Episode 24: Some Catching Up

2115 Words
ALLIYAH'S POINT OF VIEW Nagtungo ako sa canteen ng eskwelahan matapos ang klase ko buong umaga! Habang kumakain ay nakakunot ang noo ko! Noong nakaraang linggo lang ay may nagpakilala sa aking Matteo. Ngayon naman ay may lumapit sa akin at nagpakilala bilang Jack! Sino ba ang mga 'to? Bakit ba bigla nalang may ganitong nangyayari? Naaalala ko ang lahat, ang pag-aaral ko, ang mga taong ito sa paaralan, bukod sa dalawang lalaking nagpakilala sa akin! “Alliyah!!” natatarantang nag-angat ako ng tingin sa isang babaeng isinigaw ang pangalan ko! Kunot ang noong mataman ko siyang tinitigan! Hindi ko siya kilala, pero alam niya ang pangalan ko at parang kilala niya nga ako dahil dumeretso ito sa tabi ko at umupo! “A-ayos ka lang?” nautal siya nang muling magsalita, napansin ang pagtataka ko! “Sino ka? How do you know my name?” bumaba ang tingin niya sa sahig kasabay nang pagsalubong ng mga kilay! May ibinulong ito sa ere na siya lang ang nakakarinig! Kumibot-kibot pa ang labi nito at napapailing! Mababasa sa mukha niya ang pagtataka. Hindi makapaniwalang nag-angat muli ito ng tingin! “Hindi mo ako maalala? Alliyah.. magkaibigan tayo.” hindi siya makatingin sa mata ko, pero ramdam ko ang pagiging totoo niya. May parte sa akin na gustong maniwala, pero may parte ring hindi, lalo pa at hindi ko talaga siya maalala. Wala akong maalalang kaibigan ko bukod kay Monica. Dahil sa nangyaring 'yon ay hindi na mawala sa isip ko na baka may mga kaibigan nga ako, baka lang. Pero papaanong nakalimutan ko sila? Agad na bumalik sa isip ko ang sinabi ni Tita Nika. “Nagkasakit ka lang talaga.” Kung totoo mang nagkasakit talaga ako, ano naman ang sakit ko? Amnesia? Long term memory loss? “Alliyah! Tara na dito, maghapunan na tayo.” tawag sa akin ni Monica kaya pilit na inalis ko ang isiping 'yon at nagmamadaling bumaba. “Oh? An'yare d'yan sa mukha mo? Puro ka simangot, kanina ka pa habang pauwi tayo.” pilit na tumawa ako sa sinabing 'yon ni Monica! Sabay kaming umuwi pagkatapos ng klase buong araw. Sinabi ko narin sa kaniya ang nangyari sa paaralan, na may nagpakilala na naman sa akin bilang kaibigan ko, pero panay tanong lang ako sa mga 'yon dahil wala talaga akong maalala. “May kilala ba akong M-mimi, Matteo at Jack dati, Monica? Hindi kasi talaga sila mawala sa isip ko.” nagtatakang tanong ko. “Sinabi ko na sa'yo, Alliyah. Kalimutan mo muna ang pala-isiping iyan at hindi makakabuti sa kalusugan mo. Kakagising mo lang noong nakaraang linggo kaya hindi puwedeng maistress ka sa mga bagay-bagay.” napabuntong-hininga ako sa sermon ni Tita Nika. Ayaw ko mang mag-isip tungkol do'n, hindi ko maiwasan. Nahahati kasi ang pakiramdam ko sa tuwing naaalala ko ang tatlong iyon na nagpakilala bilang kaibigan ko. Hindi naman sa naniniwala na ako sa kanila, pero hindi ko rin maikakailang hindi ko talaga sila kilala. “Tita, Monica, labas muna ako sandali ha? Magpapahangin lang sa tabi-tabi.” ngiti ko ilang sandali matapos kumain. Tumango naman sila kaya lumabas na ako. Naglakad-lakad ako sa tabi at napapangiti sa mga ilaw na nakikita ko sa paligid. Nang matapos igala ang paningin ay tumingala ako. Napansin ko ang pamumuo ng makapal at madilim na ulap, napalingon ako sa pinanggalingan. Malayo-layo na pala ang nalakad ko at tila ilang segundo nalang ay bubuhos na ang ulan! Nakagat ko ang laman ng pisngi ko! Kung kailan pa ako nagpasyang magpahangin, saka pa ako minalas! Napagdesisyonan kong lumakad pa sa dikalayuan dahil may isang bench roon. Uupo muna ako do'n bago bumalik ng bahay. Napakatahimik ng paligid, ang sarap mag-isip kapag ganito ang paligid ko. Ramdam ko ang kaginhawaan sa kinauupuan ko ngayon. Pero biglang nawala ang magandang mood ko nang may biglang sumagi sa isip ko! Papaano kung sa isang iglap ay mawala ang ganitong pakiramdam? Papaano kapag bigla itong napalitan ng galit, lungkot, o kung ano pang posibleng maramdaman ko na kabaliktaran sa nararamdaman ko ngayon? “Baliw ka na, Alliyah! Ano namang bagay ang makakapagparamdam sa'yo ng gano'n?” natawa ako sa sariling naisip