CHAPTER 9.1

1360 Words
MAKALIPAS ng ilang minuto, narating na namin ang palasyo at pagdating ko nakaayos na ang lahat. Ang napaka lawak na ground floor ay nakapalibot na ang mga mesang may mga lamang magagarang kubyertos at na sinabayan pa ng mga nakaayos na upuan sa hugis bilog na mesa at nakalatag ang  kumikinang na mint green colored table cover kaya napansin pansin ito tignan. Nakailaw na ang mga naglalakihang tatlong chandelier na nakasabit sa itaas. May red carpet na ang naglalakihang magkabilang hagdan pero sa kanan ako hahakbang pababa na wala nang takip ang mukha ko. Pag pasok ng malawak kong silid, nakahanda na ang susuotin ko pababa pataas para bukas ng gabi, kaya maaga akong nagpahinga. _ KINAGABIHAN… “The guests were waiting.” Seryosong saad ni Mister Hero kaya bumaba na ako sa bakal na patungan dahil kakatapos lang isiuot ang heels ko. Kasama ko ngayon dito sa loob ang makeup artist, hair stylist, taga ayos ng ball gown ko. “You’re so beautiful your highness.” Sabi ng make-up arist ko at kanina ko pa ‘yan naririnig sa kaniya kaya napangiti lang ako. “Tayo ang unang nakakakita ng hidden beauty ng Prinsesa kaya napakaswerte natin.” Saad naman ng Taga ayos ng gown ko habang tinitigan ako pababa pataas. “I was surprised to your sky blue eyes your highness, just like the Queen. Your beauty was carved by the angles… your thin rosy lips, your soft and pale skin… and your small-sexy-face. Siguradong magugulat ang lahat sa taglay mong kagandahan, Princess Nataxia.” Nakangiting saad ng Make-up artist ko. “Thank you Miss Selivia.” “Your hair is already done your highness, the gown was suitable for my style. You’re like a nature goddess, and my scented flowers smells good.” Sabi naman ni Miss Kate kaya napatingin ako sa malaking salamin dito sa harapan ko. Napatalikod ako at kitang kita ang buhok kong nakatirintas na may mga maliliit na bulaklak na nakalagay sa buhok ko kaya ang ganda tignan. Kapansin pansin rin ang kumikinang ang kulay berdeng batong nakasulsi sa pangitaas at ang kumikinang rin na transparent silk ng gown ko. “Done Mister Hero, you can accompany now the Princess.” Nakita kong tumango si Mister Hero kaya naglakad na kami papunta sa harap ng pintuan. Ang kwartong ito ay pinakagitna dito sa ikalawang palapag at paglabas ko dito, bubungad sa ‘kin ang mga tao sa ibaba na kanina pa ako hinintay. Nakita ko namang may tinawagan si Mister Hero dito sa gilid ko kaya ‘yun na ang sign na bubuksan na ang pintuan. “Your Highness, be ready… in one… two… three…” Pagkatapos sabihin ni Mister Hero ang mga salitang ‘yun, unti unti ng bumukas ang pintuan at sinalubong agad ako ang ilaw ng spotlight dito sa itaas. Bumungad sa ‘kin ang mga mukha ng mga bisitang nakasuot ng kaniya kaniyang magagarang kasuotan at ‘nung makita na ako, mukhang ang lahat ng atensyon ay nasa akin na. Huminga naman ako ng malalim para salubungin sila. “THE ROYAL HIGHNESS OF SERROFINA’S KINGDOM! PRINCESS NATAXIA SEROFINNA LUCIAN!” Umalingawngaw ang boses ng Emcee sa buong palasyo kaya ngumiti ako habang kumaway at sumunod na ang nakakabinging palakpakan sabay inihakbang ang mga paa ko pababa ng hagdan at kinapitan ko gamit ang dalawang kamay ang gown ko para makababa ako ng maayos. Nakikita ko sa mga mata ng bisita ang pagkamangha habang nararamdaman kong pinagmamasdan nila ang bawat galaw ko. “She’s the most beautiful princess in all kingdoms.” “Finally I saw the hidden beauty of the Princess!” “She has blue eyes!” “Princess Nataxia is indeed beautiful.” Ilan lang ‘yan sa naririnig ko mula sa bisita habang pababa na ako sa ground floor at nang makababa na ako, sinalubong ako ni Heneral Athlas para ialay niya ang kanang kamay niya para alalayan ako paakyat sa trono nina Mom at Dad dito sa gitna ng magkabilang hagdan dahil ganito naman talaga ang dapat. At ‘nung makaakyat na ako, inialay naman sa ‘kin ng Royal Emcee ang isang golden Microphone kaya itinanggap ko ‘yun at iniharap ko ang mga taong nakatayo sa kani-kanilang upuan pero hindi ako nagpapahalatang hinahanap ko si Jerickho sa mga bisita pero sobrang dami nila at may kalayuan kaya hindi ko siya mahanap. “Good evening ladies and gentlemen, I’m Princess Nataxia Serofinna Lucian of Serofinna’s Kingdom. The name of our Kingdom came from the second name of my great great grandmothers or the Queens and that name were passed generation to generation. That’s why this kingdom is really my honor to serve my people as the next queen. In celebration of my 19th birthday, I would like to thank my Father. King Xaidex Lucian, my Mother Queen Natacia Serrofina Lucian, thanks for everything.” Saad ko sa pormal na boses habang nakangiti kaya pinalakpakan ako ng mga bisita habang nakatitig lang sila sa ‘kin. “For my loyal subjects in Kingdom, thanks for the hard work, loyalty and purity. To my guests, the Prince of different kingdoms and of course, the Emperors different nations… thank you coming. I know that was a long journey just to have here.” Saad ko habang pasulyap sulyap sa paligid at biglang nahagip ng mga mata ko ang isang mesa na nakatayo sina Valentino pero hindi ko maaninag ang mukha niya dahil may kalayuan dito sa kinaroroonan ko. “Thank you, your highness! And this is the Cake made from the famous cake maker in our Kingdom! Mister Delfin Wyatt!” Napatingin ako sa ilalim ‘nung inilawan ng splot light ang isang cake na hinihila ng apat na tao kaya nagpalakpakan ang lahat dahil may kalakihan ang cake na color mint green na may dark green roses ang nakadisenyo sa cake at binilang ko sa isip ang layers na sa mga lima pero sobrang laki ang bawat layer kaya apat na tao ang nakaalalay papunta sa gitna dito sa ilalalim namin. “And now, hold your glass!” Sigaw ng Royal Emcee kaya napatingin ako sa gilid ko dahil may Wine Glass dito na may lamang red wine kaya dinampot ko ‘yun. “Happy Birthday Princess Nataxia!” Sigaw nila at umecho sa buong paligid ang pag dikit ng kani-kanilang mga wine glass. Itinaas ko naman ang baso bago ininom ang laman. “And now, before the presentation of Royal Gifts… Let’s have the Royal Ball! Music Maestro! The Waltz!” Masiglang sigaw ng Emcee at nakarinig agad ako ng musika kaya naglakad na ako sa kinaroroonan ng upuan ko sa gitna nina Mom at Dad. Nang makaupo na ako, napansin kong kaniya kaniya na ang mga bisita para maglakad sa gitna habang mas dumadami na ang spotlights. “Happy Birthday our Princess.” Bati nina Mom at Dad na sabay akong hinalikan sa magkabilang pisngi. “Thank you Dad… Mom…” Nakangiting saad ko. “My Princess, look but wait… that is Emperor Vehex of Hectoria’s Empire… Emperor Bekhan of Hoji’s Empire and the Prince from Sky Kingdom… and a gentleman were staring at you. Well I couldn't blame them, because we have beautiful daughter.” Sabi ni Dad habang bahagyang tumawa kaya napatingin ako sa apat na kalalakihang nakasuot ng tuxedo na huminto sa kinaroroonan ko. Pero biglang kumunot ang noo ‘nung nakita ko si Valentino na isa sa nakayuko na ngayon sa ilalim ng hagdan? Hindi naman gaanong maataas ‘tong trono nina Mom at dad dahil limang hakbang lang para makarating ka dito sa itaas. Pero kapansin-pansin ang suot ni Valentino ngayon, mas lalo siyang naging presentable tignan sa maroon colored tuxedo niya at napabaling naman ang tingin ko sa tatlong kalalakihang nakangiti habang nakatitig sa ‘kin ngayon. Mas ikinagulat ko pa ‘nung sabay nilang inilahad ang mga kamay niya sa harapan ko at yumuko. “Can I have a Dance, your highness?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD