CHAPTER 7.1

1222 Words
“Wala tayong magawa dahil hindi tayo kasapi ng hukbo.” Sabi naman ni Emerald kaya napabuntong hininga ako dahil mukhang sila ang pumapasan ng responsibilidad sa palasyo. Naniniwala ako sa kanila dahil doon palang sa ginawa ni Heneral Athas kay Valentino, hindi talaga tama. “I hope that the Princess will give me a chance to become one of soldiers in the palace.” “Then, I will convince the King.” Sabi ko at nakita kong sabay nila akong binalingan ng tingin. “I mean, medyo malapit sa hari ang kakilala ng Dad ko kaya pwede akong makiusap. Sa nakikita ko ngayon, may potensyal kayo para maging kasapi ng mga kawal pero hindi ga’nun ka karaniwan dahil tumutulong kayo sa mga tao.” “Are you sure Miss Maria? May mga pagsubok bago ka maging isa sa mga disipulo ng Heneral?” Tanong sa ‘kin ni Emerald. “You can’t avoid that, Emerald. Life is full of challenges, life is a game. You have to play with it, if you can’t, then you’re loser.” “Wait, I can see your wings Lady Maskie! Are you a real life angel?” Napabaling naman ang tingin ko kay Silver dahil sa sinabi niya. “Metal, ‘wag mo na ‘tong pakawalan!” Natatawang saad niya pa kaya napailing nalang ako dahil ginagawa ko lang ‘to sa kaharian. Mukhang hindi maganda ang pamamalakad ni Heneral Athlas, kaya karapat dapat ang limang lalake na ‘to na maging kasapi ng mga kawal dahil kung hindi na nila mapipiligilan ang maling hangarin, makokontrol nila ito. “Sasabihan ko kayo para sa pagsubok dahil itatanong ko pa kay Dad kung ano ano ang mga ‘yun para makapaghanda kayo.” Sabi ko pa, pero alam ko talaga ang mga pagsubok para maging isa kang kawal o guwardia. Hindi ko muna sinabi dahil mahirap na. Base sa kasulatan, may ginaganap ang labanan sa loob ng palasyo at manonood ang hari kasama ang heneral pero kung gusto ko masaksihan ang laban, pwede akong manuod. Ang laban ay hindi pwedeng magpatayan pero hindi maiiwasang masugatan, hanggang d’yan lang. Ang makakalaban mo ay mga kawal rin, depende kung ilan ang gusto ng heneral. Pag nakapasa ka sa mga mata ni General Athlas, kasapi ka na ng hukbo. Hindi ko na sila padadaanin sa ‘General’s Department’ para sa ibang requirements dahil ako na ang bahala makipagusap kay Dad, isasalang agad sila sa tower ng palasyo para sa pagsubok. “Ihanda niyo lang ang sarili niyo sa pagsubok dahil nakapedende sa royal letter na ipapadala dito.” Sabi ko pa at tumayo na dahil kinakailangan kong bumalik sa palasyo pero kinakailangan ko pa palang pumunta sa Academy para ibigay ang excuse letter dahil hindi ako pumasok ngayong umaga dahil nga may inaasikaso. Pero sa letter na pinagawa ko kay Mister Hero, pinalabas ko nalang na nagpacheck-up ako sa hospital. “I have to go—“ “We have to go.” Putol ni Valentino sa sinasabi ko at nakita ko siyang pilit na tumayo. “I need to stretch my body for tomorrow.” “It’s up to you dude and I needed some rest so advance good night.” Sabi naman ni Silver sabay tayo kaya naglakad na ako papunta sa pintuan at naririnig ko naman ang hindi pantay na yapak ni Valentino sa likuran ko. “Maria, wait for me.” Saad niya sa maawtoridad na boses kaya nilingon ko siya at naglalakad papunta sa kinaroroonan ko pero hindi maayos ang maghakbang niya. “Sabi ko kasi, kaya ko maglakad—“ “Shut up and don’t contradict me Maria.” Kumawala nalang ako ng malalim na hininga dahil ang bilis naman imigtigting ang init ng ulo ng lalakeng ‘to. “Fine.” Maikling sagot ko at sabay naming tinungo ang pintuan pero nauna akong lumabas bago siya. “Pupunta ako sa school, ikaw saan ang punta mo?” “The place you’ve said.” Tugon niya sa ‘kin at nagsimula na naming nilisan ang hideout nila. “Bakit hindi nalang kaya magaral ang apat na ‘yun sa Academy?” “They have private tutors.” Mabilis na sagot niya habang tinatahak na namin ang simentong daan paalis sa lugar na ‘to. “Saan ka ba nakatira?” Tanong ko pa habang sinusulyapan ko lang ang mukha niyang seryosong naglalakad dito sa gilid ko pero may kalayuan ang agwat naming dalawa. “Apartment.” Maikling sagot niya kaya napabuntong hininga nalang ako dahil ang boring naman kausap ang Valentino na ‘to. “Ano ang nasa isip ko ngayon?” Sige Nataxia, tanong pa dahil question and answer kami ngayon. “The Princess.” Naramdaman kong bigla akong nasamid sa sarili kong laway pero hindi ako nagpahalata at tumikhim nalang ako dahil medyo nabigla ako sa sagot niya. “Bakit mo naman siya iniisip?” Patay malisyang tanong ko habang nakatitig lang sa nakaside-view niyang mukha. “I wanted to serve her as her loyal disciple, she saved my life.” “Eh bakit ayaw mo akong pakawalan? Bakit mo sinasabing pagmaay-ari mo ako?” Gusto kong ipreno ‘tong bibig ko pero ayaw ng utak ko. “I've remembered her smell from you.” “W-What?! Naamoy mo na ang prinsesa?!” Sigaw ko bigla dahil wala naman akong naalalang nilapitan ako ng hindi royal family noong bata pa ako?! “No, the perfume. I could still remember the flower-like fragrance, kahit nasa malayo ako ay naaamoy ko ang ginagamit niyang pabango dati.” Bigla nalang ako nanalamig sa sinabi niya dahil may isa pala akong nakaligtaan! Hindi ko pala napapalitan ang royal perfume na ginagamit ko ngayon! s**t, gusto kong sabunutan ang sarili ko ngayon dahil hindi ko lubos maisip na ganito katalas ang pangamoy niya?! “K-Kasi, signature perfume ‘to ng kaharian. Iniregalo pa sa ‘kin ‘to ng kaibigan ng Dad ko ‘nung kaarawan ko.” Depensa ko pero pinagpapawisan ako ngayon ng malamig pero totoo ang sinabi kong signature perfume namin ‘to na royal family lang ang meron nito. “Tss, no more talking but still, you’re under my property. If you’re with me, It seems like... I’m with the Princess.” Napalunok nalang ako ngayon ng sunod sunod dahil pakiramdaman ko, mabibisto ako. “P-Pa’no nalang kaya pag ako ang prisesa? Pero mukhang hindi ako bagay—“ “Stop dreaming, Maria. Stop comparing yourself to the princess. Every person has differences that’s why, you stand out from the rest and the princess as well.” Palihim nalang akong napangisi dahil magaling nga talaga ako umarte para hindi mahalatang ako ‘yung Prinsesa. Iniba ko lang naman ang kilos ko dito na hindi gaanon kahinhin. Lalo na sa boses, dapat hindi ga’nun ka-pormal. “Sa bagay tama ka—“ Hindi ko tinapos ang sasabihin ko dahil bigla siyang huminto sa paglalakad at napatingin sa unahan namin pero nakita kong umiba yata ang expresyon ng mukha ni Valentino. Sinundan ko kaagad ang tanaw niya dahil may nakita yata siyang kaaway. “Have you lost your way, General?” ©cherryypinks
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD