ASYANA Pagkabalik namin sa palasyo ng Astral ay tumuloy na kaagad kami sa bulwagan kung saan hinihintay ni Heneral Marcus ang aming pagdating upang ipahatid ang magandang balita. Nakangiting sumalubong siya sa amin nang bumungad kami sa pinto. “Tunay ba ang sinabi ni Heneral Cyrus?” pag-compirma ko sa kanya. Yumuko siya sa amin bilang pagalang. “Mahal na prinsesa, hinintay na po ni Emperador Adeo ang yung pagdating. Totoong nabuhay si Prinsesa Malyana. Nasaksihan mismo ng mata ko kung paano. Lumakad si Selsa patungo sa kanyang walang buhay na katawan. Nakita namin ng yung ama’t ina kung paano bumalik ang kanyang kulay at buhay nang painumin siya nito ng likido at hawakan nito ang kanyang kamay. Nakita din namin kung paano naging kulay puti ang lahat ng buhok ni Selsa at kung paano siya

