Episode 1: The Innocent Smile
ALLIYAH'S POV
Kasalukuyan akong naglalakad sa street habang mag-isa. I really enjoy walking while watching the streets lights. Ewan ko kung anong meron dun, para kasing tinatawag nito palagi ang atensyon ko. Kahit pa nakasakay ako sa taxi o anong vehicle jan ay napapatingin talaga ako sa street lights.
“Ohh! Really?! okay! Pupunta ako! Sure!” nakuha ng isang babae ang atensyon ko.
She's talking to a guy. I don't know pero boyfriend niya ata. Magkahawak sila ng kamay at sobrang lapit nila. Mukhang magjowa nga. Agad ko rin namang iniwas ang paningin ko.
I've never been in a relationship. Hindi rin naman ako naiingit, like natural lang sa'kin ang maging single. It's never a problem.
“Being single is not a problem.” -nezhyre
Ayaw ko rin namang madaliin ang love life ko, hihintayin ko nalang siguro ang para talaga sa'kin. Kaysa naman masaktan ako sa maling tao.
Nilingon ko ulit ang dalawang nakasalubong ko. Malayo na sila, pero katulad kanina ay masaya silang nag-uusap. Nakita ko pa ngang nagtatalon ang babae. Napailing nalang ako at nagpatuloy sa paglalakad.
“Kailangan kong makaabot ng eight-thirty pm do'n, baka mapagalitan na naman ako ni mimi.” napabuntong-hininga ako sa isiping yun.
Gabi gabi kasi ay naglalakad ako papunta sa maliit na grocery store nina mimi, ang matagal ko ng kaibigan. Kailangan kong dalhin sa store nila ang inoorder nilang pack lunch, yung pina-iinit nalang kapag binili ng mga costumers nila para ready to eat na.
Maya maya pa ay tahimik na ang side walk, mukhang ako nalang ang naglalakad? Eh ang aga pa naman. Binalewala ko yun at nagpatugtug nalang sa cellphone ko habang nagpapatuloy sa paglalakad. Masyado talaga kasing tahimik ang paligid, nakakadistract. Habang naglalakad ay hindi ko mapigilang mapatingin sa street lights.
Ilang minuto pa ay naabot ko na ang grocery store nina mimi, “Eto na, mimi.” inabot ko sa kaniya ang cart na tulak tulak ko kanina. “Five hundred fifty yan, kompleto.”
“Salamat, Liyah! Sabay ulit tayo bukas ah?!” tumango ako saka niya ako niyakap.
Pagkatapos ng pag-uusap namin ay agad akong nagpaalam, kailangan ko pang umuwi sa boarding house na tinitirhan ko.
Kinabukasan ay sabay nga kami ni mimi sa paaralan. Nasa Fourth year highschool na kami pareho, ang kaso ay hindi kami magkaklase.
“Dito na ako, Liyah!” kinawayan ko lang siya saka ako nagpatuloy sa paglalakad!
“Okay class! Meet your new classmate.” pare-pareho naming hindi inaasahan lahat ang bagong kaklase.
Agad na bumukas ang pinto matapos 'yon i-anunsyo ni miss Nika. Iniluwa roon ang napakagwapong lalaki! Natulala ako sa mukha niya saka ko namalayan ang pagtitili ng mga kaklase ko!
“Oyy! Ang gwapo niya 'no?!”
“Hala! Ang hot!”
“Sana tabi kami!”
“Sa'kin tatabi yan!”
“No way! Ang init ng classroom natin!”
“Enough class! Hijo, please introduce yourself.” inanyayaan ni miss Nika ang lalaking 'yon na magpakilala kaya ganun nalang talaga kalakas ang tilian at bulungan ng mga kaklase kong babae!
Gusto ko rin namang tumili, kaso ayoko nang makadagdag sa ingay na ginagawa nila baka umabot pa sa kabilang section!
“Matteo De Leon.” ganun lang naman kahaba ang pagpapakilala niya pero opposite nun ang sigawan ng mga kaklase ko!
“Okay, mr. De Leon. Please pick your comfortable seat.” agad na pinaupo siya ni miss Nika. Nanlaki ang mata ko nang maupo siya sa likuran ko!
Iyong Row na walang ni isang studyante! Pero ka column ko siya! Awkward man ay pinili kong makinig nalang sa harap at nagkukunwaring walang tao sa likod ko! Kaya kasi ako sa likod umupo ay dahil ayokong may tao pa sa likuran ko, hindi ako komportable. Natigil naman din ang mga kaklase ko sa katitili maliban nalang sa isang katabi kong babae!
“Excuse me. Can you please stop doing that? It's disturbing.” nagulat pa ako nang biglang patigilin ni Matteo ang babaeng kanina pa tili ng tili sa gilid ko at napapasulyap pa sa kaniya!
Yumuko si Klea, “A-ahh, sorry.” napapahiyang sabi nito at minsan pang sumulyap sa'kin!
Hindi ko na siya nilingon at nagkunwaring hindi ko narinig ang usapan nila para hindi na siya mas mapahiya pa. Nakinig ako sa harap hanggang sa matapos ang klaseng ito.
Habang nasa canteen ay hinihintay ko ang pagdating ni mimi. Pero imbes na si mimi ang makasabay ko sa pagpila sa counter ay iyong bagong kaklase ko pa!
Hanggang ngayon ba ay nasa likod ko parin siya?! Seriously?! Pati dito ba naman sa canteen?!
Napa-irap nalang ako sa hangin! Binilisan ko nalang ang pagpili ko ng pagkain at naupo sa suking table namin ni mimi! Pero ganun nalang ang gulat ko nang dumaan ang lalaking yun sa harap ko at matamis na nginitian ako!
'Yong tipong inosenteng ngiti. Napa-nganga ako sa ginawa niya, hindi makapaniwala! Sa ganda ng ngiti niyang iyon ay hindi ko na namalayan ang pagdating ni Mimi!
“Hoy! Ano bang nangyari sa'yo at tulala ka jan?! Hoy! Alliyah?!” mabilis na tinanggal ko sa isip ang ngiting iyon nang inaakala kong ganoon lang iyon ka simpleng gawin, pero nagkamali ako!
Hanggang sa matapos kaming kumain ni Mimi ng tanghalian ay nakaplaster na sa utak ko ang ngiting iyon! Para akong naparalisa sa isang ngiting ibinigay niya!
“Alliyah! Alam mo bang may transferee kanina? Nakita mo na ba? Ang dami kong naririnig na usap-usapan tungkol sa lalaking 'yon! Gwapo at hot raw!” palihim na kinagat ko ang ilalim na labi ko!
Wala talagang hindi makakalagpas kay Mimi! Halos lahat ng chismis dito sa campus ay alam niya! Kaya hindi narin ako magtataka kung bukas malaman niyang kaklase ko iyon!
“Hoy! Alliyah!? Nakikinig ka ba?” napakamot ako sa ulo at marahang tumango!
“Oo naman, ano. S-saka.. sa'n mo na naman nalaman ang mga chika mong 'yan?” hindi ko alam kung nahalata ba iyon ni Mimi, sobrang peke ng ngiti ko!
Kasalukuyan kaming naglalakad sa side walk, syempre, dito sa may street lights. Alas sais na ng hapon kaya medyo madilim na at nakabukas na ang mga ilaw. Ganito ang ginagawa namin ni Mimi, kadatapos ng klase namin sa hapon ay sabay kaming naglalakad pauwi. Pero nauuna nga lang siyang umabot sa maliit na store nila na malapit rin ang sa paaralan.
“Alam mo namang walang nakakalampas sa'kin, Liyah, 'di ba?” natatawang napa-irap ito saka ako hinarap! “Hindi mo pa sinasabi sa akin kung bakit ka natulala at napapa-nganga kanina, ah! Ano bang nangyari?!” napakachismosa talaga nitong kaibigan ko! Pati iyong dahilan nang pagkakatulala ko ay aalamin pa!
“W-wala! May pumasok lang sa isip ko.” nginiwian ko siya!
“Sus! Baka nakita mo 'yong transferee?" nanlaki literal ang dalawang mata ko!
“Ano?!” hindi ko sinasadyang sumigaw pero nagulat talaga ako! Paano niyang nalaman?!
“Nako, nako, Alliyah, ha! Ang obvious mo! Nanghuhula lang ako!” tatawa-tawang bulalas niya! Palihim kong kinurot ang sarili, ako lang pala ang bubuking no'n! “So nakita mo nga? Sabihin mo na! Malalaman ko rin naman bukas, haha!” inirapan ko siya, napakakulit talaga!
“Edi hintayin mo nalang bukas? Tutal malalaman mo rin naman pala.” binatukan niya ako! “Aray!”
“Mas mabuting advance ako sa mga chika, madam Alliyah! Psh! Palibhasa ikaw yung estudyanteng nananahimik lang sa isang sulok, eh! Kaya wala kang ibang kaibigan bukod sa'kin!” binundol niya ang bewang ko gamit ang bewang niya!
“Ayaw mo no'n? Wala kang kahati! Tas ikaw lang pinagkakatiwalaan ko?” namula itong bigla sa sinabi ko!
“Kaya bet kita talaga, eh! Kaya kung ikaw nagkaroon ng ibang kaibigan, nako! Kahit magbestfriend tayo, pagseselosan ko talaga 'yang magiging kaibigan mo!” kahit gaano pa katahimik ang paligid namin ay sumisigaw pa rin talaga siya!
Isa rin ito sa gusto ko kay Mimi! Hindi siya boring kausap! Kahit na ganito siyang kaingay, napapatawa ka niya. Matagal na kaming magkaibigan, ni hindi ko na nga matandaan kung kailan ang unang pagkikita namin! Parang magkapatid narin ang turing namin sa isa't-isa, lalo na ang turing niya sa'kin.
“Oy, andito na pala tayo!” ngayon niya lang yata napansin na masa tapat na kami ng maliit na tindahan nila! “Teka, pasok ka muna, magmeryenda muna tayo.” hinila niya ako papasok sa tindahan nila! “Mama! Nandito na po kami.” Ani Mimi na parang normal lang na sabihing kasama niya ako!
“Oh, bakit natagalan kayo?” sumunod na nagmano ako kay Mimi sa mama niya! Busy ito sa paghahanda ng meryenda namin! “Ayan, hala sige, kumain kayo diyan.” iniwan kami nito at nang bumalik ay may dala na itong soda!
“Salamat po, tita.” ngiti ko kay tita Amanda.
“Mama alam mo bang may transferee na naman kami sa school? Maraming nagsasabing gwapo raw po! Sayang lang, kasi hindi ko siya nakita ngayong araw! Pero mukhang itong maganda kong kaibigan ay nakaharap yata ang lalaking iyon!” naapiling kaming sabay ni tita nang magsalita si Mimi! Halos hindi na ito huminga matapos lang kaagad ang sasabihin niya!
Nagkatitigan kami ni tita saka sabay na nagpigil ng tawa! Kahit sa mama niya ay hindi itinatago ang pinaggagawa niya sa campus! Mabuti nalang at napakabait ni tita Amanda. Suportado niya si Mimi sa lahat ng gustong gawin nito.
Kagaya ko ay hindi rin naman pinababayaan ni Mimi ang pag-aaral sa kabila ng mga pakikipagchismis niya sa campus! Minamabuti nga niyang malalaki palagi ang mga scores niya mapa exam, summative, o quizzes man 'yan!
“Baka bukas niyan kasama mo nang umuwi dito ang lalaking iyan, Mimi, ha!?” kunwaring galit na tanong ni tita kaya nagpigil ako ng tawa!
“Mama!” nalukot ang mukha ni Mimi na siyang ikinatawa ko! Hindi parin maitsura ang mukha nito ng balingan ako! “Anong itinatawa-tawa mo jan, Alliyah?! Alam mo namang uunahin ko ang pag-aaral kaysa sa lalaki, 'di ba, mama?!” ibinalik niya ang paningin sa mama niya na naroon na at inaayos ang paninda nila!
“Alam ko naman iyon, Mimi. Baka lang naman. Pinapaalala ko lang.” sumeryoso ang mukha ni tita Amanda. “‘Wag kang gumaya sa'kin, alam mong hindi ko gusto ang kinahihinatnan natin ngayon, hindi ba?” marahang tumango si Mimi.
“Alam ko naman 'yon mama. Kaya nga po hanggang chika lang ako, kasi uunahin ko muna itong pag-aaral ko saka ako magjojowa.” kailan ko ba siyang narinig na jowa bago aral?
“Syempre, hindi talaga mawawala sa isip mo ang magjowa, ano?” sarkastikong nilingon siya ni tita! “Nako, pababantayan ko na talaga itong si Mimi sa'yo, Alliyah, hija.” inirapan ako ni Mimi kaya bahagya akong natawa!
“Ako nang bahala, tita.” ngumisi akong bumaling kay Mimi!
“Che! Umuwi ka na nga, Liyah!” tinaboy ako nito kaya napabaling rin ako sa labas! Nang makita kong madilim na ay nagdesisyon na akong umuwi na nga.
“Mauuna na po ako, tita. Mimi, daanan kita bukas dito ha?" nakangisi siyang tumango! Si tita naman ay sinabing ubusin ko raw muna ang meryenda ko, pero huli na dahil kanina pang ubos ang mga 'yon!
“Mag-ingat ka pauwi, Alliyah.” si tita, naroon naman si Mimi sa tabi niya at iwinawagayway ang isang palad!
“Kitakits bukas, Liyah!” ngumiti at tumango ako saka tuluyan silang tinalikuran!
Napansin ko sa relo ko na alas syete na pala ng gabi! Ang bilis naman yatang lumipas ng oras? Kunot-noong napakamot ako sa ulo.
Nang makarating ako sa boarding house ay mabilis akong nagbanlaw ng katawan saka nahiga sa kama.
Busog na ako, baka pwedeng hindi na maghapunan?
Tanong ko sa sarili saka parang baliw na tumango. Imbes na matulog ay inilapag ko ang mga notebooks kong may assignment at ginawa iyon ng magdamag. Hindi ko namalayan na nakatulogan ko na pala ang pagsasagot ng mga ito!
Naalimpungatan ako nang maramdaman ang mainit na sinag ng araw sa braso ko! Nanlaki ang matang napatitig ako sa pinang galingan ng sinag na iyon! Sandali pa akong natulala, napaisip kung anong oras na saka mabilis na lumapit sa bintana at binuksan iyon!
Nanlaki ang mga mata ko nang makita kung gaano na kataas ang araw!
“Tanghali na!” pabulong na isinigaw ko ang mga salitang iyon! Agad na hinablot ko ang cellphone ko na nasa gilid lang ng bintana! Parang gumuho ang mundo ko nang makitang alas nuwebe na ng umaga! “Walang hiya..” napaupo nalang ako sa kama habang binabasa ang mga texts ni Mimi!