Chapter 3 -Beautiful Red Roses

1886 Words
I love you, Lupa Man ako Written by: BLACKROSE Chapter 3 -Beautiful Red Roses -------,--'-,-'-{@ "Naku okay lang kaya siya?" "Tignan mo kung may pulso pa?!" "Diyos ko po Samantha!! Gising!" "Ano ba kasi ang nangyari sa kanya Sir?!" Unti-unti ng bumabalik ang ulirat ko at naaaninag ko na ang mga boses sa aking paligid. "Will she be fine? Dalin na kaya natin siya sa doctor?" Doctor? Ano daw? Doctor? Sus! Wala akong pambayad sa doctor. Ganting sagot ng isip ko. Pinilit kong buksan ang mga mata ko at laking gulat ko na ang unang imahe kong nasilayan ay si Papa Derek. "Derek?" naguguluhang sambit ko. "Sam! Samantha! Naku Sam! Kamusta ka na? May masakit ba sa'yo?" sunod-sunod na usisa ni Julia sa akin. Tumingin ako sa ulunan ko at nakita ko si Julia na mukhang alalang-alala sa kalagayan ko. Inabutan niya ako ng tubig habang inaalalayan ako ni Derek, I mean ng ka-look-a-like lang pala ni Derek. Salamat po Lord at buhay pa ako. Salamat po at hindi niyo hinayaang mamatay ako kasi paano na ang pamilya ko po. Mataimtim na dasal ko sa sarili ko. Matapos kong uminom ay pinilit ko ng tumayo at agaw eksena na ko. Marami-marami narin ang nakakumpol sa akin. "Kaya mo na ba Miss?" tanong ng binata habang nakaalalay rin sa akin na makatayo. "Oo salamat po ulit." mahinang sambit ko. "Naku mabuti na lang at okay ka na Sam. Nag-alala kami lahat sayo. Gusto ko na nga papuntahan ang nanay mo para masabihan, buti na lang hindi na umabot sa ganon." esplika naman ni Tita Beth. "Ano ba kasi nangyari sayo Sam?" Sabat na tanong naman ni Lanie. "Ang natatandaan ko lang ay patawid na ako ng daan tapos... Wala na. Nagdilim na ang paligid ko." yung lang ang tanging nasabi ko. "Ganito po kasi ang nangyari." ang binata na ang sumagot. *Flashback* "I'm running late na talaga Dad kaya is it alright that you call me later? Or ako na lang ang tatawag sa'yo later after ng first class ko." nagmamadaling sagot ko sa kabilang linya. As usual I am late for class again. Naubos na siguro ang battery ng alarm clock ko kaya hindi tumunog kanina. Kung hindi pa sa lakas ng boses ni Ate Michelle ay malamang until now I'm still in bed. Sobrang nagmamadali talaga ako today. I need to submit a report early this morning. Maingat akong mag-drive. Yan ang isang bagay na palagi kong pinagmamalaki sa sarili ko. Pero today sumablay yata ako. Nalagay ko na ang cp ko sa may passenger seat after I talked with my father. Paliko na ako sa kanto ng may biglang tumawid all of a sudden. She came out of nowhere. I didn't notice her at nagulat pa nga ako pero mabuti na lang at nakapag-preno ako agad at hindi ko siya tinamaan. Yun nga lang sa sobrang pagkagulat at takot siguro ng babae ay hinimatay ito. Dali-dali akong lumabas ng kotse at mabilis na nilapitan ang babae. "Miss... Miss!" namumukhaan ko ang babaeng ngayon ay dahan-dahan kong binubuhat. Siya yung nasa canteen na malapit sa school namin. Siya yung nag-assist sa akin kagabi ng orders ko. Marahan ko siyang inupo sa front seat. Habang binabagtas ko ang daan papuntang school ay hindi ko maiwasang sulyapan siya. Simple lang itong manamit. Halatang hindi rin mamahalin ang suot niya. Naka-ponytail ang hanggang balikat niyang buhok. Katamtaman lang ang hugis ng katawan niya. Ang mukha niya parang yung mga nakikita mo sa magazine na nag-eendorse ng facial wash. Kahit walang make-up, walang kahit anong kolorete sa mukha pero alam mong maganda. Yung gandang sa unang tingin ay hindi mo papansinin pero pagtinitigan mo, there is beauty within. Simple! Yan ang pinaka-description ko sa kanya. I seldom see women with beauty like this one. Mostly kasi puro make-ups na. Na gumaganda dahil sa kulay na nilalagay sa mukha nila. But in justice to this maiden beside me, she is beautiful. Simple yet radiant. Pagdating ko sa St. Matthew's Extension ay agad kong dinala si Miss Beautiful sa loob ng canteen. Mabilis naman naglapitan ang mga kasama nito sa trabaho. At un na nga.. *End Of Flashback* "Buti na lang mabait si sir at tinulungan ka Sam. Kung iba yan siguro pinabayaan ka na sa kalsada." ngiting sabi ni Julia sa akin pero nakatingin naman sa binata. "Thank you po sir ng marami sa pagtulong ninyo sa akin. Pasensiya na po kayo kung naabala ko ang pagpasok niyo sa eskwela." nagba-blush na sabi ko sa binata kasi ba naman eh nakatitig sa akin ang mga mata nito. "No problem Miss. Well I have to go kasi deadline ng submission ng report ko now." pagpapaalam nito. Ngunit bago pa makalabas ng pinto ay tumingin ulit ito sa gawi ko, "By the way, I'm Kevin. Nice meeting you Miss." sabay saludo at ngumiti pa. "Kevin pala name niya Sam!!" tiling sabi ni Julia ng makalabas si Kevin. "Grabe ang cute niya ha, in fairness ever!!" tili rin na sabat ni Lanie. "O siya sige na. Tapos na ang shooting. Balik na tayo sa trabaho." natatawang sabi naman ni Tita Beth. Kevin pala ang pangalan niya. Hindi ako maaaring magkamali, nakita ko na talaga siya. Hindi ko lang alam kung saan at kung kelan.. pero nakita ko na si Kevin. Araw ng pahinga ngayon..... Sunday! Ano kayang magandang gawin ngayong araw? Mamasyal pagkatapos magsimba? O kumain sa labas kasama ang mga kapatid ko? O sa bahay na lang at maglinis? Hay! Ang daming pwedeng gawin ngayong araw pero siguro mas pipiliin ko na lang magsimba muna kasama ang aking mga kapatid tapos saglit ko silang ipapasyal sa park para naman kahit papano ay maaliw naman sila at makapag-bonding rin kami. Maaga parin akong nagising kahit Sunday, makagawian ko ng gumising ng maaga kahit pa wala akong pasok. Naglinis muna ako ng bahay habang tulog pa ang mga kapatid ko. Pagkatapos kong maglinis ay hinarap ko naman ang labahin namin. Nahihiya rin kasi ako kay nanay kung siya pa ang maglalaba ng mga damit namin although minsan eh si nanay talaga ang naglalaba. Inabutan ako ni nanay sa likod bahay pagkagising niya. "Ang aga mo naman nagising Samantha? Aba'y wala ka naman pasok ngayon dapat sana'y natulog ka pa ng matagal para nakakabawi naman ikaw sa pagod sa trabaho mo." panimula ni nanay. "Ayos lang yun 'nay, nasanay na po ako kasi. Saka ayoko rin naman abutan ng init sa kama. Nga pala 'nay, eh mamaya isasama ko sila bunso sa pagsimba tapos ay ipapasyal ko sila saglit sa park." paalam ko habang patuloy sa pagkusot ng damit. "Ikaw ang bahala pero huwag kayong paabot ng gabi ha." yun lang at pumasok na ito sa looban. "In the name of the Father, of the Son and of the Holy Spirit. Amen. Go now in peace. The mass has ended." huling wika ng pari. Dahan-dahan kaming lumabas ng simbahan. Hawak-hawak ko si bunso dahil malikot ito masyado. Bakas sa mga mukha ng mga kapatid ko ang saya dahil bihira lang rin sila nakakapasyal. Kadalasan ay kung may okasyon lang o kung may extrang pera ang nanay. Subalit ngayon, talagang planado ko ng isama sila dahil kabibigay lang naman ng sweldo ko. Treat ko naman sila... for sure ay matutuwa ang mga ito kapag nalaman nila. Dinala ko na sila sa park. Maraming tao ngayon na tulad namin ay gustong samantalahin ang araw na ito dahil walang pasok. "Ang ganda talaga dito Ate. Tignan mo yun o!" masayang turo ni bunso sa malaking fountain sa gitna ng park. Nagtakbuhan ang mga kapatid ko papunta sa fountain kaya pati ako eh napatakbo narin. Pagdating sa fountain area ay binilinan ko si Junjun na tignan muna ang mga kapatid namin at may bibilhin lang ako. Habang bumibili ako ng hotdog on sticks ay tanaw-tanaw ko parin sila. Bumili rin ako ng cotton candy dahil paborito ito ni bunso, nilagang mais saka softdrinks. Kumain muna kami sa may damuhan habang patuloy na tinatanaw ang mga batang naglalaro sa paligid. Hindi mapigil ang mga kapatid ko kaya kahit ngumunguya pa ay sige narin sa paglalaro at pagtakbo. Sa isang banda ay may nahagip ang mga mata ko na pamilyar na mukha. May kasama siyang babae na sa tingin ko eh malamang ay girlfriend niya. Ang sweet nilang tignan... Hindi mawala-wala ang pamilyar na ngiti sa mukha ng lalaki. Ang babae naman ay panay ang tapik sa braso nito habang may tinuturo sa kalangitan. In fairness, bagay sila kasi gwapo at maganda. Napangiti na lang ako at muling tumingin sa mga kapatid ko. Malapit ng magdilim kaya nagpasya na akong yayain sila pauwi. Ayaw man nila lalo na ni bunso ay wala na silang nagawa nang sabihin ko ang binilin ni nanay kanina. Naglalakad na kami sa gawing pa-simbahan ng may batang nagtitinda ng bulaklak ang lumapit sa amin. "Miss.. Miss" habol ng bata sa amin. "Naku hindi bata. Pasensiya ka na at hindi kami bibili." tangging sabi ko naman. "Eh Miss, hindi ko na ito binebenta. May nagpapabigay sa iyo ng mga 'to." sabay inaabot sakin ng mga pulang rosas. Mahigit kumulang isang dosena ang mga long-stemmed red roses. "Ano?! Sa akin?! Paanong...? Sinong... nagbigay?!" lumingon-lingon ako sa paligid at nagbabaka-sakaling baka matanaw ko kung kanino galing ang mga bulaklak na ito. "Tanggapin mo na Miss ng makauwi na ako. Pinakyaw yan nung lalaki eh tapos ibigay ko raw sa'yo." dinikit niya sakin ang mga rosas kaya napilitan narin akong kunin ito sa kanya. "Wow si Ate ang haba ng hair!!!" tiling sabi naman ni Aleli habang may kasama pang palakpak. "Ate, may nagkaka-crush sa'yo!" kalabit sakin ni Melai. "Ate diba mahal yan? Sino kaya nagbigay sa'yo?" hirit naman ni Junjun. "Baka may crush sa'yo Ate Sam. Uuuyyyyy si Ate meron may CrrruuuSShh sa kanya!!" sigaw naman ni bunso na giliw na giliw. "Naku bunso, tumigil ka nga diyan!" sita ko naman. "Tara na nga at baka naghihintay na sila nanay dun. Dalian niyo!" pagtataboy ko sa mga kapatid ko para matigil narin ang pang-aasar nila dahil ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko. Pagkarating sa bahay ay inusisa rin ako nila Tatay at Nanay tungkol sa bulaklak na tangan-tangan ko. Hindi ko na lang sila pinansin kahit pa panay ang pang-aasar ng mga kapatid ko na pati ang Tatay ay nakikisali narin. Kumain na kami ng hapunan at matapos kong mag-imis ay pumasok na ako sa kwarto ko. "Kanino ka kaya galing, magandang red roses?" tingin ko sa bulaklak na nasa vase sa may ibabaw ng drawer ko. Honestly speaking, kanina nang inabot sa akin ng bata ang mga roses ay talagang na-shock ako to the highest level. Una kasi, first time kong makatanggap ng kahit anong bulaklak. May mga nanligaw sa akin dati pero walang nagtangkang magbigay ng bulaklak. Second, kinilig ako talaga. Aba naman, wala akong manliligaw ngayon pero may nagbigay ng bulaklak sa akin. At ang isa pang nakakapag-pakilig dun ay mysterious pa ang pinanggalingan ng mga ito. Hindi ko namalayan na mukha akong tanga dahil nangingiti akong mag-isa. "Well, kung kanino ka man galing beautiful red roses, dito ka lang sa kwarto ko kahit pa matuyo ka na't malanta." Nagpalit na ako ng pantulog at nag-set ng alarm kasi bukas balik trabaho na ulit ang beauty ko. "Goodnight beautiful red roses. Good night Philippines." --------,-'-,--'-{@
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD