Chapter 1
Sa hindi malamang dahilan ay naalimpungatan si Jennica Anne sa pagkakatulog.
"Umihi naman ako kanina bago matulog ah."nagtatakang tanong ni Jennica sa sarili
Tinanggal niya ang unang nakapatong sa kanyang mukha bago tumayo sa kanyang kama.
Pupungas pungas siyang bumangon ng hindi na nag abala pang buksan ang ilaw,
Mag isa lamang sa apartment na iyon si Jennica, nasa isang buwan na din mula ng lumipat siya sa tinutuluyan niya ngayon.
Malapit sa trabaho niya at mura pa ang renta may dalawang palapag na siyang apartment na nakakapagtaka para sa lugar na malapit sa lahat. Pero wapakels dahil nga mura!
Nasa ikalawang palapag ang kanyang kwarto kaya kailangan niyang bumaba para makarating sa kusina, nang nasa hagdan na siya ay kinapa niya ang handrails para di siya ma out of balance.
Nasa gawing kanan niya ang kusina habang sa kaliwa naman ang kanyang dining at living area, nang nakarating na siya sa kitchen ay binuksan niya ang refrigerator para kumuha ng jug of water.
Naisip niyang baka nagising siya dahil kailangan niyang uminom. Which happen to be reason dahil naubos niya ang laman ng jug, napatingin siya sa taas ng refrigerator kung nasan ang kanyang wall clock. Kahit na madilim ay hindi naman niya sinirado ang refrigerator para magbigay ng munting liwanag habang nasa kusina siya.
"5 minutes before 3 am! luh, why on earth I woke up this late?'' napapantastikuhang tanong niya sa sarili. Maga pa naman ang kanyang pasok kinabukasan.
Napabuntong hininga nalang si Jennica Anne nang ilapag niya ang jug sa ibabaw na alababo.
"Bukas nalang kita iri-refill". nasabi niya habang humihikab
Sinirado niya na ang refrigerator at pumanhik na sa kanyang kwarto, hindi na niya binuksan pa ang ilaw dahil medyo kabisado na niya ang bahay na tinitirhan.
Nakagraduate na siya sa koliheyo almost 2 years ago,there's a gap in her years. Kaya napili niyang lumipat sa apartment na iyon, malaki ang pagtutol ng kanyang ina sa pamumuhay na gusto niyang tahakin."You're not ready anak."nalala niyang sabi ng kanyang ina. But she decided she wanted to live her life alone for a change to get back what's missing. yun ang lagi niyang siansabi tuwing inuungkat ng kanyang ina ang topic about sa pag uwi nalang sakanila. Gusto niya kasing hindi na dumepende pa sa kanyang mga magulang. Para naman maiba.
When she reached her bed, she yawned again. Nakahiga na si Jennica Anne at akma ng ipapatong ang isang unan sa kanyang mukha ng bigla nalang tumunog ang telepono.
Kringggg...
Pababayaan niya nalang sanang tumunog ang telepono, mapapagod din ang tumatawag kung hindi niya sasagutin sabi niya sa sarili
"Gosh sino ba namang loko loko ang hindi makatulog at gustong mandamay!"naiinis na sabi niya at tuluyang tinanggal ang unang nasa kanyang mukha
Kinapa niya ang kanyang bag sa table malapit sa kanyang higaan. kinuha niya ang kanyang cellphone sa loob ng bag pero hindi iyon ang nag riring,binuksan niya pa iyon pero walang tawag. Binuksa niya ang lanyang table lamp para lumiwanag ang paligid.Bumangon siya at nagtatakang lumapit sa isa pang table malapit sa kanyang kabinet kung saan may makalumang telepono. Naalala niyang sinabihan siya ng may ari na wag nalang tanggalin iyong telepono doon dahil isa iyon sa nag aadd ng value sa kanyang kwarto. Which is weird pero dahil maganda naman ang antique na telepono ay hinayaan niya na at saka mura nga kasi ang apartment niya.
Nag dadalawang isip pa siya kung kakausapin niya ang nasa kabilang linya kaya tinakpan niya muna ang mouthpiece, "baka importante! bahala na nga." Sumanandal siya kabinet niya at huminga muna ng malalim.
"Sino kaba???!!!"tanong ni Jennica sa pinakairitado niyang boses, syempre asar siya dahil sa pang iistorbo nito
"He..llo?Is this Anne?" hindi siguradong tanong ng lalaki sa kabilang linya, nahiya naman si Jennica Anne dahil sa pagtataray niya.
Napaayos ng tayo si Jennica at nagising ang kanyang buong sistema. Weird naman antok ako kanina eh
"Yes, sino kaba madaling araw na dito. Nasa ibang bansa kaba at napatawag ka ng ganitong oras?" mas mahinahon ng tanong sagot ni Jennica
Well, Anne din naman siya Jennica Anne nga lang.
Ganda ng boses ni kuya infairness
"It's really you right, Anne?" Naniniguradong tanong ng lalaki na mahahalata mong natutuwa sa kabilang linya na kumpirmahin niyang siya nga si Anne.
"Ay, Jennica Anne ako. Baka hindi ako yun hindi naman kita kilala , sino kaba? kanina ko pa tinatanong bababaan na kita ng telepono."pananakot niya may pandidilat pa ng mata kahit hindi naman siya nakikita ng lalaki
The guy chuckled.
abat nang aasar ata to ah! naisip ni Jennica ng narinig niyang tumawa ang lalaki
She heard him cleared his throat before answering. "I am Adrian, And It's you whom I wanna talk to."pagpapakilala nito sakanya.
"I saw you last month when you were moving your stuff in that apartment, actually I'm your landlady's nephew. And I don't work abroad."pagsagot nito sa isa niyang tanong.
"Ah, ganon ba? bakit ka napatawag? madaling araw na oh." Tanong niya
"I'm really interested in getting to know you, I kind of liked you, Anne."Prangkang sagot naman ni Adrian.
Jennica Anne was speechless, Napakapresko naman ng lalaking to naisip niya
"Kuya, ang ganda ng boses mo pero madaling araw na kasi, akala ko naman may importante kang sasabihin."sagot ni Jennica
Hindi siya interesadong makipaglandian ng madaling araw sa kung sino mang Adrian na to.
"Telling you that I like you is very important, I've been trying to contact you ever since you arrived in that apartment." Pag papaliwanag nito sakanya
"Nagmamadali kanaman nandito lang naman ako, nextime na. Sige na't may pasok pa ako bukas." pag didismissed ni Jennica sa lalaki.
"So, I get it that you would still talk to me, and not ignore if I call again?" Adrian is making sure that he gets a confirmation from her
"Kanina kapa english ng english sabi mo wala kanaman sa abroad."naiiritang sabi ni Jennica, nagkukunot na ang kanyang noo
Adrian chuckled again, "pasensiya kana."
"Oo, makikipag usap ako ulit sayo." sabi ni Jennica na lumambot na ang ekspresyon sa mukha.
Napakaganda ng baritonong boses ni Adrian, mala Piolo Pascual ang datingan, baka maganda ang lahi nila dahil may itsura naman ang kanyang landlady. Pero nakakapagtakang magugustuhan siya nito ano kayang nakita nito sa kanya. Ni Construction worker sa may kanto ayaw siyang sipulan pero not that she likes the attention nakakapagtaka lang talaga. She turned her neck on right and left side, nangangawit na pala siya sa kakatayo at pakikipag usap sa lalaki.
Hindi ata narinig ni Adrian ang kanyang sagot
"Hello, nandiyan ka pa ba? Oh, I see you don't like the idea."malungkot na sabi nito
"I know this is so sudden, but if you'll give me a chance...". dagdag pa nito
"Baka antok ka narin sabi ko oo nga, tumawag ka't sasagutin ko." Sabi ni Jennica Anne habang humihikab
At last, makaktulog na siya ulit
"May sasabihin kapa ba? baka naman pag nakahiga naku tumawag kana naman."tanong ni Jennica
"Nope, Tomorrow. I will let you sleep now." Halatang nakangiti ang lalaki sa kabilang linya."Goodnight." dagdag pa nito
"Good morning na kasi."di napigilang pagtataray niya.
Pagkababa niya ng telepono ay bumalik na siya sa higaan, "grabe antok na antok na ako." humihikab na sabi ni Jennica Anne ng makahiga na siya
"Wow medyo malamig ngayon ah, mas sasarap tulog ko nito." nakalimutan iyang badtrip siya sa Adrian na yun dahil sa pangbubulahaw nito sa kanya ng madaling araw, nakatulog siyang may ngiti sa mga labi.