ng Ate mo!"- Ipis.
"Hindi na ako bata para ipagbilin pa!"- ako.
"Hindi ka bata pero isip bata ka naman!"- Ipis.
Hindi kona napigilan ang sarili ko kaya napatayo ako at papaluin kona sana sia ng kotsarang hawak ko pero naawat ako ni Divon.
Nakita ko naman na inawat din ni Stiven si Ipis dahil papaluin din pala ako ng fork.
"Anu ba kayo, nagtatalo pa kayo eh pareho naman kayong mga isip bata!" Sabi ni Stiven.
Tinignan ako ni ipis ng masama, well magpapatalo ba ako, pasalamat sia sa mga kaibigan ko, kanina pa ako naasar sakanya eh.
.
.
.
....To be Continue....