♤Xyra's POV<
?
"Anak, ikaw muna ang maggrocery ngayon ha kasi pupunta ako ng Canteen" sabi ni Mama habang pababa ako ng hagdanan.
"Sige po, ako na ang bahala Ma" sabi ko.
Kinuha kona yung perang panggrocery. Sabado pala ngayon, walang pasok kaya makakapagpahinga naman.
Aalis na sana ako pero tinawag ako ni Mama.
"Eto oh, baka sumpongin kana naman dun" sabi nia habang inaabot sakin ang Inheler ko.
"Salamat po, sige bye po" sabi ko at umalis na.
Simula kasi nung maospital ako dahil sa pagsumpong nitong hika ko, naging maingat na lagi si Mama.
Yung about pala kay Yuhan, yung sa pagkulong nia sakin sa stockroom, walang nakakaalam nun maski mga kaibigan ko.
Hindi sa pinagtatanggol ko ang gago na yun pero ayoko ng lumala pa ang sitwasyon. Si Tina kasi.
*Flashback*
Pagmulat ng mata ko, una kong nakita mukha ni Tina saka sila Cloe at Cleire.
"Kumusta na pakiramdam mo bessy?"- si Tina.
"Ayus ka lang ba bessy?"- si Cloe.
"Nagugutom ka ba bessy?"- si Cleire.
Ang sarap sa feelings na may friends kang ganito mag-alala sayo.
"Ayus lang ako mga bessy, pero teka bat ako nandito?"- ako.
"Dinala ka ni Yuhan dito, bigla ka daw kasi nahimatay" sabi ni Cleire.
Naalala ko yung sa stockroom. Sinungaling talaga ang gago na yun.
"Alam mo bessy, *tingin sa taas* wala talaga akong tiwala jan sa Yuhan na yan eh, nakita ko kung paano sia naguilty kanina eh *tingin saaken* tell me bessy ano bang ginawa nia sayo?"- si Tina yan at mukang curious na curious.
"Ahh..eh..hmm" isusumbong ko ba sia para makaganti ako?
"Alam kong gwapo sia pero wala siang karapatan na gawan ka ng masama dahil ako ang makakalaban nia kahit na anak pa sia ng owner ng school!" Hala mukang galit na si Tina.
Kaya naisip kong ilihim nalang, baka magkagulo pa dahil sakin, ayoko ng ganun. Atsaka kaya ko naman gantihan ang mokong na yun kahit walang tulong ng iba.
"Easy lang Tina, wala siang ginawa sakin, hindi ko lang kasi nadala yung Inheler ko kaya ayun" palusot ko pero mukang hindi umubra.
"Sure ka?"- sya, kaya tumango nalang ako.
"Hey Tina masyado kana man jan highblood!" singit ni Cloe.
"Tumahimik ka nga jan Cloe, bessy natin ang naagrabyado tapos ipagtatanggol mo pa yung lalaki nayun? Tsk, palibhasa crush mo yung friend nia kaya gusto mo makakuha ng point" nakasmirk na sabi ni Tina kay Cloe.
Sumimangot nalang si Cloe at nagpout. Natawa nalang kami ni Cleire. Si Tina kasi ang pinakamalapit saaken.
*End of Flashback*
Ng matapos ako maggrocery ay naisip kong pumunta sa mga foods baka may chocolate cake.
Nandito kasi ako sa Mall.
Sayang lang nung nakaraan kala ko matitikman kona yun pero umepal kasi yung gago na yun.
Habang papunta ako doon ay diko napansin ang isang babaeng nakatayo malapit sa mga foods kaya nabangga ko, nahulog yung hawak niang maliit na bag.
"Ayy sorry po" sabi ko at pinulot yung bag nia.
"Ayus lang" sabi nia nung makuha nia ang bag nia, pero nagtaka ako kasi tinitigan nia ako.
Ang ganda ng babaeng ito, kamukha nia si Sojin yung bigsis ni Minhyun ng Nu'est.
"Ahh bakit po?" tanung ko saka napabilis ang pagwink nia.
"Ahh, sorry pero pwedi bang humingi ng pabor?"- sya.
"Ah anu po yun? Pweding pwedi po!" Nakangiti kong sabi.
"Talaga? Ah hindi ko kasi kabisado ang Mall na to, gusto ko lang sana magpasama magshopping, Ok lang ba?" mejo nahihiya niang sabi.
"Oo naman!"- ako. Yun lang pala, pero teka mukang hindi taga Pilipinas to eh.
"Salamat, halika!" Hinatak nia ako papasok sa mga foods at umupo kami sa pinaka dulo nito. Parang restaurant kasi ito eh.
"Hindi po kayo taga dito?" tanung ko nung makaupo kami.
"Taga dito rin pero sa Korea ako namalagi kahapon lang ang uwi ko dito" sagot nia. It means marunong sia magkorean, wow I like her.
"Wow naman, alam nio po pangarap kong makapunta ng Korea eh" sabi ko. Nandun kasi ang mga idols kong kpop.
"Talaga? ganun din ang lilbrother ko eh, ay wait I'm Min Yanna Monticlano pala, you are?" Inabot nia ang kamay nia sakin at tinanggap ko naman.
"Xyra, Xyralyn Alcantara" pagpapakilala ko.
"Wow, I like your name Xyra, Ok just call me Ate Yanna" nakangiti niang sabi.
"Salamat po Ate Yanna" sabi ko.
Kumain pa kami ng chocolate cake, and sempre sia ang nagbayad, hihihi swerte ko naman.
Ayun sinamahan kona sia magshopping, kahit ngayon ko lang sia nakilala ang gaan na ng loob ko sakanya, ang bait nia kasi, feeling ko nagkaroon ako bigla ng Ate eh.
Nandito kami ngayon sa mga Shoes, hinihintay ko lang sia habang namimili ng shoe.
Naglakad muna ako papunta sa mga dallshoes, like ko ito eh, pero hindi ako bibili nito wala pa akong pera noh.
"Xyra?!"
Napatingin ako sa tumawag sakin at nakita ko si Yuhan.
"Anung ginagawa mo dito?" Tanung ko.
"Bakit sayo ba tong Mall?"- sya.
Kung makapagsalita sia ngayon kala mo wala siang kasalanan sakin.
"Nagtatanung lang, masama ba?" nakasmirk kong sabi.
"Ahh kumusta pala hika mo?" tanung nia na mejo natatawa.
"Ewan ko sayong sinungaling ka! Pasalamat ka wala kong pinagsabihan na muntik mo na akong patayin!" sabi ko.
"Ha?" he ask in disbelief.
"Xyra saan dito ang maganda?" sabay kaming napatingin kay Ate Yanna.
"Noona/Yuhan??" sabay nilang sabi.
Teka, anu daw Noona? Magkapatid sila? Ay oo nga pala, Min Yanna Monticlano kasi eh.
"Oh My Lilbro nandito ka pala!"- Ate Yanna.
"Noona, bat kasama mo ang babaeng to?" Tanung ni Yuhan habang nakaturo ang daliri sakin.
"Ahh sinamahan nia ako magshopping, teka magkakilala ba kayo?"- Ate Yanna.
"Hindi!" sabay naming sabi.
"Wehh, bat nio pa dinidinay, halata naman" nang-aasar nitong sabi. Buloro din pala to.
"Xyra kapatid ko pala si Yuhan, sakaling totoong hindi mo sia kilala" sabi pa nito, tumango lang ako.
"Noona, sana sinabi mong magsashopping ka para nasamahan kita hindi yung ibang tao pa sumama sayo baka manakawan ka pa" sabi nia habang nakatingin sakin.
Gago sia ah, sinasabi ba niang magnanakaw ako? Pasalamat sia nasa Mall kami at kasama Ate nia kundi kanina ko pa to sinakal.
"Che! Ang tamad mo eh, tagal mong gumising" sabi nito na nagpout.
Napachuckle ako, kaya nakita kong naasar si mokong.
"Hali na nga kayo, sa grocery tayo" yaya ni Ate Yanna.
Sumunod na kami ni Yuhan pero nagtapunan muna kami ng matalim na tingin.
Ng papasok na kami ng grocery bigla akong hinila ni Yuhan kaya si Ate Yanna lang ang nakapasok.
"Anung binabalak mo sa Ate ko? Bat mo sia sinamahan?" tanung nia, iwinaksi ko ang kamay niang nakahawak sa braso ko.
"Teka nga! Wala akong binabalak sa Ate mo at isa pa sia ang humingi ng pabor na samahan ko sia!" sabi ko.
"Ok fine, umuwi kana ako na sasama sakanya"-sya.
"Ayoko nga! Baka magalit yun! Kung gusto mo ikaw na ang umuwi at matulog, tamad ka kasi sabi nia eh" binilatan ko pa sia at sinundan na si Ate Yanna.
Lumingon pa ako sakanya at nakita kong nakasimangot sia. Wahaha buti nga sakanya! Pero sumunod din sia.
.
.
.
.....To be Continue....