Dahil wala pa si Manong Bert, ang driver ng mga Luna ay napilitan si Paris na ihatid si Bernice sa bahay nila. Hindi naman siya pinigilan ni Kristoff. "Sa passenger seat ka. Ako magdadrive. I can’t protect you sa backseat." aniya. Tumango si Olivia. Sumakay siya at nagsuot ng seatbelt. Ito ang unang pagkakataon na para silang normal na couple na magtatabi sa driver's at passenger seat. "Ano iyong binalita ni Lui? Ano ba ang problema?" tanong niya. Nagsimula nang magdrive si Kristoff. Seryoso ang mukha nito at panay ang tingin sa rear mirror. "Wala. Hindi mo maiintindihan. It's classified information, too." sagot niya at mas binilisan ang patakbo. May pinindot si Kristoff sa tainga niya. "Liliko tayo at 3 o'clock. May shortcut akong alam." He ordered at niliko sa kanan ang sasakyan.

