♤Xyra's POV
?
"Subukan mong ituloy yang kadiri mong kamay"
Liningon ko yung lalaking sumalo sa kamay nitong Adik at nagulat ako nung makita ko kung sinu yun.
"Yuhan?!" Nagtataka kong sabi.
Tinignan lang nia ako sandali saka bumaling na doon sa Adik.
"Bakit sinu ka bang pakialamero ka?!"- adik.
Binitawan na ni Yuhan yung kamay nung Adik. Pero nagulat ako sa sinabi ni Yuhan.
"Boyfriend nia, kaya subukan mo siang hawakan muli kundi aalisan kita ng ilong!" sabi nia habang nakaakbay saakin, nakanganga lang ako habang tinitignan sia.
"Oh ano? Hindi ka ba aalis?" pananakot nia doon sa Adik kaya umalis na ito, mukang natakot na maalisan ng ilong.
Ng makalayo yung Adik saka umiwas na sia sa pagkakaakbay saakin.
"Hoy ikaw ipis ka, bat naglalakad ka mag-isa, pano kung wala ako edi nasapak kana nun!"
Kala mo naman kung sinung Hiro. Pero tama sia kaya diko nalang sia pinatulan.
Naglakad na ako palayo sakanya pero hinigit nia ako kaya nakalapit ako sakanya.
"Hindi ka man lang magthank you?" tanung nia. Oo nga pala.
"Ok thank you!" sabi ko saka aalis na pero hinigit nia ako ulit.
"Anu ba! Maputol mo na ang braso ko!" sabi ko.
Grabe kasi sia manghila.
"Anu, maglalakad kana naman mag-isa para another na naman? Pag nagkataon hindi na kita tutulungan!" iritable niang sabi.
At hinila na nia ako papunta sa ewan.
"Saan tayo pupunta?" tanung ko.
"Saan pa edi hahanapin sila" sagot nia.
"Tawagan mo nalang kaya"- ako.
"Eh bat dipa ikaw ang gumawa nun?"- sya. Napa TSK nalang ako, sungit.
Kanina ko pa tinatawagan si Tina pero walang sumasagot, ganun din kay Cleire at Cloe.
"Anu ba yan! Wala man lang sumasagot?" react ko, kainis.
"Si Divon ang tawagan mo" sabi nia.
"Eh bat dina lang ikaw ang tumawag nun, inuutos mu pa!"- ako.
"Lowbat Phone ko"- sya.
"Yan kasi ang tamad mo! Pati pagcharge dimo kaya!" nakangisi kong sabi.
Pero bigla niang hinablot yung Phone ko at may tinawagan sia.
"Wala din?!" sigaw nia nung walang sumagot sa tawag nia.
"Hanapin na kasi naten, akin na yan!" Kinuha kona yung Phone at naglakad na kami.
Habang naglalakad kami bigla kong napansin na magkaholding hands pala kami, kaya bigla kong nailayo ang kamay ko. Napansin naman nia.
"Oh bakit?" tanung nia.
"Wala tayo na" sabi ko.
Kanina pa kami libot ng libot pero hindi pa namin nahanap yung Lima, saan ba nagpunta ang mga yun?.
Napahinto kami sa Mataas na Ferries Wheel.. Wow ang ganda talaga, hindi pa ako nakasakay nito kasi nga yung 70 pesos na tucket nito eh Gold na para samin yun.
>Yuhan's POV<
Nakita ko si Ipis na nakatayo malapit sa entrance ng ferries wheel habang nakatingala.
Hindi ko maintindihan ang sarili ko pero bigla ko nalang namalayan na bumili na ako ng dalawang ticket.
Gaya nung kanina, wala naman akong balak na sundan sia pero namalayan ko nalang ang sarili ko na pinagtatanggol kona sia dun sa Adik.
Eww, kung anu anu pa ang nasabi ko doon.
Hayyss bat nangyari sakin to? Simula kasi nung makilala ko ang ipis na to, lagi ng pinangungunahan ng katawan ko ang isip ko.
Lumapit na ako sakanya at inabot yung isang ticket.
"Ito oh, gusto mong sumakay diba?" Sabi ko at napangiti naman sia. s**t! Bat ang cute nia.
"Talaga? Ililibre mo ako?"-sya.
"Ang dami mo pang daldal, tara na" iritable kong sabi at nauna na akong pumasok sa entrance, sumunod nalang sia.
Nandito na kami sa loob ng ferries wheel pero hindi pa umaandar kasi may sumasakay pa.
"Wow! Sa wakas makakasakay narin ako nito."
