bc

Tadhana's Game

book_age18+
2.1K
FOLLOW
26.4K
READ
revenge
fated
arranged marriage
independent
comedy
sweet
humorous
straight
enimies to lovers
photographer
like
intro-logo
Blurb

Ano'ng gagawin mo kung ibang engagement party pala ang napuntahan mo para manggulo?

Tatakbo?

Magtatago?

O

Haharapin ang guwapong lalaki na humahabol sayo?

~~~

Handa ka bang makipaglaro sa laro na itinakda ng tadhana?

~~~

This is a story of a broken-hearted girl who meets her one true love in a not so normal way.

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
Luisiana “Louise” Elizalde "GOODLUCK, girl! I'm so happy for you!" tili ng bestfriend kong si Matet. Gosh! Ang sakit sa tenga. Hindi ko naman siya masisi dahil ako rin mismo, halos mangisay rin sa kilig nang makita kong bumili ng singsing si Zeke. After five years of being in a roller coaster relationship, sa wakas mag-po-propose na siya! Naputol ang paghaharutan namin ni Matet nang bumukas ang pinto ng restaurant at pumasok ang hinihintay ko. Sobrang gwapo niya sa kaniyang suot na blue long sleeve polo na nakatiklop hanggang sa may siko. Bagong shaved din at naka-clean cut na gupit. Siniko ko si Matet, hudyat na dapat na siyang pumuwesto sa ibang upuan para makuhanan niya kami ng video. Sa facegram live para makita ng buong mundo ang magaganap na proposal. Excited na ako! "Hey, kanina ka pa?" bungad na tanong ni Zeke sabay dampi ng halik sa aking pisngi. I flashed a slight smile at him. "Hindi naman masiyado. Mga ten minutes palang siguro," ani ko pero ang totoo, mag-iisang oras na kami rito ni Matet. Gano’n ako ka-excited. "Um-order ka na ba?" tanong nitong muli nang makaupo sabay tingin sa suot na relo. Napataas tuloy ako ng kilay. Bakit parang nagmamadali siya? E, halos kararating nga lang niya. "Hindi pa, hinihintay kasi kita," nakangiti kong wika habang nilalaro ang straw sa aking baso. Naninibago lang ako, bakit parang ang cold ng treatment niya sa akin ngayon? Parang may kakaiba sa kaniya? "Babe, may problema ba?" Nag-angat siya ng tingin sa akin at napabuntong-hininga. Wait, para saan iyon? Parang ang bigat ng dalahin niya, a. Ilang sandali lang ay ginagap nito ang aking kamay at mataman akong tinitigan sa mata. Kung ice cream lang siguro ako, siguradong natunaw na ako. "Louise?" "Yes! Zeke, yes! I'll mary you!" Sa sobrang excitement ko sumagot na ako agad. Niyakap ko siya nang sobrang higpit bago bumitiw at hinarap siyang muli. Inilahad ko ang aking kamay sa kanya. "Isuot mo na sa daliri ko ang singsing, dali!" "A-Anong singsing?" Nakataas ang kilay niya at parang hindi alam ang sinasabi ko. Baka kasama sa surpresa niya 'to. Kunwari wala siyang alam, pero nasa pagkain pala na ihahain mamaya. Napanood ko na sa drama 'to, e. Naku! Ang daming paandar ng fiance ko! "Ay! Wala ba sa ’yo? Nasa loob ba ng dessert? Naku! Sorry—" "Louise, listen to me,” putol niya sa sasabihin ko. "Kung ano man 'yang nasa isip mo ngayon, I'm sorry, pero mali ka ng akala. Walang singsing, okay? Hindi ako mag-po-propose sa ’yo." I tilted my head. Sinundot-sundot ko siya sa pisngi. Ginu-good time na naman ako neto, e. "Ay, h-hindi pa ba ngayon? Naunahan ba kita sa plano mo? Yung binili mo noong isang gabi, malaki ba ang size kaya ipinalit mo pa?" sunod-sunod kong tanong. Kumunot ang noo niya."Alam mo ang tungkol sa singsing?" Tumango ako habang nakapirmi ang ngiti sa mga labi. Bumuntong-hininga siya at hinawakan ang magkabila kong pisngi. "Hindi para sa 'yo ang singsing na 'yon, Louise." Unti-unting nawala ang ngiti sa mga labi ko at naguguluhang tumingin sa kaniya. "Hmmm? Hindi para sa akin 'yon?" Umiling siya at tumingin nang diretso sa mga mata ko. "Hindi. Actually, nandito ako para. . . para makipag-break." Halos pabulong lang ang huling katagang sinabi niya pero sapat na para marinig ko. Mistula akong napako sa kinauupuan, nakaawang ang bibig habang patuloy na ina-analisa ang nangyayari. Ano 'to? Joke? "Louise, I'm so sorry. Iyong singsing na sinasabi mo, ibibigay ko 'yon sa iba. Sa iba ako mag-po-propose, Louise." Napahilot ako sa aking noo. "Joke 'to, ’di ba?" tanong ko sa kaniya. I was taken aback because this is not the scene that I was expecting. Nag-assume