Pawisan na at hindi na maipinta ang mukha ni Alvin pero hindi pa rin ito makaiskor sa kanya. Gusto niya tuloy maguilty sa pinaggagawa niya. Sinasamantala niya ang kahinaan nito bilang lalaki para lang maungusan niya ito. Nasasabik siyang maging kasintahan ito pero gusto lang naman niya matiyak kung gaano ito kaseryoso at nakikita naman niya ang kadesperaduhan nito na gusto nito manalo sa pustahan nila. Naningkit ang mga mata niya ng hubarin nito ang suot nitong sweatshirt. Wow,I love abs! Alingawngaw ng inner wolf niya. Pinakatitigan niya ang magandang hubog ng katawan ng binata. Fit and lean .Tunay naman nakakaakit ang six pack abs nito na nakabalandra sa harapan niya at higit sa lahat natutuliro siya ngayon na makita ang naglalakihan ugat na lumalabas sa mamasel nitong braso. Damn,

