♤Yuhan's P.O.V
?
"Xyraaaaaaaa!!!!!!" sigaw ko, pagbukas ko kasi ng pinto ay nakita kona siang nakahandusay sa sahig at walang malay.
Pinilit ko siang gisingin pero wala parin at ang hina ng t***k ng puso nia, s**t! Naguilty tuloy ako kaya binuhat ko sya at lumabas na kami dito sa rooftop.
Sumakay kami ng elevetor pababa. Dumeretso na kami sa parking lot, buhat buhat ko parin sia.
Sinakay kona sya sa kotse ko, ako na ang magdadrive wala kasi yung driver ko, may lisensya naman ako.
Dinala ko na sia sa Ospital. Habang nasa labas ako ng room nia, napapamura ako.
Shit! Talaga, anu ba yung ginawa ko? Ganun ba talaga sya katakot sa ipis?.
Kahit galit ako sakanya pero hindi ko naman sia gustong patayin. Hayyysss hindi ako mapakali nito, pabalik balik ako sa paglalakad.
Sa ganitong kalagayan ako nung dumating ang mga kaibigan nia, tinawagan ko kasi ang mga ito gamit ang cellphone nia.
"Anung ginawa mo sa kaibigan namin?!" Salubong sakin ni Tina.
>Third Person POVYuhan's POV<
Pagkaalis ng Doctor saka kami pumasok sa loob. Nakita ko si Xyra na nakahiga sa Bed at natutulog.
Shit! Muntik kona siang mapatay!
Nakita kong lumuluha na si Tina.
"Bess I'm sorry kung wala kami nung pagtripan ka ng mga bruha na yun!" sabi nito.
Nabalitaan na nila siguro yung ginawa nila Devora. Actually hindi ko naman talaga nagustuhan yung ginawa sakanya ng mga yun, pero nagkaroon din naman ako ng dahilan para malinlang sia.
"Umamin ka nga Yuhan, dahil ikaw ang nagdala sakanya dito sabihin mo kung anu ba ginagawa nia nung mahimatay sia!?" usisa ni Tina.
"Teka nga, bat mo ko sinisisi? Buti pa nga dinala ko dito yang kaibigan nia eh!" sabi ko.
Habang hindi pa nagigising si Xyra, magsisinungaling nalang muna ako, bahala na atsaka hindi ko naman alam na may hika sya.
Gusto ko lang maghiganti sa ginawa nia sakin pero wala akong balak na patayin sia.
Oo nilagyan ko ng Ipis yung stockroom kasi alam kong takot sia dito pero kung alam ko lang na magiging dahilan yun ng pagsumpong ng hika nia, diko yun gagawin noh.
Kaya malinaw na, Inosente ako dito pero sa mambabasa lang, sakanila hindi pa.
"Bayaan mo na nga, ang importante ok na si Xyra", sabi ni Cloe.
Kilala ko na ang mga kaibigan nia, isa rin kasi itong si Cloe sa mga nagkakacrush kay Stiven.
"Oh sige alis na ako, kayo na bahala sakanya!" sabi ko at tumalikod na palabas pero hinabol ako ni Cloe.
"Salamat Yuhan sa pagdala mo sakanya dito" sabi nia kaya tinanguhan ko lang sia at tuluyan ng lumabas.
'Magpasalamat kayo dahil kinulong ko ang kaibigan nio kaya sia nahimatay' sa isip ko.
Hintayin nalang nila na magising si Xyra, dahil malalaman nila ang totoo.
Dina ako dapat matakot, Ok na sia eh. Atsaka hawak ko ang pagstay ni Xyra sa school.
Tinignan ko ang oras sa wrist watch ko, alas sais na pala ng gabi.
Hindi muna ako tumuloy sa Condo ko, sa bahay ako uuwi ngayon, nagtext kasi si Ate na uuwi sia ngayon galing Korea.
Namiss ko narin sia kaya uuwi ako ngayon sa bahay, malamang nandun na sia siguro, gabi na kasi eh.
Pagpasok ko ng bahay may nakita na akong babaeng nakaupo sa bench pero nakatalikod.
Napapangiti ako alam kong si Ate ito kaya lumapit ako at binigyan ng back hug.
"I miss you Noona!" sabi ko. Naramdaman kong nagulat sia kaya humarap sakin at pinisil ang ilong ko,, Ayyss gawain na nia lagi ito sakin eh magpipinokyo na ako nito.
A/N: yung Noona, salita ng korean na meaning Ate pag lalaki ang tumatawag.
"Hey, pumunta ako sa Condo mo pero wala ka!" sabi nia at nagpout.
"Ah sorry may pinuntahan lang kasi ako, kumusta kana?"- ako.
"Ok lang, babalik din ako agad ng korea namiss lang kita at si Papa kaya ako dumalaw dito" nakangiti niang sabi.
"Ha? Kala ko naman magtatagal ka pa dito" malungkot kong sabi.
"Wag kanang malungkot, bakit gusto mo bang sumama sakin?"
"Hindi sia aalis ng bansa hanggat di nia maipapasa ang mga subjects nia!" napalingon kami kay Papa sa likod.
"Anu? Kung ganun hindi ka pala nag-aaral ng mabuti?!" kunot noong tanung ni Ate.
"Ah..anu..eh!" Tangina, kahit kailan panira ka Papa.
"Bakit mo sinasabi sakin na lagi kang perfect sa mga Quiz mo?!"
"Ah..anu.. Totoo naman po yun!" imiwas ako ng tingin, totoo yun dahil si Xyra ang nagkuquiz sakin.
"Wag ka maniwala jan sa kapatid mo, binibilog ka lang nia!" Sabi ni Papa at umupo sa tabi ko.
Sinamaan ko sia ng tingin pero nginitian lang nia ako at tinapiktapik ang likod ko.
"Makakasama ka lang sa Ate mo pag nakakuha kana ng mataas na Grade" sabi nia pa.
Lumingon ako kay Ate pero nagsmirk lang sia na nakacross arm at mukang sumang-ayon sia kay Papa.
Actually ito ang dahilan ko kaya ako nakipagkasundo kay Xyra, gusto ko makakuha ng mataas na grades para makapunta na ako ng Korea.
Nasa kwarto na ako ngayon at nagpapahinga pero biglang may kumatok, pagbukas ko si Ate pala, pinapasok ko sia.
"Wag kana magtampo kay Papa ah, para din naman sayo ang ginagawa nia, mag-aral ka kasi mabuti" sabi nia.
"Nag-aaral naman po ako eh pero ang hirap lang talaga" pout kong sabi.
"Kaya mo yan, atsaka kahit gusto kong isama ka pero ayokong pangunahan ang gusto ni Papa, kaya kung talagang gusto mong makapunta ng Korea pilitin mong makakuha ng mataas na grades Ok?"
Sabi nia, tumango lang ako at niyakap sia.
.....To be Continue....