Maraming tao sa loob ng bulwagan kung saan magpapasa ng aplikasyon ang mga kandidato. May mga supporters sa labas na panay ang sigaw sa kanilang mga bato pero ang pinakamalakas doon ay ang pangalan ni Senator Eduardo Villafuerte. This is it. Their plan is nearly coming to end. Noon pa mang pagkabata niya ay ito na ang minimithi ng mga Villafuerte. Ang pinakamataas na posisyon na kayang marating ng isang Pilipino. Nakatayo ngayon ang pamilya ni Olivia sa likuran ni Senator Villafuerte para sa pagpapakita nito ng suporta sa filing ng candidacy sa pagka-presidente. Hindi makangiti si Olivia, di gaya nina Steff at Diana na panay ang tingin sa mga media na kumukuha ng litrato. Marami siyang naiisip sa bawat click ng camera. Ito ang matagal nang minimithi ng kaniyang tunay na ama. Ang pangara