Narinig kong sabi ni ipis habang ngiti ng ngiti. Dalawa lang kami dito sa loob, malawak naman pero parang pang couple to eh. Puro glass pa pati yung tapakan.
"You mean, it is your first time?" tanung ko.
"Oo, malas nga lang kasi ikaw kasama ko"- sya.
"Anung sinabi mo!?"- ako.
"Jowk lang, ito naman masyadong pikonin" sabi nia at nagpout pa.
"Humanda kana dahil umaandar na" sabi ko at ayun umayos na sia ng upo kanina pa kasi malikot. Egnorante talaga.
Unti unti ng tumataas yung saamen, nakita ko si ipis na ang higpit ng kapit nia. Napachuckle ako sa itsura nia, mukang natatakot na eh.
Tumayo ako, kasi nga glass yung tapakan kaya para kana rin lumilipad, gusto kong ifeel.
Ganito yung lagi naming ginagawa ni Ate nung bata pa ako, feeling ko kasi lumilipad ako, mabagal lang kasi ang pag-ikot nitong ferries wheel.
Habang feel na feel kong lumilipad ako bigla nalang akong napakapit sa bakal na kakapitan doon.
Napayuko ako, si Ipis kasi biglang dumapa sa sahig at yumakap sa kanang hita ko.
"Huy anung ginagawa mo?!" tanung ko.
"Ang taas na, natatakot ako Yuhan!" Hala, umiiyak na sia.
"Uy teka lang bitawan mo nga yung hita ko!" sabi ko habang pinipiglas ko ang hita ko pero mas lalo lang niang hinigpitan ang pagyakap nito.
"Yuhan!?Bumaba na tayo!? Ayoko na dito!?" umiiyak niang sabi. Ramdam ko ang panginginig nia.
Kanina excited masyado pero ngayon umiiyak na at gusto ng bumaba, eh hindi pa kami naka isang ikot ah pataas palang yung saamen.
Umupo nalang ako sa sahig at hinawakan ang magkabila niang balikat pero nagulat ako sa ginawa nia. Bigla nia kasi akong niyakap at nanginginig na sa pag-iyak.
Tangina! Bakit biglang bumilis ang t***k ng puso ko.
"Wag mo kong iwan???!!" umiiyak niang sabi habang yakap ako.
Parang nakaramdam ako ng kakaiba pero hindi ko maipaliwanag, Tanginang Ipis na to.
"Oo na, nandito lang ako kaya wag kanang umiyak jan!" sabi ko at hinagod kona yung likod nia.
Hayys para naman akong nanay nito na nagpapatahan ng batang umiiyak.
Ng makababa na yung sinakyan namin ay nagsinyas na ako sa operator nito na bababa na kami, actually dalawang ikot to eh pero hindi kona tatapusin baka umiyak na naman itong Ipis na to.
Hinawakan ko yung kamay ni Ipis nung makababa na kami, nanginginig parin sia pero hindi na umiiyak.
Ibinili ko sia ng maiinom para mawala na yung kaba nia,..Kainis! Anu ba tong ginagawa ko, bat ko ba inaalagaan ang Ipis na to? Dapat pinapabayaan kona lang to eh.
Biglang dumating yung Limang kanina pa namin hinahanap, mga pesteng to!
"Hey Dude nandito lang pala kayo!"- Divon.
"Peste ka, bat ayaw niong sumagot na tawagan?" Iritable kong sabi.
"Ha? Tumatawag ka ba?"- Divon.
"Tsk, Ewan ko sayo!"- ako.
"Bessy, umiyak ka ba?" tanung ni Tina kay Ipis.
"Hoy Yuhan! Anung ginawa mo kay Xyra!?" nakasimangot niang tanung sakin.
Aba! Mukang isisisi pa sakin ang pag-iyak ng ipis na yan.
"Wala kong ginawa jan noh! Nahirapan pa akong patahanin yan eh!" inis kong sabi at tumingin kay ipis.
"Hoy ipis magsalita ka!"
"Bessy umuwi nalang tayo, sa Condo nalang tayo mag-usap, masama pakiramdam ko" Malungkot na sabi ni ipis at ayun nagpaalam na at umalis na sila.
Bat ganun? Habang tinatanaw namin sila palayo diko maiwasan mag-alala kay Ipis.
"Dude, ayus ka lang?" Bigla kong napatingin kay Divon.
"Ah Oo naman, bakit?"- ako.
"Kanina ka pa tulala jan eh"
Ha? Ganun na ba kalalim ang pag-iisip ko?
.
.
.
======To be Continue===============