CHAPTER 8

1238 Words
CHAPTER 8 Nataxia Serrofina’s POV KUMAWALA nalang ako ng buntong hininga habang patuloy lang sa paglalakad at umakto akong hindi ko siya kilala. “Perfect timing.” Rinig kong saad ni Heneral Athlas sa malalim na boses habang papalapit kami sa kaniya. Napabaling naman ang tingin ko kay Valentino na napakaseryoso ang mukha niya habang nakatitig kay Heneral Athlas. “What do you want, General?” Madiing tanong niya sabay hinto sa paglalakad kaya napahinto rin ako sabay binalingan ng tingin si Heneral na naka formal attire, kapansin pansin ang tindig at porma niya sa black suit kaya lumalabas ang kakisigan niya ngayon. “You’re so lucky human, Mister De Angelo. The Princess helped you to your murder case.” Kaswal na sabi niya sabay baling ng pasimpleng tingin sa ‘kin kaya sinamaan ko siya agad ng tingin ‘nung nagtagpo ang mga mata namin. “Then?” Maikling sagot ni Valentino habang nakapamulsang naghihintay ng sagot ni Heneral Athlas. “Then, I’m here to give this royal letter.” Sagot niya sabay iginalaw ang kaliwang kamay at mukhang may kinukuha sa loob ng jacket ng three-piece suit niya. Pwede namang ipagutos sa ibang kawal, bakit pa siya pumunta dito?! Mabuti nalang hindi kami naabutan ‘dun sa mismong loob ng hideout nila dahil maging mainit ang tensyon sa pagitan ng grupo ni Valentino at may posibilidad na marinig ni Heneral Athlas ang pinaguusapan namin tungkol sa panunungkulan niya. “Letter of what?” “Letter of termination. You’re not one of the criminals anymore, that’s why you’re a lucky human.” Tugon niya sabay hakbang pa para maiabot ang letter kay Valentino. “Yes I am, General.” Sagot naman niya sabay tanggap ng letter at nakita kong napatingin sa ‘kin si Heneral pero iniwas ko kaagad ang tingin ko dahil may kasalanan ‘to sa ‘kin. “You may go now.” Dagdag ni Valentino at habang binubulsa na ang letter. “If you will do such crime again, I won’t let you live.” Saad ni Heneral Athlas sabay talikod na kaya huminga nalang ako ng malalim dahil halata namang nagseselos siya kay Valentino kaya ganito ang akto niya ngayon. Hindi ako ga’nun ka manhid para hindi ko mahalata ang galaw niya, pero hindi naman tamang pahirapan niya ang isang tao habang hindi pa naimbestigahan ang totoong nangyari. Pinagmamasdan ko nalang siya habang papalayo siya sa ‘min ni Valentino pero napakunot bigla ang noo ko ‘nung narinig kong may napunit na papel kaya napatingin ako dito sa gilid ko at hindi ako nagkamaling pinupunit nga pira-piraso ang Royal Letter na natanggap ni Valentino. “I want to kick his a*s, fvck that General. I’m itching to kill him.” Madiing sabi niya sabay lakad kaya sinundan ko naman siya. “Paano nalang kung maging isa ka sa mga kawal niya? Hindi kayo magakakasundo niyan.” Saad ko habang nasa likuran lang niya ako. “Sa nakikita ko, hindi maging maganda ang pakikitungo sa ‘yo ng heneral.” Malaki ang posibilidad na mabigat ang pakikitungo nila sa isa’t isa pero hindi naman yata aabot sa punto na magpatayan dahil ako kaagad ang makakaharap nila. “I don’t care to that s**t, my mission is to protect the princess. Not only as a soldier, but his loyal protector.” Napahinga naman ako ng malalim dahil bigla bigla nalang kumabog ng mabilis ang dibdib ko dahil sa sinabi niya. “Bakit mo gustong maging tagapagtanggol ng Prinsesa? Ano ba talaga ang dahilan mo?” “I admired her.” Sagot niya sa ‘kin habang patuloy namin tinatahak ang daan palabas ng lugar na ‘to. “…and my heart belongs to her.” Awtomatiko akong napahinto sa paglalakad dahil mas lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko dahil sa hindi ko inasahan na nasabi ko ngayon. Nakita kong napahinto naman siya agad at bahagya siyang napalingon dito sa ‘kin. “Don’t worry I won’t use you for anything, Maria. Just be with me.” Pinagpatuloy ko naman ang paglalakad ko baka ano ang sasabihin niya at binilisan ko pa ang hakbang ko para makasabay ko siya. “Hindi ka pwede sa Prinsesa dahil alam kong hindi ka kasapi sa mga Royal Blood.” “You’re wrong, I can marry her if I’m higher than a prince. That’s why I’m earning a money, may nabasa akong isang article na nagpakasal ang isang prinsipe sa babaeng hindi nila kadugo. I think that woman is a millionaire or something, if I had the money… I have a chance with her.” Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko ngayon sa sinabi niya pero wala akong alam na pwede palang magpakasal ang isang royal blood sa hindi nila kadugo? Tapos, hindi ako makapaniwalang nagiipon pala siya ng pera para pakasalan ako?! “Wait, are you sure? Nagiipon ka ng pera para pakasalan ng Prinsesa? Sa anong paraan dahil nagaaral ka?” Tanong ko habang binalingan ko siya ng tingin at seryoso lang siyang naglalakad dito sa gilid ko. “That is the first reason why I joined this group, if we have a transaction… then we can have money. The lowest payment is five hundred thousand, it depends on the opponent. But of course, my comrades have their part also. The second reason is I don’t have deep pockets just like my comrades so I need a money to sustain our needs with my father.” Hindi ko alam pero… napangiti ako sa naririnig ko ngayon mula sa kaniya, akala ko talaga masama siyang tao na walang ibang ginawa kundi magkipagbasag ulo sa Academy dahil lagi siyang pinagmumulan ng away doon. “Pa’no nalang kung masasayang ang effort mo? Paano nalang kung may nagugustuhang iba ang Prinsesa dahil hindi naman ‘yun maiiwasan?” Tanong ko, at si Jerickho ang isa sa mga dahilan kung bakit ako nakikipagsapalaran dito sa labas ng palasyo dahil sa kaniya ko nakita ang potensyal ng isang Prinsipe. Sana nga makita ko siya mamaya sa Academy. “If I failed, then I will marry you, instead.” Nanlaki nalang bigla ang mga mata ko dahil natipalok ako bigla! Mabuti nalang, nakabalanse ako at napakapit nalang sa balikat niya. Pero syempre, inalis ko naman agad. “Be careful, Maria.” Paalala niya. Pero Grabe naman ang utak ng lalakeng ‘to! Halos lahat lalabas sa bibig niya, nabibigla na lang ako! “Ano ako? Gagawin mo lang na option? Ayos ka din magsalita.” Iritableng na saad ko. “You’re my property Remember?” Tugon niya pa sabay baling sa ‘kin ng tingin pero inikot ko na lang ang dalawa kong mga mata. Pero grabe naman yata ang effort niya para maikasal lang sa ‘kin? Binihira lang yata mangyari ang sinabi niyang nagpakasal ang isang royal blood sa hindi nila kadugo dahil sa kaniya ko lang ‘to narinig. After all, napabilib ako sa kaniya ng konti dahil makipagpatayan ba naman siya para pakasalan lang ako? Hindi nalang ako nagsalita sa huling sinabi niya at naglakad nalang ako ng tahimik para makarating na kami sa na highway at makabiyahe na papuntang Academy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD