“HINDI ka pa ba gutom, Love?” Napatigil kami sa paglalakad. Inangat ko ang aking kamay para i-check ang aking pambisig na relo. Medyo kumakalam na nga ang sikmura ko. Buhat kaninang tanghali ay hindi pa nga pala ako kumakain maliban sa malamig na tubig na ininom ko kanina. “Medyo nag-aalburoto na nga ang mga pet ko sa tiyan,” usal ko saka luminga-linga sa paligid para tumingin ng makakainan. Ngunit tanging mga stall na nagtitinda lang ng street food ang naririto. Walang pang heavy meal na katulad ng kanin. Parang bigla pa naman akong nag-crave sa mainit at maasim na sabaw. Gusto ko ng sinigang o kahit nilaga na pinatakan ng kalamansi at chili oil. “Saan mo gustong kumain? May alam akong Japanese restaurant na malapit dito.” Mabilis akong umiling. Hindi dahil sa ayaw ko ng Japanese f