at natampal ang sariling pisngi dahil sa kabaliwang kinausap ko pa talaga ang sarili! Napapailing akong tumayo at nagdesisyon nang bumalik ng biglang may maramdaman akong basa na tumulo sa pisngi ko! Agad na umawang ang labi ko at nag-angat ng tingin sa itaas! Papalakas at papalakas ang tulo ng ulan! Mabilis na naglakad ako para hindi maabutan ng mas malakas pang ulan pero nabigo ako! Mas mabilis pang tumakbo ang ulan kaysa sa akin kaya naabutan rin ako nito! Nababasang kinagat ko ang ibabang labi ko! Nagsisimula nang guminaw kaya naisip kong tumakbo nalang tutal ay basa narin naman ako. Nang akma kong iaapak ang kaliwang paa ko ay agad akong natigilan nang may mapansin sa 'di kalayuan, sa likuran ko mismo! Tumatakbo ito habang dala ang isang payong! Sa kaba ko ay sinubukan kong tumakbo ng mas mabilis! Pero ilang sandali pa ay naabutan ako nito! “Why were you running? I was about to help you, but suddenly.. you were running off!” basa na ring sambit ng isang lalaki! Si Matteo! Kunot ang noo kong pinasadahan siya ng tingin! “Sa'n ka galing?” sigurado akong wala akong pansing naglalakad sa tabing daan kanina, pero bigla na lang siyang sumulpot! “Well.. I was walking through the street.” napapahawak sa batok na sagot niya! Napabaling ako sa dala niyang payong! “With this, of course! Napansin kong maambon so I brought this.” hilaw itong napatawa! Wala pa man akong naitanong ay nasagot niya na! Nagkibit-balikat ako, hindi na iniinda ang ulan. “Okay..” nagdududang tumango-tango nalang ako. “Let me just walk you home.” aniya at binuksan ang payong na dala-dala niya! Sinundan ko lang ang bawat galaw niya. Halos manigas ako nang hawakan niya ang braso ko para isabay ako sa paglalakad niya! May naramdaman akong bahagyang pagkiliti sa tiyan ko na agad na pinipigilan ko! “Alam mo kung saan ang bahay ko?” bigla nalang na bulalas ko! Naramdaman kong natigilan siya sa tanong ko, pero agad namang nakasagot! “O-of course! I told you, we know each other.” umiling siya at hindi na ako pinagbigyang pansin. Deretso itong naglakad kaya sumunod narin lang ako. Habang naglalakad ay naramdaman ko ang ginaw kaya hindi ko maiwasang manginig dulot nito! Napansin iyon ng kasama ko kaya huminto siya. Walang salita o pahintulot na hinawakan niya ang kamay ko at ipinasok iyon sa bulsa ng makapal niyang jacket habang magkahawak parin ang kamay namin. Hindi niya iyon binitawan! Hindi ko maalis ang tingin ko roon! Malakas ang dagundong ng dibdib ko dahil do'n! Napapalunok akong nag-angat ng tingin sa kaniya saka ko palang napansin na nakatitig na pala ito sa akin! Natigilan ako! Pero imbes na magtaka ay nakita kong sandaling sumilay ang ngiti sa labi niya! Umiling ulit ito at nagsimulang maglakad, hindi pa rin binibitawan ang kamay ko sa loob ng bulsa niya. Nagpatangay narin lang ako sa kaniya, parang siya pa ang ang nagdala sa akin sa bahay ko, parang sandaling nawala sa isip ko kung saan dapat ako pupunta! “We're here.” doon niya palang binitawan ang kamay ko, pero nasa loob parin iyon ng bulsa. Kunot ang noong tinitigan ko siya ng mariin! Ayaw kong iwanan siya rito. Hindi ko alam, pero sa mga oras na ito ay gusto ko siyang makasama, ayaw kong umalis sa tabi niya. “Alliyah..” namulat ako sa reyalidad nang mahina niyang banggitin ang pangalan ko! “Go now. It's getting colder.” ininguso nito ang entrada ng bh na tinutuluyan ko. “G-gusto mong pumasok?” wala sa sariling tanong ko na ikinatawa niya! “I'm afraid I'm not. I have to go, I'm wet too, Alliyah.” bumaba ang paningin niya sa sarili at natatawa paring ibinalik ang atensyon sa akin! “O-o sige. Pasok na ako.” hindi ko na nilingon pa si Matteo at nagderederetsong naglakad papalayo rito. Sinalubong agad ako ni Monica ng towel kaya naligo narin lang ako. Hindi na ako nagtagal pa sa banyo, nang matapos ay agad na nagbigay-alam ako kina tita at Monica na matutulog na. “Misty.” isang hapon ay tawag ni tita nika kay Mimi! “You know what to do.” mahina ang pagkakasabi ni tita sa mga salitang 'yon, pero klarong narinig ko ito sa sarili kong tenga! Hindi ko alam kung anong pinag-uusapan nila. Wala akong ideya sa pwedeng mangyari. At nagkaroon pa ako ng pagdududa na magkakilala silang dalawa base sa paraan ng pag-uusap nila! Kumaway nalang si Monica at Tita Nika nang binuhay ni Matteo ang sasakyan at pinaandar ito. Habang nasa byahe ay tahimik ako, hindi ko mawari kung kailangan bang ako ang maunang magsalita. Napaka-awkward ng sitwasyon! Mabuti nalang at naisipan ni Matteo na paandarin ang radyo ng sasakyan niya kaya nagkaroon ng kaunting buhay ang paligid namin! Natabi ko si Matteo sa front seat habang sina Mimi at Jack ay parehong nasa likuran, nagkukulitan. Ipinikig ko ang ulo ko sa bintana na nasa gilid ko. Panay puno ang nadadaanan namin, hindi naman sa nakakaboryo iyong pagmasdan, gusto ko rin namang titigan ang kagandahan ng kalikasan, pero mas lumalamang lang talaga ang street lights sa mga iyon. Hindi ko alam kung papaanong nangyari. “Missing those lights?” napalingon ako kay Matteo nang bigla siyang magsalita. Minsan niya pa akong nilingon saka mabilis na ibinabalik sa daan ang paningin. Bahagyang ngumiti ako saka tumango. “Saan ba tayo pupunta?” hindi ko na maalis ang tingin sa kaniya. “Oh, Misty haven't told you?” sinulyapan niya si Mimi sa rearview mirror kaya agad na nagsalita si Mimi. “Hindi ko pa nasasabi. Sasabihin ko na ba? O ikaw na?” natatawang tanong ni Mimi, kinikilit kasi siya ni Jack! Ibinalik ni Matteo sa akin ang paningin habang napapailing nalang sa kakulitan ng dalawa sa likod! Bahagyang nadadala narin ako sa tawa ni Mimi, pero hindi ko nalang ipinapahalata. “We are going to my house. You've forgotten the route?” walang emosyon na tanong niya, s pagkakataong ito ay hindi niya ako sinulyapan kaya nagsalita na ako. “Wala akong maalalang ganitong daan.” ibinaling ko sa daan ang paningin at atensyon, nag-iisip. “What about my mom? Don't you remember her?” nang itanong niya 'yon ay napakunot ang noo ko! Mama niya? Kilala ko? “I'm s-sorry..” napagsalikop ko ang dalawang kamay. Kahit anong pag-iisip ang gawin ko ay wala talaga akong naaalala! Malakas ang buntong-hiningang pinakawalan niya. “It's okay... She really missed you soo—you'll find it strange later.” umangat ang gilid ng labi niya! Siguradong naiisip niya na ang magigireaksyon ng mama niya kapag nakita ako. Pero ako? Ni wala akong maramdaman kun'di ang kaba! “Jack! Tigil na!” inis na sigaw ni Mimi sa likod!Napapailing na sinulyapan ko silang dalawa habang natatawa. Napaka-cute nilang tingnan, bagay talaga sila bilang mavkasintahan. Hindi mo maikakailang para talava sila sa isa't-isa. “Misty, you're so loud!” patuloy parin sa pang-iinis si Jack kay Mimi na halatang napipikon na! “Ughh... Sweet hearts” narinig ko naman ang mahinang bulalas ni Matteo! “Oh, don't mind me. They're just annoying.” labi pa ni Matteo dahilan para matawa ako! Pareho naming hindi inaasahan na narinig iyon nina Jack at Mimi kaya agad na nagsalita si Mimi! “Nagrereklamo ka pa, eh, kasama mo na nga ang sa'yo!” malakas na bulalas nito! Halos matakpan ko ang tenga ko nang magsalita siya! Muntikan naman akong mabunggo sa harapan nang biglang pumrebo si Matteo! “Ahh!” tili ni Mimi nang tumalsik siya sa gitna namin ni Matteo! Nakita kong pandilatan siya ni Matteo dahilan para mas inisin niya pa ito! “Stop pretending, Clare!” Nagtawanan ulit ang dalawa sa likod nang hilahin ni Jack si Mimi pabalik sa likod! Naiilang na naibaling ko kay Matteo ang paningin! “Whatever.” bulalas nito at minsan pang napa-irap saka nagpatuloy sa pagmamaneho! Doon namin pinalipas ang buong araw! Wala kaming ginawa kun'di ang magsaya. Hindi ko alam kung para saan ang selebrasyon na ito, pero kita ko sa mga mukha nila na talagang masaya sila. Tama nga si Matteo! Nagulat ako nang salubungin ako ng mama niya sa oras na umapak ako sa bahay nila! Nagtitili siya at mahigpit akong niyayakap! Ang bait niya, sobrang bait. Hindi ko alam kung papaano ko itong nakilala, pero ang bait niya sa akin. Inabot pa kami ng madaling araw kaya nagdesisyon sila na doon nalang kami magpalipas ng gabi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD