CHAPTER 8.1

1483 Words
MAKALIPAS ang ilang minuto, narating na namin ang destinasyon at tinutungo naman ngayon ang building namin. “See you around Maria, watch out to a fvcking guys here.” Madiing paalala niya bago umiba ng direksyon kaya mas binilisan ko na ang paglalakad ko papuntang classroom. “Attention everyone, tomorrow is the awaited moment for us. The Princess of Serrofina’s Kingdom will celebrate her 19th birthday. Wait for the representatives for your invitation! See you on the palace!” Umalingawngaw ang isang announcement sa buong Academy at sinabayan pa ng mga nakakabinging sigawan habang paakyat na ako sa building ko. NANG makarating na ako sa hallway ng ikalawang palapag, pinasok ko kaagad ang classroom at bumungad sa ‘kin ang abala kong mga kaklase. “My gift is a diamond ring costs 400 thousand!” Napabaling naman ang tingin ko sa kaklase kong babae na isa siya sa listahan ko para parusahan. Nakaupo siya sa kabilang row habang pinakita ang isang maliit na dark blue box na may kumikinang na singsing. Sa nakikita ko ngayon, abalang abala sila sa pagbabalot gamit ang magagarang palamuti para sa regalo nila SA ‘KIN. Umupo na ako dito sa desk ko dahil kay gandang pagmasdan ang mga regalong ibibigay nila para bukas. Wala pa ang professor namin para maibigay ko na ang excuse letter ko kaya magliwaliw muna ako ngayon habang inuusisa ang mga galaw nila. Napangisi nalang ako ngayon dahil napakaseryoso nilang magbalot ng kaniya-kaniyang regalo sa desk na puno ng mga kumikintab na pambalot. May maliliit na box, at malalaki. “Attention everyone, how’s your gift packing? Tell me what’s your present to the Princess, one by one starts in the first row.” Bugad ng lalake naming Professor na may hawak hawak na attendance book at binuklad niya ‘yun sa mesa niya sabay umupo. “This is my gift for the Princess. Three dresses, made by me.” Napangisi naman ako ‘nung ipresenta ng isa kong lalakeng kaklase ang isang Red Box na may kalahihan kaya nagpalakpakan naman sila. “Mine is a necklace.” “10 pairs of Shoes.” “A gown made by the emperor’s silk.” “Pera nalang, wala na akong maisip na mai-regalo.” Sabi naman ng isang lalake kong kaklase kaya nagtawanan naman ang sila. “Designer’s bag.” “Jewelries.” Napahikab naman ako dahil halos magkaparehas lang silang lahat ng regalo pero kahit simple lang ang natanggap ko, ayos na sa ‘kin ‘yun. “Your turn Miss Maria Hades, what’s your gift?” Napaupo ako ng maayos dahil tinawag na ako ng professor ko habang nakatitig ang lahat sa ‘kin. “I didn’t bring my gift for the Princess, Mister Celix.” Mabilis na sagot ko at bigla naman silang nagtawanan habang nakatingin sa ‘kin na inaasahan ko na ‘tong gagawin nila. “Stop laughing. It’s fine, Miss Maria Hades but make it sure that you have your gift tomorrow.” Sabi ng professor namin kaya tumango nalang ako. “Ang sabihin niya, hindi niya kayang bumili ng regalong pang prinsesa. Palusot pa kasi.” “I feel pity for her, loner, and a kind of introvert.” “For sure, hindi siya makapunta sa palasyo dahil isipin niyo? Pupunta siyang naka mask?” Hindi ko nalang pinansin ang mahihinang tawa nila at kinapa ko nalang ang maliit na notebook ko na nakaipit sa isang makapal na libro dito sa ilalim ng desk ko dahil may karagdagang points nanaman si KC ngayon. Napangisi nalang ako ‘nung dinagdagan ko ng isang guhit sa gilid ng pangalan niya at hindi ko na mabilang kung ilan ang atraso niya sa ‘kin. Nagpatuloy ang pagpresenta ng mga regalo nila pero wala na ako sa focus dahil nakakatamad na pakinggan ang mga kayabangan nila. “Excuse me, Mister Celix I’m here to give the Royal Invitation for your students.” Awtomatiko akong napatingin sa pintuan dahil tumagingting bigla ang boses ni Jerickho sa tenga ko! “Come in.” Tugon ng Professor namin habang nakangiti akong pinagmasdan ang bawat galaw ni Jerickho at narinig ko kaagad ang mahihinang tili ng mga kaklase kong babae. Pag sinuswerte nga naman, hindi ko na pala kailangang hanapin para makita ko siya dahil siya na mismo ang nagpunta dito. Nakita kong inisa-isa na niya ang desk para ilapag ang mga invitation pero ramdam ko kaagad na dumoble ang kabog ng dibdib ko dahil alam kong pupunta rin siya sa kinaroroonan ko “Excuse me Jerickho, ako nalang ang gagawa niyan sayo.” Parang gusto kong batuhin ng libro ang class president namin na tumayo para agawin ang pulang envelop kay Jerickho! Napabuntong hininga nalang ako dahil isa siya sa mga nakasulat sa punishment notebook ko dahil sa ugali niyang napakaganda. Napatingin naman ako kay Jerickho na tumayo nalang sa unahan habang hinintay maubos ang invitation pero nakatitig lang ako sa kaniya ngayon at nakakatunaw ng puso dahil mas malapit ko siyang nakikita ngayon. Don’t worry Jerickho, sana makausap kita bukas ng gabi para makaamin na ako sa nararadaman ko sayo. Makalipas ang ilang minuto, napakunot ang noo kong nilagpasan lang ako ng class president namin? Tss, ayos lang dahil hindi ko naman kinakailangan ng invitation at halata namang ginawa niya ‘to para hindi makalapit si Jerickho sa ibang babae. “Done! Thank you for the invitation Jerickho~” Malanding saad niya kaya inikot ko nalang ang mga mata ko dahil nakakairita ang boses niya. “Everybody had the invitation?” Seryosong tanong ni Jerickho kaya itinaas ko kaagad ang kamay ko at kagat labi na lang ‘nung napatingin siya sa kinaroroonan ko kaya ibinaba kaagad ang initaas kong kanang kamay dahil bigla akong nanlamig ngayon. Normal lang siguro ‘tong reaksyon pag nabigyan ka ng atensyon ng taong matagal mong pinagmamasdan sa malayo. “Sorry but wala ng natira sa imbitasyon—“ Naputol ang sunod na sasabihin ng class president namin dahil naglakad bigla si Jerickho sa kinaroroonan ko habang may kinukuha siya sa dark green polo uniform niya, doon banda sa kanang didbib. “You may have this miss. I have an extra invitation so don’t worry.” Sabi niya sa ‘kin sabay iniabot ang invitation pero mas triple yata ang t***k ng puso ko ngayon dahil mas malapit na sa isang metro ang pagitan namin sa isa’t isa! Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit ko siya nagustuhan dahil napakamatulungin niya. “T-Thanks for your kindness, Jerickho.” Tugon ko sabay itinanggap ang invitation card na nakalagay sa mint green small envelope. “Jerickho? Pwede bang isauli mo ‘to sa building ni Miss Loren?” Napatingin naman ako sa unahan ‘nung inilapag ng Professor ko ang apat na makakapal na libro. “Of course sir, dadaan naman ako doon.” Sagot niya sabay naglakad sa kinaroroonag ng Proffesor ko pero napansin kong nakatingin sa ‘kin ng nasusuklam na titig ang mga kaklase kong babae pero hindi ko ‘yun pinansin at kay Jericho lang makatuon ang atensyon ko ngayon. “Miss Maria Hades, tulungan mo si Mister Jerickho sa pagdala ng libro. Total, siya ang nagbigay sa ‘yo ng invitation.” Grasya na ‘to, bakit ko pa tatanggihan? Tumayo agad ‘nung inutusan din ako ng Professor namin at naglakad sa unahan sabay kinuha ang dalawang makakapal na libro. “Thank you Mister Celix, aalis na po kami.” Parang lumundag yata ang puso ko ‘nung sinabi niya ang word na ‘kami’, pero walang kami. Nagsimula na siyang humakbang papalabas dito sa classroom kaya sinundan ko siya pero alam kong halos papatayin ako sa titig ng mga babae kong kaklase pero sorry na lang sila. “What’s your name again?” Tanong niya bigla habang nandito siya sa kaliwa ko kaya tumikhim muna ako ng bagaya para sagutin ang tanong niya. “Maria Hades.” A Princess who was looking for prince and that’s you. “I see, but why are you wearing a mask? You’re not feeling well Miss Hades?” Kinagat ko kaagad ang ibabang parte ng labi ko dahil gusto kong tumalon ngayon sa saya dahil sa wakas, nakausap ko na siya. “I’m just sensitive in dust particles, Jerickho.” Sagot ko habang inakap ko ang libro dahil mabigat sa kamay pag binibitbit. “If you have an allergy, don’t take a medicine daily. It may harm your health.” Sabi niya habang malapit na kami makababa sa hagdan at napapangiti nalang ako sa paalala niya sa kin. “Yes that’s why I’m wearing a mask—“ “Fvck that. Stop right there, Maria.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD