CHAPTER 9

1329 Words
CHAPTER 9 Nataxia Serofinna’s POV AGAD akong napahinto sa paglalakad dahil narinig ko ang boses ni Valentino at nagmumula ang tinig na ‘yun sa likuran ko kaya dahan dahan ko siyang nilingon. “Who… is he?” Madiing tanong niya habang nakatitig siya kay Jerickho na nakaharap rin ngayon sa kaniya. “I’m Jerickho Redison—“ “I’m not asking you.” Putol ni Valentino kaya sinamaan ko naman siya ng tingin dahil wala namang ginagawang masama ang tao. “Maybe I’ll go now Miss Hades, pass that books to me.” Hinayaan ko nalang na kunin ni Jerickho ang librong kapit kapit ko at binalingan naman ng tingin si Valentino na nakasalpok ang makakapal niyang kilay habang nakatitig na sa ‘kin. “See you around.” Dagdag pa niya sabay talikod sa ‘kin kaya sinundan ko siya ng tingin at pinagmasdan ko nalang siya habang nawawala siya sa paningin ko. Napangiti naman ako ng bahagya dahil parang lumulutang ang puso ko dahil sa gaan ng pakiramdaman ko sa kaniya at sinabayan pa ng kalmado niyang boses na nakarecord pa sa mga tenga ko. Ang mga galaw din niyang parang hindi makabasag pinggan dahil banayad lang. “So… he is the fvcking guy huh?” Hindi katulad sa nagsalita ngayon na ang gaspang kumilos at sinabayan pa ng bibig niyang maputik. “Yes he is, Valentino.” Sabi ko sabay harap sa kaniya pero ‘nung nakaharap ko na siya, napatingin ako sa mukha niyang mas lalo lang yata gumusot kaysa kanina? “What did you say?” Madiing bulong niya sabay hakbang papalapit sa ‘kin. “How did you know my second name?” Napahawak agad ako sa bibig ko dahil ‘dun. “A-Ah k-kasi, nakita ko sa department niyo ang full name mo kahapon yata ‘yun? Pero teka, ‘diba pangalan mo naman ang ‘Valentino’ ba’t nandidilim talaga ang paningin mo d’yan? “I hate that fvcking name. Stop calling me like that, it’s disgusting.” Sagot niya sabay hinto sa harap ko. “Now, go back to your room Maria and would you stop flirting with the other guys?” Sabi niya sabay pakita ng kanan niyang malaking kamao. “Okay.” Maikling sagot ko dahil nawalan na yata ako ng gana ngayon dahil may umepal sa moment namin ni Jerickho. Tumalikod nalang ako para makabalik sa classroom at ibibigay ko na ‘tong excuse letter pero sa tingin ko wala namang pasok kanina dahil nagbabalot sila ng regalo para sa ‘kin. Hahakbang na sana ako pero naramdaman kong may humawak sa balikat ko kaya walang ganang hinarap ko ulit ang Valentino na ‘to. “Pupunta ka ba sa Royal Ball bukas ng gabi?” Seryosong tanong niya sa ‘kin sabay tinanggal ang pagkakalapag ng kamay niya sa balikat ko. “Nah, I’m busy at wala akong damit na maisusuot. Isa pa, pupunta ako doon na naka-mask?” “What? Why you didn’t ask me in the first place? Then I will buy it for you.” Hindi ko alam kung magugulat ako o ano pero mukhang seryoso yata ‘tong Valentino na ‘to na bibilhan ako ng ball gown? Kanina lang mukhang galit tapos biglang umamo. “No need, ‘diba nagiipon ka para pakasalan ang Prinsesa? Itago mo nalang ang pera…” May idadagdag sana ako sa mga sasabihin ko pero bakit ko sinabi ‘yun eh ako nga ang prinsesa? Pinapalabas ko tuloy na gusto kong pakasalan niya ako. “Don’t worry, my bank account contains wait… 10 point million something? That isn’t enough to marry a princess but we have ongoing missions.” Kalmadong saad niya sa ‘kin habang pinagmamasdan ko siya kanina na parang nagbibilang siya sa mga daliri niya habang nakatitig sa ere. Well, I find it cute while he’s doing that and when he’s not grumpy, I think Valentino is not just a bad boy but he has a good heart also. “I said no need—“ “Yow! Lady Maskie!” Hindi ko na napatapos ang sasabihin ko dahil may bigla akong nakarinig ng pamilyar na sigaw at boses kaya napasilip ako sa likuran ni Valentino. “Metal, we need to go. Maghahanda na tayo ng susuotin para mamayang gabi.” Sabi ni Diamond habang nakaakbay sa kaniya si Silver. Nang makarating na sila sa kinaroroonan namin, napatitig ako sa kanilang apat dahil may face black colored mask din sila katulad ko. “Bakit may suot-suot kayong mask?” “We will go outside to find some suits so we need to wear this just in case of emergency. Kailangang makakapili kami ng susuoutin na walang sagabal dahil pinagdidiskitahan kami ng mga nagkakalat na gangs sa paligid.” Paliwanag ni Emerald kaya napatango naman ako. “Mauna na kami Lady Maskie!” Sigaw ni Silver sabay akbay kay Valentino at umalis na sila sa harapan ko kasama si Diamond at Emerald. Parang hindi ko pa yata alam kung ang mga totoong pangalan nila. “And you, Miss Maria pupunta ka ba sa palasyo bukas?” Tanong sa ‘kin Gold na kaharap ko ngayon. “I have many things to take care of.” “Sayang, tinatanong kita ngayon dahil sabay nalang sana tayo bukas ng gabi Miss Maria.” “Thanks, just enjoy the Party tomorrow night.” Sagot ko sabay ngiti dahil makikita ko naman sila bukas pero, bilang isang prinsesa. “So I will go now.” Tumango nalang ako kaya umalis na siya sa harapan ko, at ako naman babalik na ako sa loob ng classroom para magpaalam muna sa professor namin bago umalis. _ MAKALIPAS ang ilang oras, naghahanda na kami ngayon para umalis kasama si Mamita dahil nandito na ang sundo namin galing palasyo. “Baby, tara na.” “Yes Mamita.” Tugon ko sabay baba ng hagdan dahil nagaayos ako kanina sa salamin. “Let’s go.” Sabi ko pa at lumabas na kami ng bahay para makapasok na sa kotse na hindi pagmamay-ari ng palasyo. “Mister Hero, how’s Mom and Dad?” Tanong ko ‘nung pinagbuksan niya ako ng pinto ng kotse. “They were excited to your reveal your highness, they’re so proud because the Emperors of three nations will attend to your birthday.” Tugon niya sa ‘kin ‘nung makapasok na ako ng tuluyan sa kotse at sunod na pumasok si Mamita, pati narin ang body guard ko. “Grabe Baby, biruin mo? Tatlong emperador ang bibisita sa ‘yo? Siguradong ang gagara ng mga regalo nila sa ‘yo!” Masayang saad ni Mamita kaya napangiti nalang ako. “Mga binata ba sila, ginoong Hero?” “Yes, Madame.” “Kaya pala pupunta kasi binata pa!” “May mga prinsipe ring dadalo, sa pagkakaalam ko mga nasa tatlumpu silang lahat na nanggagaling pa sa ibang kaharian.” Pinakinggan ko nalang sila habang naguusap habang nakatitig lang ako ngayon sa labas ng bintana at napapaisip ako kung ano ang mangyayari sa mga susunod na araw pagkatapos ng kaarawan ko. Pero ang mas iniisip ko ngayon ay ang mga ganap sa labas ng palasyo, kinakailangan ko ng mga matatapat na disipulo na maglilingkod sa kaharian. Sa nakikita ko, si Valentino at ang mga kasamahan niya ang may potensyal para tugisin ang mga masasama. Hindi ko gustong aabot sa punto na malalagay sa piligro ang kaharian kagaya ng sinabi sa ‘kin ni Gold na may posibilidad na susugurin ng mga masasamang loo bang palasyo at papaslangin ng nasa loob nito. Kung hindi maganda ang pamamalakad ni Heneral Athlas, may pipigil sa kaniya kung sakaling hindi patas ang kaniyang binibigay na serbisyo sa mga mamamayan. Kaya kailangang maging kawal sina Valentino.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD