CHAPTER 7

1562 Words
CHAPTER 7 Nataxia Serofinna’s POV BUMUNGAD sa ‘kin si Gold yata ‘to? Pero narinig ko na ang boses ni Valentino ‘nung bumukas ang pinto.  Habang paalis siya kanina, nagpaalam muna ako sa palasyo pero hindi ko sinabi ang totoo kung saan ako pupunta. Ang dinahilan ko nalang, may nakalimutan ako sa bahay namin nina Mamita pero syempre, alam ni Mister Hero kung saan talaga ako pupunta at siya pa ang naghatid sa ‘kin. “Come in Lady Maskie! Are you visiting Metal?” Tanong ‘nung Silver habang binigyan ako ng daan ni Gold para makapasok ulit sa hideout nila. Pero napakunot ang noo kong mukhang ginagamot ni Diamond si Silver—oo nga pala, nakipaglaban pala ang mga ‘to. “Nope, hindi ang lalakeng ‘yan ang pakay ko dito. Ibibigay ko lang ‘tong mga invitation na ni-request niyo sa ‘kin.” Tugon ko sabay hinto sa kinaroroonan ni Valentino at iniabot ang royal invitation na hawak ko. “Bukas na ang celabration, kaya maghanda na kayo ng susuotin niyo. Formal suit ang theme para sa mga gentlemen.” Tss, pero mukhang hindi sila gentle. Mga magagaspang ‘to kumilos. “Oh wow, you really did it Lady Maskie—but wait, how did you get those?” Tanong ni Silver na inaasahan kong marinig ‘yan mula sa kanila. “Nagt-trabaho ang kakilala ng Dad ko bilang isa sa mga advisor’s ng hari doon sa palasyo kaya ‘wag na kayo magtaka kung nakakuha ako nito.” Sabi ko pero iniba ko ang direksyon ng kamay ko at naglakad sa kinaroroonan ni Silver napansin ko naman na inaayos  ni Diamond ang first aid kit dahil tapos na yata ang paggagamot niya “Thank you lady maskie, I thought that was a joke but here it is. The Royal Invitation.” Nakangising saad ni Silver sabay itinanggap ang hawak kong apat na imbitasyon, apat lang dahil alam kong bibigyan si Valentino ng Academy. “I can smell the scent of the palace…” Sabi niya pa sabay singhot ng mga papel kaya napailing nalang ako sa asal niya. “Take a seat.” Napatingin naman ako likuran dahil narinig ko ang boses ni Gold at nakita ko siyang ibinaba ang isang maliit na sofa kaya umupo naman ako. “Thanks for the Royal Invitation but… could you please tell us why you’re wearing a mask?” Napatingin naman ako kay Emerald na uminom ng whisky sa tabi ni Valentino. “Allergic ako sa alikabok, napakasensitibo ang ilong ko dahil bahing ako ng bahing tapos susundan na ng sipon kahit konting alikabok lang, kaya lagi akong may suot na mask.” Dire-diretsong sagot ko at nakita kong napatango naman si Emerald. “Then, try to take a medicine for allergy.” Sabi naman ni Valentino. Ginagawa ko nga ang lahat para makalusot pero may follow-up’s pa siyang sinasabi. “Hindi maganda sa katawan ang pagiinom ng gamot kaya tinitiis ko mag mask kahit naiinitan ako minsan.” Depensa ko sabay napangisi nalang ng palihim dahil mukhang mabilis akong nakahanap ng rason. “I have to go, marami pa akong dapat gawin—“ “No, stay here. Walang hahatid sa ‘yo pauwi.” Putol ni Valentino sa sinasabi ko pero tumayo parin ako dahil kailangan kong bumalik sa palasyo. “Kaya kong umuwi, may mga paa naman ako na kayang maglakad.” Saad ko habang nakatitig sa kaniya pero sa halip na sagutin ako, bigla niyang sinalpok ang makakapal niyang kilay. “I said, stay here or I will force you to stay?” Kumawala nalang ako ng buntong hininga dahil napakabossy ng Valentino na ‘to. By the way, ang sarap bigkasin ang pangalan niya hindi ko alam kung bakit. “Metal was right, baka may umaaligid na spy sa labas ng hideout at nakita ka nilang lumabas dito, mapahamak ka pa.” Napatingin naman ako kay Gold ‘nung may inilapag siya sa center table na isang kulay pulang inumin. “Drink this pomegranate juice, after that… ako nalang siguro ang hahatid sa ‘yo pauwi.” Mukhang wala akong ibang choice kundi dito nalang muna ako. “No, ako ang maghahatid sa kaniya.” Kunot noo ko namang binalingan ng tingin si Valentino dahil sa sinabi niya. “Magpagaling ka muna dito, dahil baka bukas hindi kana makakapunta sa palasyo dude.” Sabi naman ni Diamond habang nagbubuhos ng whiskey at nakaupo siya sa tabi ni Silver. “Mga sugat at pasa ang inabot ko sa hangal na Heneral. But no matter what happen, I will go to the palace tomorrow.” Inabot ko nalang ‘yung pomegranate juice na hinanda ni Gold at pasimleng tumalikod para maibaba ang mask ko ng bahagya at uminom ng konti pero syempre, pinaparamdaman ko sila baka nakasilip. Inilapag ko naman kaagad 'nung nakainom na ako sabay inayos ng mabuti ang mask ko habang pinagmamasdan silang nakaupo sa sofa. “Kahit siya ang pinuno ng mga hukbo ng kaharian, tangina bakit ang dami paring kumakalat na mga gangs sa paligid na patuloy gumagawa ng mga tanginang krimen na ‘yan?” Napasulyap naman ako kay Diamond dahil nagiba yata ang boses niya. Lasing na yata ‘to? Pero dito ko yata maririnig ang pamamalakad ni Heneral Athlas? Pag may narinig akong kakaiba sa pandinig ko ngayon, hindi ako magdadalawang isip para komprontahin siya. “What would happen if we’re not exterminating those fvcking criminals?” Sabi ni Valentino sa matigas na boses. “Of course, mas dadami ang mga gangs hanggang sa susugurin na ang palasyo at uubusin ang royal family para maghari ang mga masasama.” Tugon ni Gold na nakaupo na ngayon sa tabi ni Valentino, at hindi ko alam kung bakit nanindigan ang mga balahibo ko sa katawan dahil sa sinabi niya. Wala akong kaalam-alam na madami nga talagang mga tagong gangs dito sa loob ng palasyo? “s**t dude! Bakit tayo nagpapakabayani kung hindi naman tayo sinuswelduhan?” Natatawang tanong ni Silver. “Wait, ano ba talaga ang main purpose ng grupo niyo?” Natanong ko din sa kanila ‘to ‘nung una kong punta dito pero parang iba na yata ang naririnig ko ngayon?” “The civilians called us ‘Shadow Warriors’—“ “Tagapagtanggol na walang lebel sa palasyo!” Sigaw ni Silver sabay halakhak. “What do you think of that General?” Tanong ko bigla dahil parang hindi maganda ng kondisyon ng palasyo? Akala ko, naging payapa ang kaharian dahil siya na ang nanungkulan sa mga hukbo. “That General? May suot nga siyang baluti, may rango bilang heneral pero hindi niya ginagamit sa tama ang kaniyang kapangyarihan. We got a report about r**e case, take note. That was a minor, of course we set a battle for them but when Metal killed their leader, he captured him. Parang pinatakas niya lang ang mga hangal na ‘yun at si Metal lang talaga ang hinuli niya.” Kumawala agad ako ng buntong hininga dahil sa sinabi ni Gold dahil hindi talaga tama ang ginawa ni Heneral Athlas! “I think may mga taong suwail sa panuntunan ng hari sa kaharian dahil bakit nila hinahayaang dumami ang mga gangs? Sa pagkakaalam ko, ang heneral ang nagtataguyod ng kapayapaan para maibsan ang mga krimen pero baliktad ang nakikita ko. Isa pa, halos lahat ng ibinabalita sa telebisyon ang mga walang kwentang bagay pero ‘yung mga taong naghahangad ng hustisya, tila bulag ang mga kawi ng palasyo?” “W-What are you talking about?” Tanong ko sa mahinang boses dahil hindi ako makapaniwalang may mga lumalabag sa royal rules kahit may death penalty?! “Ang daming biktima ng pagnanakaw, karasahan sa ibang bahagi ng kaharian at mga mayayaman ang kanilang pinupuntirya. Mabuti nalang, may mata-takbuhan ang mga tao, at kami agad ang hinahanap dahil hindi sila pinapakinggan ng kasapi sa palasyo.” Napayukom nalang ako ng kamao dahil bakit hindi nila ‘to pinaparating sa hari?! Hindi pinapabayaan ni Dad ang kaniyang sinasakupan! “There’s a time, I've seen that General on TV. Pinupuri siya dahil sa magandang pamamalakad, tinitugis niya ang mga kriminal at hinahatulan ng kamatayan, pero sa totoo lang kami ang gumagawa ng paraan para bigyan ng leksyon ang mga kriminal at huli na sila ng dating. Malamang kung hindi kami magaling tumakas, naka sabit na siguro ang ulo namin sa palasyo.” Tama si Gold, General Athlas is quite famous here pero base sa naririnig ko ngayon, mukhang hindi patas ang ginagawa niya?! “I admired the King dahil nakikita ko ang sinsiridad niya sa mga mamamayan pag nalaman niyang may karahasan, ginagawa niya ang lahat para malutas. Pero sa tingin ko may sakim sa pera sa loob ng palasyo, bakit hindi hinuhuli ng mga kawal ng mga miyembro ng gangs? It’s simple, money talk.” Dadag ni Gold habang nakikinig lang ako ng mabuti sa kaniya. “Sisiguraduhin kong makakarating ‘to sa hari.” Bulong ko dahil base sa kasulatan, pag may mga krimen sa labas ng palasyo, ipinagbibigay alam ni General Ahtlas sa secretary ni Dad ang mga nangyayari sa labas ng palasyo. Kahit kaibigan ko siya, kayang kaya ko siya bigyan ng leksyon dahil nakasasalay dito ang mga mamamayan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD