XENOS Tahimik kong pinagmasdan ang maamo niyang mukha. Para siyang anghel na natutulog ngayon sa tabi ko. Kahit paano ay napayapa na ang aking isip dahil sa natapos na digmaan. Makakapag-pahinga na rin ako ng walang iisipin kundi ang antayin ang magiging sumpling naming dalawa. Nakakalungkot man isipin ngunit nangyari na ang mga nangyari. Nawalan siya ng kinilalang ama at kapatid. Pati ang kanyang kakambal ay nawala na din. Ang tanging hiling ko na lamang ay malagpasan niya ito at makita ko na ulit ang matamis niyang ngiti sa labi. Hinalikan ko siya sa noo at iniyakap ko ang aking kamay sa kanyang beywang. “Iniibig kita…Asyana…” bulong ko sa kanya. Gumalaw siya at mas nagsumiksik pa sa aking dibdib. “Mahal din kita mahal kong prinsipe…” Napangiti ako at ipinikit ko ang aking mga mat

