"Basketball?" untag ni Amore sa binata pagkalabas nito mula sa kusina. Hinugasan nito ang pinagkainan nila at siya naman ay inabala ang sarili sa pagsipat muli sa buong bahay nito hanggang sa makita niya ang isang bola na pag-aari nito. "Do you play?" anito. Nginisihan niya ito. "Try me?" "Everytime na naglalaro kami ni Nhovie lagi may pustahan..so,anong pusta mo?" amuse at may excitement nitong saad. "Ikaw na muna?" "Kapag natalo kita girlfriend na kita,deal?"nakangisi nitong turan. "Kapag natalo kita,lagi mo ako ipagluluto ng sinigang na baboy?" aniya. Nangningning ang mga mata nito at may kislap ng kasiguruduhan na matatalo siya nito. "Deal!" "Okay,let's play," aniya. "Ready?" hamon ni Alvin sa dalaga na nakapwesto na sa harapan niya. Ito ang may hawak ng bola. Mabuti na lan