lang pala ako. Hindi ako nakapagsalita at kinuha ang bag na nasa tabi ko. Ayokong pakinggan ang mga iba pa niyang sasabihin dahil sapat na ang mga narinig ko. Pero bago pa man ako makatayo, nahawakan na niya ako sa braso. "Please, Louise, mag-usap muna tayo. Let me explain first. Pakinggan mo muna ako. Ayokong maghiwalay tayo ng ganito, please!" Nagtiim-bagang ako at pinilit na pinakalma ang aking sarili. Ano pa ba ang dapat pag-usapan? Pero sige, pagbibigyan ko ang animal na 'to! Muli akong umupo at pinilit ang sariling magbigay ng diretsong tingin sa kanya. "Bakit? Ano'ng naging kasalanan ko para gawin mo sa akin 'to?" kalmado kong tanong kahit feeling ko sasabog na ako anomang oras. "Sa loob ng limang taon, our time together was beautiful. But I realized that there are still things that I like to explore. Si Sheryl, lahat ng bagay na gusto ko sinuportahan niya. Sinamahan niya ako sa lahat ng gusto kong puntahan na para sa ’yo, waste of time lang," I shot him a death stare. Nagpanting ang tenga ko. Kinginang excuse 'yan! "Gusto mong mag-explore? Bakit? Ikaw ba si Dora the explorer? Eh 'di dapat sana sinabi mo sa akin para kinantahan kita ng I'm the map, I'm the map, letse ka!" sarkastikong tugon ko. "Louise, I'm sorry, okay? Hindi ko naman sinadya. Pinigilan ko naman, eh, promise! Pero tinamaan talaga ako sa kaniya." Lumunok ako at dinampot ang baso at inisang lagok ang laman. "Pero ang sabi mo mahal mo ako ’di ba? Sabi mo ako lang." "Totoo 'yon. Mahal kita, pero... mas mahal ko siya." Aray ko po! Tila punyal na tumarak sa dibdib ko ang binitawan niyang salita. "Talaga ba? Bakit? Naibigay ba niya sa 'yo ’yong hinihingi mo sa akin na hindi ko kayang ibigay? Pinakain ka ba ng apple pie niya?" matapang kong tanong. Baka kasi 'yon ang isa sa dahilan kaya naghanap siya ng iba. Dahil hindi ko maibigay ang sarili ko sa kanya. Good thing na hindi ko nga isinuko sa kanya ang perlas ng silangan, dahil ang damuhong 'to, nasa talampakan pala ang utak. "Yes," maikli niyang sagot. Three letter word lang ’yong sagot niya pero ang bigat ng pasok no’n sa puso ko. Gusto kong sipain sa balls ang hinayupak na 'to! "So, it turned out na ako pala ang may kasalanan kaya ipinagpalit mo ako?" "It's not you, it's me." Naningkit ang mga mata ko at nagsalubong ang aking mga kilay. Ano raw? Palabas na ang luha ko, e, pero binanatan niya ako ng it's not you, it's me thingy niya! Sa lahat ng gagamitin nito, 'yong sobrang gasgas pa talaga na linya? Like, duh? Where did he get that line? Hindi ko naman akalain na mahilig pala sa soap opera ang damuhong 'to. Parang umatras 'yong likido pabalik sa glandula ng luha ko dahil sa linya niya. I smiled sweetly at him despite the throbbing pain I'm feeling inside. Kahit naman gago 'tong si Zeke, minahal ko 'to. Pero hindi ko hahayaan na makita niya akong nasasaktan. Wala akong balak na magwala, magmukmok, ngumawa or whatsoever. Sayang ang ganda ko! Wala naman siyang nakuha sa akin dahil hindi ko pa isinuko ang Bataan sa kanya. It's not my loss, it's his. Magsama sila ng kung sinuman 'yong tangang babae na ipinalit niya sa akin! "Mahahanap mo rin ang para sa ’yo." Natawa ako. Peste! Isa na namang gasgas na linya. Wala ba siyang originality at copy paste lang ang alam niya mula sa mga eksena sa mga lumang drama? Try niya rin kayang gumaya ng linya sa kdrama? Mas matutuwa pa ako. "Oo, laking tuwa ko nga at hindi ikaw 'yon, sabi kasi nila, maliit daw 'yang ibon mo!" sigaw ko para marinig ng mga nandito sa loob. Namula ang mukha ng hayop! Totoo nga sigurong maliit 'yong sa kanya. Nginisihan ko siya sabay tayo. Bago pa man ako tumalikod, dinampot ko ang basong may tubig at ibinuhos sa ulo niya. "Malamig na tubig para sa ’yo, gago! Baka sakaling mahimasmasan ka sa katarantaduhang ginawa mo!" Napasinghap ang mga tao sa loob ng resto at nasa amin na ang kanilang atensyon. Parang eksena sa drama ang kanilang natutunghayan. "What the f**k, Louise!" galit nitong bulyaw sa akin sabay tayo. "What the f**k talaga!" Pabalik kong sigaw sa kanya at inilapit pa ang mukha sa mukha niya. Sinenyasan ko si Matet na ibaba na ang cellphone niya. Nakalimutan ko, naka facegram live pala kami. But it's okay, hindi