ASAYANA “Siya?” ulit ko sabay nguso kay Heneral Marcus na seryosong kausap ang ibang kawal ng Guenera. Marahan siyang tumango sa akin na ikinagulat ko. “Talaga?” hindi makapaniwala kong tanong sa kanya. “Oo, mga bata pa lamang tayo alam ko nang may lihim siyang pagtingin sa akin. Ngunit ipina-walang bahala ko yun dahil akala ko magbabago pa yun sa hinaharap. Lalo pa nang makilala ko si Prinsipe Xenos. Ngunit nang magising ako mula sa kamatayan ay siya ang una kong nagisnan. Kaya nalaman ko ang kanyang hinaharap.” Paliwanag niya sa akin. Tunay nga na kahanga-hanga ang kanyang abilidad na namana niya kay Lola Selsa. “Masaya ako dahil alam kong mabuting tao si Heneral Marcus. Isa siya sa tapat na tagapaglingkod ni Ama kaya siguradong hindi magiging hadlang ang kanyang katayuan upang m

