Hindi niya binibitawan ang kamay ni Amore mula ng makababa sila sa kotse niya. Gusto nito manuod sa sinehan at agad na binigay niya rito ang kagustuhan ng kasintahan niya. Yes,kasintahan niyang si Amore. Masarap sa pakiramdam niya na kasintahan na niya ito. "Anong gusto mong panuorin?" baling niya rito ng marating nila ang counter ng sinehan. "Hmm.." nag-iisip nitong turan habang namimili sa showing na pelikula ngayon buwan. Pinatakan niya ng halik ang likod ng palad nito na hawak-hawak niya habang namimili ito ng panunuorin. "Mahilig ka ba sa romantic movie?" baling nito sa kanya maya-maya. Nagkibit siya ng balikat. "Anything you want, baby.." aniya na kahit ano panuorin nito ayos lang sa kanya. Ngumiti ito at saka bumaling sa lalaki na nakatitig pala kay Amore. Agad na sumama ang