naman ako nagmukhang kawawa. Atleast nakita ng buong mundo kung paano maging basang sisiw ang isang Zeke Montemayor. After that scene, I've made my graceful grand exit from the restaurant. * * * TWO days after makipag-break sa akin ni Zeke, nabalitaan ko ang magaganap na engagement party nila ng babaeng ipinalit niya sa akin. Ang galing! Ibig sabihin, matagal na niya akong niloloko. I've never got insulted in my entire existence on earth, ngayon lang! So I did my plan para makapunta sa letseng engagement party nila. Kahit tinanggap ko na ang breakup naming dalawa, hindi ko pa rin hahayaan ang ginawa niya sa akin. Hindi ako martyr at hindi rin ako santa para magpaapi at hayaan na lang ang panggagago niya sa akin. I pulled some strings to know the details of their engagement party. It's time for my revenge! I went on the day of their engagement. Nagbihis ako ng maganda and I see to it na matatalbugan ko ang bride to be. I wore a bloody red backless dress with a long slit on the side and made sure that everyone will drool over me. Pagkarating ko sa venue ng engagement, nakita ko na ang dalawa. Nakatalikod sila mula sa kinaroroonan ko. I walked gracefully and confident. As expected, nasa akin nga ang attention ng lahat at bakas ang paghanga sa kanilang mga mukha. I'm on my half way nang tumigil ako at sumigaw. "Huwag kang magpapakasal sa kaniya! Dakilang boba ka na lang kung tatanggapin mo ang lalaking 'yan. Buntis ako at siya ang ama!" Everyone started murmuring like a bee. Pero laking gulat ko nang humarap ang dalawa sa akin. Shet! Hindi ko sila kilala! Napatakip ako ng bibig at gustong magpalamon na lamang sa lupa dahil sa hiya at gulat. Lumapit pa ako sa kinaroroonan nila to make sure dahil baka pinaglalaruan lang ako ng paningin ko. Pero hindi. Ibang engagement talaga ang napasukan ko. "What did you say? Buntis ka?" hiyaw ng babae pagkaharap sa akin. Napakurap-kurap lamang ako at hindi sumagot. The next thing I knew, sinampal na nito ang lalaking katabi. "f**k you, Jacob!" Isa pang sampal ang ipinadapo nito sa mukha ng lalaki sabay tanggal at hagis sa engagement ring nito sa dibdib ng lalaki saka tumakbo palabas ng hall. Shit! What have I done? "Monique!" tawag ng lalaki sa babaeng tumakbo. Pucha! Kailangan kong makaalis dito dahil baka makatay ako ng 'di oras. Pero bago pa man ako tuluyang makatakbo, napatingin muna ako sa lalaki. Saglit na nagtama ang aming mga paningin. Doon ko napagmasdan kung gaano kaganda ang kulay dagat niyang mga mata kaya saglit akong nahipnotismo para titigan ang mga iyon. Ang guwapo! Parang modelo na hinugot sa loob ng magazine. Pero yung tingin niya, nakakasugat! Parang kakainin niya ako ng buhay sa sobrang talim. Unti-unti kong inangat ang aking kamay para mag-peace sign sa kanya. "Eh, he he. Sorry pare! Wrong address." "You! Crazy woman!" Galit na turo nito sa akin kaya kumaripas na ako ng takbo palabas ng hall. Ang tanga-tanga ko talaga! Bakit ba nagkamali ako ng pinuntahan? Tama naman 'yong pinuntahan ko base sa binigay sa akin na address ni Matet. Kakalbuhin ko ang babaeng 'yon! "Patay ka sa akin Matetay!" Malalaki ang hakbang ko at para na akong kakapusin ng hininga. Pagtingin ko sa likuran ko, hinahabol ako ng lalaking guwapo. "Come back here, crazy woman!" sigaw nito. Parang kulog ang boses niya sa lakas. "Tinawag pa akong baliw ni pogi. Ang bilis naman ng karma ko, susme!" Tinanggal ko ang sapatos ko para makatakbo ng mas maayos. Agad akong pumasok sa papasarang elevator at agad na pinindot ang closed button. Nakahinga ako nang maluwag ng sandaling pasara na ang pinto. Pero bago tuluyang nagsara, saglit kaming nagkatitigan ng guwapong lalaki. Napahawak ako sa aking dibdib dahil sa titig na 'yon. "I'm sorry for the trouble I've done,” bulong ko sa aking sarili.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Billionaire's Obsession

read
2.8K
bc

My Son's Father

read
583.3K
bc

Unloved by the billionaire

read
397.5K
bc

Billionaire's Secret Affection (Tagalog)

read
259.1K
bc

Mister Arrogant (TAGALOG/SPG18+)

read
832.4K
bc

Loving The Billionaire |SPG

read
249.6K
bc

The ex-girlfriend

read
139.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook