Chapter 2 -Kevin Advincula

1591 Words
I LOVE YOU, LUPA MAN AKO written by: Blackrose ------,--'-,--'-{@ Chapter 2 -Kevin Advincula "Damn! Why isn't my polo pressed yet!" malakas na sigaw ni kevin sa loob ng room niya. "Naku po Diyos ko.. Nakalimutan ko yung inutos kanina ni Sir Kevin sa kin." takot na sabi ng isang kasambahay ng marinig ang sigaw ng amo. "Manang! Manang! Where are you? Why isn't my polo pressed yet?!" "Sir?" takot na sabi ng kasambahay. "Manang, diba I've asked you kanina to pressed my polo? Eh bakit ganito? Bakit hindi pa na-iron ang polo ko? Papasok na ako Manang." sabay hawak sa polong hindi pa napla-plantya. "Naku Sir sorry po.. May inutos kasi ang Ate ninyo kaya nawala sa isip ko yung inutos niyo kanina sa akin." "Please Manang, make it quick. I'll be late sa school nito. Please lang Manang then habol mo sa akin sa dining area." nagmamadaling sabi ni Kevin habang inaayos ang buhok sa tapat ng salamin. 9:00 o'clock ang pasok niya ngayon sa school. He needs to be on time today because they have an exam. Hindi siya pwedeng ma-late dahil mahihirapan siyang makiusap sa prof niya if ever since strict ito tuwing may mga exams sila sa class. "Hiyo, seat down first and join us for breakfast." wika ng mommy niya. "Right hijo, join us ng mommy mo. I have an important thing to tell to you also." segundang sabi rin ng daddy niya. "Well, Dad.. Mom, I'd really like to join you for breakfast today but I'm running late for class. Got an exam at 9am." sabay tingin sa timex niyang relo. 8:30 na. Almost 30 minutes ang travel time niya from their home to school. He got to rush if he wants to be there on time. Mabilis siyang humigop ng coffee then had a bite of nugget. "Bye Mom.. Dad." sabay halik sa pisngi ng ginang. "Have a great day ahead hijo." tapik ng Mom niya sa balikat niya. "Manang... Polo ko!" Bago pa man siya sumakay sa bagong-bago niyang sports car eh naabot na ng kasambahay sa kanya ang polo. Before mag-9am ay saktong nasa gate na siya ng school at magpa-park na lang. "Hoy Kevin!" isang malakas na sigaw ang nagpatigil sa kanya sa paglalakad. "What the hell." nilingon niya ang pinang-galingan ng sigaw. "Kung mamalasin ka nga naman talaga... Shit." bulong niya sa sarili habang marahan na sinuklay ang buhok niya at inalis ang suot na shades sa mata. "Hoy Kevin! Anong nakain mo't jan ka pa talaga nag-park sa teritoryo ko?!" "Nagmamadali ako Nicolas. May exam ako now.. Mamaya ililipat ko na lang." pagtitimping saad nya. "Gusto mong ako na maglipat ng kotse mo para malaman mo kung saan ang tamang parking space ng mga AMPON na katulad mo?!!" pagbibagay diin sa salitang ampon ni Nicolas na ikinatawa ng mga barkada nito. Biglang nag-galawan ang mga muscles nya sa panga. Pansin rin ng panig ni Nicolas ang pagtitimpi niya kung kaya naghanda ang mga ito sa maaaring mangyari. Hindi dahil sa nag-iisa siya kaya hindi niya papatulan ang mga ito, dahil isa siyang black belter. Ayaw lang niya ng g**o. Dahil narin sa pangalang iniingatan niya saka para matapos na lang ang lahat at ng makaabot pa siya sa exam nila, mas minabuti na niyang ilipat ang kotse sa parking lot na malapit sa canteen. Dun sa walang nakalagay na Reserved. As expected, late siya ng ilang minuto. Mabuti na lang ay nagdi-distribute pa lang ng test papers ang prof nila. Nagmamadali na siyang umupo at naghanda para sa exam. Tama! Tama ang narinig niyo. Isa akong ampon. Si Kevin A. Advincula ay isang ampon. Ampon ng mag-asawang Miguel at Maria Advincula na siyang kumupkop sa akin nung ako ay sanggol pa. Actually, according sa mga kwento nila sa akin noong magka-isip na ako, napulot ako ng isang kasambahay nila sa isang palengke na walang kasama. Iyak daw ako ng iyak kaya nilapitan daw ako ng kasambahay at may nakita daw na sulat na kasama daw sa basket na ang nakasaad ay: "Sa sino man makakakuha sa sanggol na ito, nawa'y paki alagaan na lang ng mabuti kasi may malala akong sakit at hindi ko na kaya pang alagaan ang bata." Yun lang ang nakasaad sa sulat. Walang sabi-sabing dinala na ako sa tirahan ng mga Advincula na siyang naging tirahan ko. Ang nakakatuwa sa lahat ay hindi isang ampon ang turing nila sa akin. Isang tunay na anak ang trato nila. Hindi nila pinamukha sa akin na iba ang pinang-galingan ko lalo na ni Ate Michelle. Binusog nila ako sa lahat ng bagay lalong-lalo na sa pagmamahal. Malaki ang utang na loob ko sa kanila kaya nga as much as possible, I don't want to ruin their name nor their status. Kahit na madalas ay habulin ako ng away, I see to it that maiwasan ko yun hanggang sa makakaya ko. Malaki ang respeto ko sa pamilyang tinuring ko ng akin.. Kung hindi kasi dahil sa kanila, wala na ako ngayon at baka masasamang loob pa ang nakakuha sa akin at naging miserable ang buhay ko. Kung hindi dahil sa kanila, sa edad kong 22 ngayon, ay patapon ang buhay ko. Minsan nga iniisip ko.... Sino ba talaga ako? Saan ba talaga ako nanggaling? Pero sa tuwing nakikita ko ang tumayong pamilya ko, nawawala na ang lahat ng mga katanungan ko at nagpapasalamat na lamang ako sa Diyos dahil sila ang kumupkop sa akin. ***** 7:10 na ng gabi. Nagliligpit na kami sa canteen at nag-aayos na sa dining area ng may isang customer pa na pumasok sa loob at umupo sa isang two-seaters table. "Yes sir?" "Miss, pwede pa ba akong umorder? Nagbaka sakali lang ako if pwede pa kasi kayo na lang ang open na near sa vicinity ng school. Pwede pa ba?" ngiting saad ng binata. Saan ko ba nakita ang mukhang ito? At ang ngiti niya, nakita ko na ito dati. Saan nga ba? Sam... saan mo ba siya nakita noon? Tanong ko sa isip ko. "Hi Miss. Hello. Ahhm.. is it alright to order pa?" muling tanong ng binata habang kumakaway sa akin. "Ah.. Eh.. Opo sir. Ang kaso po huwag lang mga dishes kasi nag-out na po ang cook namin." kumuha ako ng menu card at inabot sa binata. "Okay. I'll just have lasagna double, tuna sandwich supreme, macaroni salad and large mango shake." muling ngumiti ang binata sabay abot ng menu card sa akin. "Will that be all po sir?" pigil tawang tanong ko sa binata dahil sa dami ng inorder nito na parang ilang araw itong hindi kumain. "That's it. I'm dead hungry na kasi, hindi ako nakapag-lunch kanina sa school." simpleng paliwanag nito. "Okay po. Max of 15 minutes sir. Thank you." yun lang at iniwan ko na siya para asikasuhin ang order nito. Habang kumakain ang binata ay hindi mapukaw sa isip ko ang kanina pang tanong na gumugulo sa akin. Napaka-familiar ng lalaking ito. Saan lugar ko ba ito nakita? Mukha naman ngayon lang ito napadpad dito sa canteen namin kasi hindi niya ako kilala sa pangalan ko. Hay naku... Halos sumakit na ang ulo ko sa kakaisip pero hindi ko parin maalala kung saan ko nakita ang lalaking ngayon ay nasa dining area at kumakain. In fairness naman, kahit malakas siyang kumain eh matipuno ang pangangatawan niya. Parang palaging laman ng gym. "May hawig siyang artista... Teka sino nga ba?" pabulong kong tanong sa sarili ko. "Nakita mo na ba si Papa Derek sa personal?" biglang sabi ni Lanie mula sa likuran ko. Ayun!!! Tama!!! Hawig niya si Mr. Century Tuna!! Oo nga! Maputi nga lang ito ng bahagya sa artista. kumpirma ko sa isip ko. "Oi ano na? Na-star struck ka na ba jan sa pwesto mo?" saad ulit ni Lanie sabay tapik sa braso ko. "Kung anu-anong pinagsasasabi mo riyan Lanie. Bigay mo na yung bill dun at mukhang tapos na siyang kumain." nguso ko naman habang nagbibilang na ng kinita ng canteen sa maghapon. Kinaumagahan.... "Nay, aalis na ho ako." mano ko kay nanay sabay halik sa pisngi. "Anak, nagsabi ba sa'yo si Junjun tungkol sa project niya? Tapos si Bunso eh may pinabibili ang titser nila para raw sa P.E. nila." "Wala naman silang nasabi 'nay. Teka po." dumukot ako ng limang daan at inabot kay nanay. "Kasya na ba yan 'nay?" "Ay oo at pag may sobra ay ibibili ko na lang ng masarap na ulam mamaya sa hapunan natin." "E 'nay, huwag ka ng magluto mamaya ng hapunan kasi kagabi bago umalis si boss ay nagbilin na maghahanda raw siya at birthday daw ng asawa niyang yumao na. Kaya huwag ka ng magluto 'nay, mag-uuwi na lang ako ng handa ni boss tutal ay sigurado naman na ipapa-take out rin niya ang mga handa niya mamaya sa amin." "Ay salamat sa Diyos at napakabuti niyang si Beth sa atin. O siya sige na ng hindi ka gahulin sa oras mo." "Sige 'nay una na ho ako." muling halik ko sa pisngi ni nanay. "Pagpalain ka ng Diyos anak. Mag-iingat ka." Maaga pa naman kaya minabuti kong dumaan na muna sa simbahan. Nagpasalamat lang ako sa Diyos at kahit hindi kami mayaman ay nakakatawid parin kami sa araw-araw. May kinakain parin ang mga kapatid ko pati na rin ang mga magulang ko saka ligtas kami sa sakit. Paglabas ng simbahan ay mabilis kong nilakad ang daan papunta sa school. Marami-rami narin akong nakakasabay na mga estudyante. Patawid na ako ng kalsada ng may biglang... "Aaayyyy!!!" yung ang tanging naalala ko. ------,-'-,--'-{@
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD